" Balot! balot! balot kayo diyan! " sigaw ko sa gitna ng dilim at sa ilalim ng dilaw at bilog ng buwan.
" Kuya, pabili nga po ng balot " ani ng babae ng makalapit sa'kin may kasama itong lalaki na baka ito'y kanyang kasintahan.
" Ilan Ate? " naka-ngiti kong tanong sa kanya habang ibinababa at binuksan ang basket ng nilalagyan ng balot. Tumingin ito sa kanyang kasintahan at ito ang tinanong niya.
" Tatlo, Kuya " nakangiti nitong sagot kaya napasimangot ang kanyang kasintahan. Kumuha naman ako ng plastik at kumuha ng tatlong balot sa basket at kumuha ulit ako ng isa pang plastik para lagyan ng suka na sawsawan ng sagot at isinama sa tatlong balot at naka-ngiti paring ini-abot ito sa kaniya.
" Magkano? " tanong nung babae pagkatapos abutin ang balot na naka-ngiti parin.
" Trenta'y nwebe po " sabi ko. Bumunot naman ang kanyang kasintahan na kanina pa naka-simangot ng singkwenta at ini-abot ito sa akin. Kinuha ko iyon at sinuklian sila.
" Salamat " naka-ngiti kong sambit sa kanila tsaka sila umalis habang naka-simangot parin habang ang babae nama'y malawak na naka-ngiti. Napa-iling naman ako ng naka-ngiti sabay inayos ang basket bago isukbit ito muli sa aking kaliwang balikat at sumigaw ulit ng "balot".
Pasado alas-10 na ng gabi ng maka-ubos ako ng tinitinda kong balot. Halos nalibot ko na ang kalahati ng San Andres para lang maubos ang tinitinda ko buti na lamang at gising pa si Mang Enteng, ang pinag-kukunan ng balot sa amin. Pagka-pasok ko ng kalye Natividad, ang kalye kung saan kami nakatira, gising na gising parin ang mga tao dito. Pero halos lahat ng gising dito ay mga lalaki na nag-iinuman sa tapat ng kani-kanilang bahay.
" Alex,ginabi ka ata ah " sambit ni Aling Marta ng makita niya ako, huminto ako sa tapat ng kanilang bahay na alangang tumawa habang nagkakamot ng batok.
" Kaunti lang po kasi ang bumili ng balot sa plaza Aling Marta kaya kailangan ko pa pong umikot ng San Andres para po maubos yung tinda ko " sabi ko.
" Konti lang siguro ang napasyal sa plaza kaya konti lang bumili " sabi niya habang minamasahe ang kanyang asawa na nakikipah-inuman." O sige, umuwi ka na nang makapag-pahinga ka na dahil maaga pa kayong papasok bukas. Si Jun nga'y katutulog lang dahil puros cellphone ang inaatupag" dagdag niya.
" Sige po, magandang gabi po " naka-ngiti kong sambit at naglakad na pauwi.
May mga iba pang naka-pansin na ginabi na ako ng uwi at binati ako, may iba pang inaya akong uminom pero tumanggi ako kasi may pasok pa ako bukas at hindi rin naman kasi ako umiinom.
Pagkapasok ko sa bahay ay bukas parin ang ilaw namin at mukang hinintay pa ako ni Papa na maka-uwi. Sinarado ko ang pinto tsaka ni-lock ito.
" Ginabi ka na " sabi ng baritong tono mula sa likod ko habang ina-ayos ko ang pakaka-lock ng pinto namin. Hinarap ko ito at mukang galing si Papa sa kusina dahil basa ang kanyang kamay, naghugas siguro ng kamay. Kumamot ako sa aking batok at alanganing ngumiti kay Papa na nagpupunas ng kamay.
" Konti lang po kasi ang tao sa plaza kaya kaunti lang din po ang bumili. Nilibot ko pa po ang San Andres para po maubos ko po ang tinda kong balot " alangang sagot ko kay Papa. Napabuntong-hininga naman siya tsaka malungkot na tumingin sa akin ng direkta.
" Sabi ko naman sayo Alex hindi mo na kailangang gawin ito eh " malungkot na sabi ni Papa.
" Papa, sabi ko po sayo hanggat kaya ko pong tumulong sa iyo tutulong ako. Hanggat kaya ko pong pagsabayin ang pag-aaral ko at pagtatrabaho hindi po ako titigil " naka-ngiti kong sabi kay Papa na muling numuntong-hininga dahil sa paulit-ulit kong sagot sa kanya.

YOU ARE READING
Alexander's Point of View
Teen FictionAlexander Morales, a working-student, from poor family that full of dreams for his family and for himself, is deeply in love with Sandrea Cris Sanjuan, his schoolmate slash classmate, a beautiful girl from a wealth family. Alexander having a hard-t...