Sa kabilang banda, hindi naging maganda ang takbo ng academy. Nagkakagulo ang mga staff at mga instructor ng academy dahil sa ilang araw na pagkawala ng mga estudyante. Marami na ring mga magulang ang tila nagrereklamo sa academy.
"Wala pa rin ba kayong balita sa mga nawawalang estudyante?"
"Wala po Headmaster," isa sa mga staff.
"Kahit isa? Imposible naman yun? Kahit mga bakas ng mga kalaban, wala?" tanong ng Headmaster.May biglang pumasok na instructor sa loob ng Headmaster's office. "May nakita po ako, hindi ko nga lang po alam kung makakatulong ito," isa sa mga instructor.
"Maraming salamat, ibahagi mo sa amin," Headmaster."Noong araw na may sumalakay na itim na nilalang, nakagawa ako ng kahit papaano ay malakas na barrier na makakapagprotekta sa mga estudyante sa loob ng camp. Noong araw na iyon, may dalawang estudyanteng nagngangalang Adrin at Zachson ang nagmamadaling pumaroon sa akin. Sinabi nila na kailangan ko daw iligtas sina Hendry at Ranriko. At ang ginawa ko ay pinuntahan ko sila habang mayroon pa ring barrier na pumoprotekta sa mga estudyante. Nakarating ako ng mabilis dahil sa kakayahan kong pabilisin ang aking pagkilos. Mula sa kalayuan ay may nakita akong estudyante na hinahabol ang itim na nilalang na may hawak na estudyante. Malapit na sana ako sa kinaroroonan nila nang bigla akong liparin ng malakas na hangin. Ngunit hindi ako nagpatinag, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo ngunit maya maya ay tila nagkaroon ng pagyanig sa lupa. Hindi rin nagtagal ay namataan kong nawala na ang itim na nilalang. Nasa malayo akong distansiya mula sa estudyante na humahabol sa itim na nilalang, tila hindi ako makatayo noon dahil sa pinsalang natamo sa pagtama ng hangin at pagyanig ng lupa. May namataan akong estudyante na tila humahagulgol at nagwawala. Nakaramdam ako ng hindi magandang mangyayari, lumayo ako at naglagay ng malayong distansiya. Maya maya ay nagkaroon ng tila mala-bagyo na pagkasira sa paligid ng estudyanteng ito. Muli kong tinignan ang mga I.D na hawak ko upang malaman kung sino ito. Nakita ko sa screen na lumitaw sa mukha ko na si Hendry ito. Hindi rin nagtagal ay nasira na ang tracker sa screen at nawala na ang pangalan niya. Pagkatingin ko sa kinaroroonan ni Hendry ay nawala na ito. At ang malinis at tahimik na gubat ay napalitan ng isang hindi ko maipaliwanag na kahindik-hindik na pangyayari. Nagkaroon ng napakalaking butas sa lupa, lahat ng may buhay at puno sa paligid ay namatay. Patawad kung ngayon ko lamang ito nabanggit sa inyo Headmaster," ang instructor.
"Wag kang mag-alala. Salamat sa iyong pagbanggit sa akin. Maaari mo bang ituro sa akin kung saan ito matatagpuan?" ang Headmaster.
"Maaari po Headmaster. Sundan po ninyo ako," ang instructor.Naglakbay ang ilang mga staff at Headmaster kasama ang instructor upang puntahan ang napakalaking butas sa lupa. Naglabas ng mga iba't ibang gamit ang staff upang tuklasin kung saan nanggaling ang nangyari.
"Napakalaking butas nga nito, alam mo ba kung sino ang may gawa nito?" tanong ng headmaster sa instructor.
"Hindi rin po malinaw sa akin kung kanino pong mahika ito. Medyo nanghihina na po ako nung araw na iyon kaya hindi rin po malinaw sa akin," sagot ng instructor."Headmaster! May na-detect po ako na magic power. Natatakot po akong sabihin ngunit hindi po galing sa isang tao ang mahika na ito," sabi ng isang staff.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng headmaster.
"Pasensiya na po sa sasabihin kong ito. May posibilidad na hindi po tao ang may gawa nito. Mukhang mas malakas pa po kaysa sa magic power po ninyo ang mahika na ito," sagot ng staff.Nabalot ng takot ang mukha ng headmaster. "Hindi maaari! Maaaring ito na nga ang pagbabalik ng mga Demon Lords."
"Maaaring galing po ito sa isang estudyante kung saan ako naka-assign, si Hendry," sabi ng instructor.
"Maaari nga iyan ngunit hindi natin alam. Kailangan muna nating pag-aralan ito, mukhang makakatulong ito upang matagpuan natin ang mga estudyante na nakuha sa ating academy," ang Headmaster.Ranriko's POV
"N-nasaan ako? May tao ba dito?" Tumingin ako sa paligid. Tila nasa loob ako ng isang kulungan. Lumapit ako sa rehas at sinilip ang labas.

BINABASA MO ANG
In Another Life As A God
FantasyThis is inspired by the anime sub-genre which is isekai and slice of life. Ano bang gagawin mo kapag nabuhay kang muli sa ibang daigdig na kakaiba sa kinagisnan mo? Si Drew, isang normal na tao, namatay siya sa isang aksidente at natagpuan ang saril...