抖阴社区

Chapter 3

1.2K 63 3
                                    

Chapter 3: Zadi's Pov

Seryoso kaming nakatingin sa isa't-isa. Nakatayo siya sa kanang side, at ako naman ay nasa kaliwang side. Ang net na nagsisilbing boundary lang ang humaharang saamin.

"I will make five rules." aniya saakin at tumingin pa sa lalaking nakapamulsa. Tumango lang ito kaya ibinalik niya ang tingin saakin.

Pinagkrus ko ang braso ko. "Five by five?" nakataas kilay kong tanong.

Ngumisi siya. "Sure. Ako muna." tumingin pa ito sa paligid at tila nag-iisip. "Hindi kayo puwedeng dumaan sa main door. Dahil nahahati tayo, doon kayo sa kaliwang pinto dadaan, at dito kami sa kanan, which is the main door."

"Okay. Here's mine.. bawal tumapak sa boundary namin, at hindi rin kami tatapak sa boundary niyo." sabi ko at nagsitanguan ang mga kaibigan ko.

Nagkibit balikat lang ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kayo ang magtatapon ng mga basura. Kami na ang bahalang maglinis."

Aba, parang baliktad naman yata!

Nanlaki ang mata ako. "Seryoso ka riyan?!"

"Ang dali nalang niyan. Itatapon niyo lang diyaan sa labas." itinuro niya bawat gilid ng gymnasium kaya napasapo ako sa noo ko.

Makakalat kayo!

As if naman susundin ko siya na basta nalang itapon sa labas ang kalat. Napangisi ako nang may maisip. Tutal kami naman ang nakatoka sa basura, wala silang magagawa kung lilinisan namin 'yan.

Rules are rules.

Nag-isip pa ako. "Hm.. bawal magtapon ng balat ng mga pinagkainan dito sa loob ng gymnasium." taas kilay kong aniya.

May umangal sa panig nila.

"Hoy! Lilinisin naman namin! Ano pang itatapon niyo kung walang kalat?!"

"Oo nga! Saka isa pa, nakakatamad kayang tumayo!"

Sumingit si Shira kaya nagsagutan ang ilan. "Eh 'di itapon niyo sa bag niyo!"

"Ayaw nga namin! Kayo ba naglalaba ng bag namin?"

"Aba, hindi na namin kasalanan iyon!"

"Hoy babaeng kulay pink ang buhok! Tumigil ka ha!"

"Bakit, sino ka ba?!"

"Stop!"

Natigil lang sila no'ng sumigaw 'yung lalaking may maitim na aurahan.

"Rules are rules."

Walang nagawa ang ilan kundi ang umangal nalang.

Tinignan ko ulit si Arkhailes at tinaasan siya ng kilay.

"Every monday, kailangan niyong sundin ang mga i-uutos namin." nakangising aniya.

Umangal naman ang mga kaibigan ko.

"Hindi kayo hari o prinsipe ha!" iritang sigaw ni Qllyn.

"Unfair naman niyon!" buwelta ni Mayi.

"Boo! I disagree!" sigaw ni Lyxhia.

"Tumahimik nga kayo! Kaya ayaw namin ng mga babae rito eh! Napaka laki ng mga bunganga!" sigaw no'ng lalaking brown ang buhok.

"Well thats th-"

Hindi ko pinatapos sa pagsasalita 'yung lalaki na iyon.

"Fine! Basta kami naman ang masusunod tuwing friday!"

Nagsigawan ang mga kaibigan ko at nginisihan sila.

"Rules are rules." nakangising pahabol ko.

"Hindi kayo puwedeng magdala ng mga lalaki rito." masamang tingin ang iginawad saakin ni Ark matapos niyang sabihin iyon.

Class T BoundariesWhere stories live. Discover now