Ang sakit na ng ulo ko ngayon sa hindi malamang dahilan. Siguro, dahil ito sa hindi maayos na pagtulog ko. Lagi na kasi akong walang ayos na tulog.
Sobrang lamig ngayon dito sa loob ng hospital dahil malakas ang ulan sa labas. May bagyo yata, e. Hindi na 'ko nakakanood ng balita.
"Hey, you okay?" Mat asked. Naglalakad ako ngayon papunta sa pasyente kong nakaconfine.
I simply nodded. "Headache," I answered.
"Gamot? Wala kang dala?" he asked. "Meron ako."
"Thanks, Mat. Okay lang ako," sagot ko sabay ngiti.
Pagpasok ko sa isang kennel, nilapitan ko agad ang pasyente ko.
"Hello, Monggu! How are you?" I asked the puppy.
Sumandali lang ako roon. Gusto ko na umuwi at magpahinga. Ang sakit talaga ng ulo ko at ang sama na rin ng pakiramdam ko bigla.
Kumatok si Mat na may bitbit na jacket. Pumasok siya at lumapit sakin. He lent his jacket so I took it. May inabot din siyang gamot para sa sakit ng ulo.
"Inumin mo para mabawasan 'yang ulo mo," sabi niya. Napakunot naman ako ng noo.
"The fuck," sabi ko sabay tawa. Bwiset, pati pagtawa bawal. Sumasabay 'tong sakit ng ulo ko.
He chuckled. "Just kidding. Umuwi ka na kaya? Ako na bahala rito," sabi niya.
"No, I'm fine. Malapit na rin naman ang out ko," pangatwiran ko.
Tinapos ko na ang trabaho ko. Wala na rin ako masyadong ginagawa kaya maaga akong nag-ayos ng gamit at sarili. Kailangan ko na talaga magpahinga.
Sinalubong ako ni Mat sa may reception. Kausap nanaman niya ang receptionist. Tinanong niya lang ako kung may pupuntahan pa 'kong iba. Sinagot ko naman siya.
Nagdrive na agad ako pauwi. Huminto muna 'ko sa isang Pharmacy. Wala akong kahit na anong gamot sa condo. Ni stock nga ng food wala rin masyado, e. Hindi naman kasi ako nakakakain sa bahay kaya hindi na 'ko bumibili ng grocery.
Binili ko na ang gamot sa sakit ng ulo at lagnat. In case lang magkasakit ako, at least handa. Hinihintay ko nalang ang gamot na kinuha pa somewhere nung Pharmacist na babae.
"Destiny nga naman," sabi nung lalaki na kararating lang at tumabi sakin.
What the hell is he doing here? Akala ko pa naman hindi ko na makikita ang kupal na 'to. I was wrong!
"Iniiwasan mo ba 'ko? May magagalit ba? You're single, right? Hindi mo naman boyfriend yung COO ng kumpanya niyo," tuloy-tuloy niyang tanong. Nakakarindi sa tenga 'to!
And how the hell did he find out na kumpanya namin 'yon? Wala naman akong nabanggit sa kanya na anak ako ng may-ari, ah?
"What do you need, Prim?" I asked, irritated.
"Need? Uhm, you. I need you," he answered, smiling. Creepy. "Can we date?" he asked, which made me look at him in annoyance.
"No," I simply answered. He chuckled.
Bakit ba kasi ang tagal nung babae? Hindi naman marami ang binili ko para magtagal siya diyan! I really hate waiting. Ayokong pinaghihintay ako!
Bigla-bigla nalang niya 'kong inakbayan at nilapit ang mukha sa tenga ko. Hindi ba siya nahihiya? Ang daming tao tapos ang landi niya diyan! At wala siyang karapatan akbayan ako!
"I know you'll change your mind. Wala pang humihindi sakin," sabi niya, mukhang proud pa. I don't care. Ngayon, meron na.
And it's me!

BINABASA MO ANG
My First And Last: The Series
Teen Fiction[UNDER REVISION] Una sa lahat, bakit ka aasa at maniniwala kung hindi naman sinabing ???????? Itong si Akira Dawn Oreza, naghahanap ng kalandian pero hindi niya kailanman ginusto ang magkaroon ng fubu. Matinong relasyon lang naman ang gusto n...