抖阴社区

                                    

"Ms. Nat, tawag na po kayo ng Mommy niyo." napalingon ako sa nagsalitang babae sa likuran ko. Iyong organizer pala.

Gio stood up, I stood up, too. "I'll go ahead, Natalia."

I nodded at him. "Take care," tanging nasabi ko.

Nauna na si Gio lumakad pabalik sa loob. Pinapanood ko lang siya. Nagsimula lang akong maglakad nang makita kong nakatingin pala sa 'kin 'yung organizer at hinihintay ako.

"Natalia, where have you been?" bungad ni Mommy nang pumunta na ako rito sa dining namin.

"Sa pool area po, nagpahangin lang."

Mom nodded at me. Dumiretso na kami ulit sa sala dahil nandoon ang party namin. Napitingin pa ako kay Gio na ngayon ay mukhang nagpapaalam kay Daddy. Hanggang sa paglabas niya ng pinto ay pinapanood ko lang siya.

Maybe.

Maybe... there's something good in him.

-

"I heard that you're talking to Gio last night," biglang sabi ni Daddy habang nagb'breakfast kami.

Napalunok ako. "Ahm. Y-yes."

Dad nodded while getting another bread. "That boy is nice. Magna Cum Laude in Diamond International University and now taking up law." parang manghang-mangha si Daddy.

"Wow. Impressive." sabi naman ni Mommy.

"Natalia, if you'd date him─"

"I won't." putol ko kaagad kay Daddy.

Dad chuckled. "If you'd date him. I won't have a problem with that." he said that caused me to frowned.

Siya na mismo ang nagsabi, he's not into a relationship. Who am I to change his perspective?

I stood up ang got my bag. "I'll go ahead." sabi ko dahil may pasok pa ako ngayon sa ospital.

"Take care," Dad shortly said, not looking at me.

I gave Maureen a pat in her head before leaving our house. Nagpahatid na lang ako dahil nandito naman ngayon 'yung driver ni Maureen at wala naman siyang pasok ngayon.

When I arrived at the hospital, I did my daily routine. Nandito na sina Mikee at Jenny sa Nurse Station.

"I-di-discharge na raw bukas 'yung nasa Room 182," sabi ni Mikee sa 'min. "Nurse Nat, nag-ba-bye ka na ba sa gwapong anak?"

Napairap ako. "Kayo talaga, inaasar niyo na naman ako."

Jenny chuckled. "Tinatanong lang, halatang defensive, eh." nag-apir pa sila ni Mikee kaya napailing ako.

Gabi na nang mapagdesisyunan kong bisitahin si Mrs. Lorenzo. Breaktime ko at wala naman akong gagawin kaya sa kaniya na lang ako pupunta.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room niya, napaawang ang labi ko nang may lumabas na Doctor at Nurses. Nagmamadali akong tumakbo papunta roon.

I covered my mouth when I saw Mr. Lorenzo crying while holding Mrs. Lorenzo's hand. Nakapikit na si Mrs. Lorenzo.

Tumingin ako sa monitor.

Flat line.

Lumapit kaagad ako kay Mr. Lorenzo. Iyak siya nang iyak kaya bahagya kong tinatapik ang likuran niya.

Napatingin siya sa 'kin at malungkot na ngumiti. "Nagpapahinga na siya,"

My heart ache. Parang may kung anong kumikirot sa puso ko. I don't know what to do... bigla na lang akong parang natulala habang nakatingin kay Mrs. Lorenzo.

We were both silent. Tahimik lang kami habang nakatingin kay Mrs. Lorenzo. Hindi ko magawang kausapin si Mr. Lorenzo at sabihing okay lang dahil hindi naman talaga.

"Kailangan na pong kunin 'yung katawan." bigla na lang kaming may narinig sa likuran namin.

It was hard seeing Mr. Lorenzo hurting this much. Masakit kapag nawalan ka ng taong importante sa 'yo. Although, hindi ko pa naman nararamdaman, alam ko lang na masakit dahil kahit ako na hindi kaano-ano ni Mrs. Lorenzo ay nasasaktan, ano pa kaya 'yung asawa niya?

Lumabas na si Mr. Lorenzo. Pumunta ako sa rooftop para magpahangin. I want silence.

Pag-akyat ko ng rooftop ay mayroong tao. Bababa na sana ako pero nang tignan ko ulit ay napansin kong si Gio.

Instead of going downstairs, I walked towards him.

Nang nasa tabi na niya ako, napatingin siya sa 'kin. He seems different today. He seems... sad.

"Malungkot ka," bungad niya sa 'kin.

"Paano naman nasabi?"

"Pumupunta ka rito kapag malungkot ka,"

I sighed a deep breath and looked away. "One of the patient that is close to me died earlier."

He nodded. Hindi siya nagsalita. We were both engulfed with silence so I decided to talk.

"You?" I looked at him. "Why are you sad?"

Tumingin siya sa 'kin. "Me? I'm not sad."

I chuckled sarcastically. "Sabi mo kaya ako nabibigatan kasi kinikimkim ko, you're doing the same thing."

"And what makes you think that I'm sad?"

"I can see it in your eyes." sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Napaiwas siya ng tingin. There was a hidden smile on his face but he quickly removed it by pressing his lips together. Tumingin na lang din ako sa mga building sa harap namin.

"It's my mom's death anniversary."

Agad akong napatingin sa kaniya. Tumingin din siya sa 'kin.

"Well, I'm not... sad like what you say, I'm just..."

"Sad." sabi ko dahil iyon naman talaga 'yon. Kahit sino kapag naisip 'yung magulang niya na wala na, malulungkot.

Gio chuckled. "Yeah? I guess, a bit. I just... miss her."

"A bit or not, you're still sad... and that's okay, Gio. It's okay to be sad sometimes. Hindi nakakabawas sa pagkalalaki mo."

Muli na naman siyang natawa. "You keep on making me laugh." sabi niya. I just shrugged. "Well, thanks for that."

"You're welcome."

Tinawanan na naman niya ako. Bakit ba siya tawa nang tawa sa lahat ng sinasabi ko?

"Your dad must be hurt." sabi ko dahil naalala ko si Mr. Lorenzo kanina. "It must've hurt when you lost someone that you really love."

"It is," sabi niya habang nakatingin sa mga building sa harapan namin. "But... if you're talking about love romantically, I don't know."

"You haven't fall inlove yet?" I asked while playing with my hands.

I can see in my peripheral vision that he looked at me. I waited for another five seconds before he spoke again.

"I haven't before... I don't know now."

Always, In All Ways (Change Series #4)Where stories live. Discover now