~ The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah~Tumatapik-tapik si Gio sa manibela, sinasabayan niya ang beat ng kanta.
~I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again ~Napapangiti ako habang sinasabayan ko sa isip ko ang kanta. It's actually my favorite. I didn't know Gio like this kind of music.
~Even the best fall down sometime
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide~"Ang ganda ng boses mo," Gio suddenly said. Napatingin ako sa kaniya at napatakip sa bibig. Am I singing that loud?
"Hindi naman ako kumakanta,"
Gio smirked. "I heard it,"
Umirap na lang ako at tumingin sa labas. Ayan tuloy, nahiya na ako!
Maraming nagsasabi na maganda ang boses ko... kaya nga sinasali pa ako nina Mommy sa recital ng piano noong bata pa ako dahil may passion daw ako sa music. Ang weird lang.
Finally, we stopped in front of our house. Nakasara na ang gate namin dahil gabi na. Mayroon naman kaming guard pero mukhang wala kaming balak pagbuksan dahil hindi naman sa gitna pumarada si Gio, nandito lang kami sa gilid.
"Papakita mo na 'yung mga babae mo?" I asked after I unbuckled my seat belt.
Gio held his chest. "Ouch, ang tunog playboy ko naman."
Natawa ako. "Totoo naman, eh." sabi ko dahil halata naman sa kaniya.
He got his phone from his pocket. Naghihintay lang ako at umaasang i-a-abot niya sa akin para makita ko ang mga babae niya pero bigla lang niya akong tinawanan.
"Nasaan na?" I asked.
"Wala naman kasi akong babae, ano ang hinihintay mo?" he chuckled.
My forehead creased. Pumayag siya kanina, ah?!
"Whatever, Gio." sabi ko tapos bumaba na ako ng kotse niya. "Thanks for the ride," I said before leaving him.
Hindi pa man ako nakakapasok ay may dumating na na kotse. Nakita ko ang kotse nina Mommy at Daddy. Usually ay hindi sila sabay na umuuwi kaya baka si Daddy lang 'to.
Papasok na sana ang kotse pero huminto nang mapansin na nakatayo ako sa gilid. Lumabas sa passenger seat si Mommy. "Natalia, is that you?"
I nodded. "Hello, Mom. You're with Dad?"
Mom nodded and walked towards me. "Yes. Sino ang naghatid sa 'yo?" tumingin si Mommy sa kotse ni Gio na hanggang ngayon ay nandoon pa sa gilid.
Bumaba na rin si Daddy ng kotse at lumapit sa amin. Nagulat na lang ako nang nasa gilid ko na pala si Gio. "Tito, Tita," he offered his hand to my parents.
"Gio, ikaw pala." tuwang-tuwang sabi ni Daddy.
"Ah. Yes, Tito. Aalis na rin po ako. Hinatid ko lang po si Natalia."
Mom shook his head. "No, hijo. Dito ka na kumain. Let's go! Let's go!" pumalakpak si Mommy at pumasok na sa gate, si Daddy naman ay bumalik na sa kotse para maipasok na. Naiwan kami ni Gio na tulala at nakatayo lang doon.
Gio looked at me. "Ayaw mo ba? I can say that I need to study."
Napatingin din ako sa kaniya. "Gusto mo ba?"
He shrugged. "Gusto ko... sana gusto mo. Kung hindi, pwede naman akong umuwi."
I pursed my lips, trying to hide my smile. "Tara na, pasok na tayo sa loob."
Gio smiled at me. Bumalik siya sa kotse niya para maipasok niya sa loob at ako naman ay lumakad na papasok sa gate.
I sighed a deep breath while I am standing in front of our door. Hinihintay ko pa si Gio dahil pinarada pa niya ang sasakyan niya.
"Let's go?" he asked when he finally went near me.
Huminga ulit ako nang malalim at tumango.
This is going to be a long dinner.

YOU ARE READING
Always, In All Ways (Change Series #4)
RomanceNatalia Eunice Verdadero doesn't know how to love. She's always focus on proving herself to her parents. She's never been in love in her entire life not until she met Karl Gio Xavier Vergara, a playboy law student. Unfortunately, Gio only wants to p...
Chapter 10
Start from the beginning