ENDLESS
Seemingly without endFreedom
I have strict parents. So I never had that freedom to do what I want. Kumbaga para akong nakaposas at nakakulong lang. Bawal lumabas kasi nasa labas ang kapahamakan at iniiwas nila kami roon. Naiintindihan ko ang puntong iyon. Kaya naman lumaki akong nasa loob lang ng bahay nauubos ang buong oras ng nandoon lang.
Taong bahay kumbaga.
Kapag naman merong practice sa school or activity sa araw ng sabado o kaya linggo payagan man o hindi pinupuno kami ng samu't saring sermon. Dapat ganito, dapat ganyan. Paano kung ganito at kung paano ang ganyan. Minsan nakakarindi sa tenga. Pinapangaralan nila kami sa bagay kung saan hindi madaling i-adapt sa isip. Puro pahiyaw, puro pagalit.
Sa bahay naman. Kapag yayayain ako ng dating mga kaklase noong elementarya para mag libot o magliwaliw lang sandali parang laging mali. Magagalit sila lalo na si papa. Sasabihin niya ako ng mabibigat na salita na hindi ko matanggap kasi hindi naman makatotohanan. Kumbaga sa madaling salita hindi niya alam na ilang beses akong tumanggi bago napapayag nang araw na iyon.
Sa huli naiipon lang ng husto ang mga salitang hindi makatarungan sa pandinig. Nakakarindi, nakakainis, at nakakagalit pero anong gagawin ko?
I don't have the freedom. Tulad ng nasa una. Nakaposas ako, nakakulong sa hawla ng sobrang pagmamahal.
Uwian na. Tapos na ang klase ng IT subject para sa huling klase ngayong araw. Magkaiba sila ng lilikuang kalsada ni Devhin kaya naman sa sakayan ng trycicle ay sabay silang naglakad.
"Ichachat kita mamaya. Matutulog ka ba ng maaga?"
Malapit na sila sa sakayan nang magtanong ito.
"Hindi ko alam. Titingnan ko ang lagay sa bahay kung makatulog ako ng maaga, " may kung anong mababang tono niyang sagot.
"Mag reply ka garod--- teka tatawagan kita ng trycicle-" pinigilan niya ito.
"Mauna ka ng sumakay. "
"Bakit?"
"Wala lang sige na. Chachat kita pag pauwi nako. "
"Ok sige, sasakay nako."
Kumaway siya ng tuluyan sa kanya nang sumakay siya sa sidekick ng trycicle. Kumaway din siya pabalik.
Tumigil si Yeri sa gilid para i-ckeck ang cellphone. Kailangan niyang siguraduhin kung nakauwi na si Leo. Ang nakakabata niyang kapatid.
Nang buksan ang cellphone ay nabunggo siya ng isang batang tumatakbo dahilan kung bakit nahulog ang cellphone niya. Pagalit niya itong pupulutin nang mayroon ng pumulot 'non para sa kanya.
"Salam---"
Napigil niya ang pagsasalita nang makita ang lalaking nasa harapan niyang pumulot ng cellphone niya para sa kanya.
"Yeri tama? "
"Oo. "
"Saan ang lilikuan mo? Kanan o kaliwa"
Tanong ni Heron sa kanya na animo'y magkakilalang magkakilala sila. Kapagkuwan ay natatagpuan niya ang sariling sumasagot sa mga tanong nito.
"Kanan. "
"May hinihintay kapa? "
Tumango siya bilang sagot at muling binuksan ang cellphone para magtipa ng number.
Nakita niyang hindi pa umaalis sa tabi niya si Heron na nakasuot pa rin ang black mask sa kanya.
"Leo nakauwi kana ba?" bulong niya nang sinagot ng kabilang linya ang tawag.

YOU ARE READING
ENDLESS (ONGOING)
Teen FictionYeri Salced is an 18 year old girl who suffers endlessly. By not being be able to heal. She is screaming for help but can't reach no one but happened to realize that there is only one person always been there by her side. "Embrace it, isn't it part...