抖阴社区

                                    

"Zadrielle.. what happened?" humawak ito sa mukha ko.

"I'm fine, ate Lazathrielle." sagot ko.

Tinignan nito si Lany at bumuntong hininga.

"Hindi pa rin nagbabago ang kapatid mo, Sany. Ang una niyang biktima, si Arkhailes, at ngayon naman, si Zadrielle? Mga kapatid ko talaga, huh, Lany?" galit na tinignan niya 'yung weird witch.

Yumuko lang si weird witch at lihim akong sinamaan ng tingin na ginantihan ko na naman ng isang ngisi. Nawiwili na talaga akong asar-asarin siya.

"Baka naman si Zadrielle ang nauna?"

Napakuyom ako nang kamao nang marinig ko ang boses ni Arkhailes. Tumaas ang ulo ko at pinaningkitan siya ng mata.

"Mas lalo kong napatunayan na papanig ka sa kaaway mo, maitulak lang ako, Arkhailes. Wala kang ipinagbago." mariin kong sabi sakaniya.

Walang emosyon niya lang akong tinitigan.

"Ark, don't say that. Puwede bang isantabi niyo muna ang personal na alitan niyong dalawa?" sermon ni kuya Zarean.

Palipat-lipat lang ang tingin saamin ng Class T.

"Shit, so they're really twins." bulong no'ng isa at nasisiguro kong isa ito sa kaklase namin na kaibigan niya.

"Lazathrielle, Zarean at Sany. Maupo muna kayong lahat."

Pinakinggan nila si Nazzer.

"Kayo, class T. Lumabas muna kayo."

Halos lahat sila ay nagreklamo pero wala ring nagawa.

"Mr. Grey?" baling sakaniya ni Nazzer kaya sumingit na ako.

"He'll stay here, with me." sabi ko at hinarangan ng braso ko ang akmang pag-alis niya kaya bumalik ito kung saan siya nakapuwesto.

"As you wish, Ms. Zadrielle." aniya na ikinangiti ko.

Tumikhim si Nazzer at bumalik sa upuan niya.

"We want to be fair so we have decided to give all the students who are involve in fighting at the school garden a two days suspension."

Walang nagsalita saamin kahit isa. Walang problema saakin.

“Good thing na walang umapila sainyo. Malalaki na kayo at kailangan niyong harapin ang mga consequences sa mga bagay na ginawa niyo. Ms. Sylvestre i want you to stay together with your guardians, the rest.. you may leave.”

Tinanguan ko lang si Grey nang mapatingin siya saakin. Sinundan ko pa sila ng tingin.

“I'll stay here.” masungit na sabi ni Arkhailes at tinaasan pa ako ng kilay.

“Sabi guardians daw. Umalis ka nga,” inis kong sabi dahil kami nalang naman lima ang nandirito.

“Bakit, office mo ‘to?”

“Hindi. Pero hindi naman kita guardian, ah? Hindi ka marunong makinig ano?”

“Shut up.”

“Leave.”

“No.”

“Arkhailes, Leave!”

“Both of you!”

Natigil kami nang sumigaw si ate Lazathrielle.

“Para kayong mga bata! Hindi ba't sinabi na ni Zarean kanina na matuto kayong isantabi ang personal na alitan ninyong dalawa?!”

“Tell that to your sister, ate Lazathrielle.”

Sinamaan siya ng tingin ni ate. “At kailan ka pa natuto na pagsabihan ako ng ganiyan, Arkhailes? Baka gusto mong alisan namin ng laman iyang card mo at bawiin sa iyo ang sports car mo na binili ko?”

Class T BoundariesWhere stories live. Discover now