抖阴社区

Chapter 21:Mall

1.7K 83 0
                                        

Dedicated  to @Athena_maude for supporting my story  . Thanks a lot ❤❤😊

*

Mabilis lumipas ang isang araw at sa loob ng isang araw na iyon ay wala akong ginawa kundi ang magmukmok sa loob ng kwarto ko. At ngayon nga ay hapon na alas tres ng hapon  naisipan kung maggrocery tutal naman nabuburyo na ako dito .

Niyaya ko sila Rex at Simon na pumunta sa mall . Buti't pumayag naman sila atsyaka malapit lang naman yun dito isang sakay lang . Hindi  naman kasi pwedeng gumamit ng kapangyarihan kasi bawal yun . Gagamitin lang daw yun kung kinakailangan.

Nag ayos na ako ng sarili ko. Nagsuot ako ng white na shirts ,black pants tsaka puting sapatos . Hinayaan ko lang din na magulo yung itim na itim kung buhok. Iba din talaga nagagawa ng mahiwagang pills na yon pati yung mahaba kung buhok ay nawawala at napapalitan ng panlalaking buhok. 

Matapos kung sipatin ang aking sarili sa full size mirror  ay lumabas na ako ng  kwarto ko sakto namang lumabas na yung dalawa.

Nagkatinginan lang kami at sabay na kaming umalis papunta sa first  floor ng building  na to.

Maya maya lang ay pumunta na kami sa likod ng building  ng dorm namin na kung saan may roong malawak na lugar. Yun bang parang dito ginagawa ang palaruan katulad ng Archer basta malawak sya. Maganda at malinis ang buong field..

Maya maya ay sumipol si Simon at katulad ni lola ay mayroong lumabas na pegasus . Ang pinagkaiba lang ay kulay kahel yung kay Simon na may kunting itim sa bandang pakpak neto. Ang ganda promise.

Sunod na sumipol ay si Rex  atb lumabas naman ang pegasus na kulay Sky blue. Tapos sa may bandang ulo nito ay may kulay na puti .. wahhh sanaol...

"Ang gaganda nila!!" Manghang wika ko..
Tiningnan naman ako ng dalawa ..

"Ohh tawagin mo na yung sayo at ng makaalis na tayo" Simon. Na syang ikinakamot ko sa ulo ko . Wala akong kuto ahhh habit ko na talaga yan hehhe.

"Ahhh ehhh wala pa ako niyan ehh
Eh di ba nga hindi  ko naman alam na may kapangyarihan pala ako??  Kala ko normal lang ako kaya ganon" wika ko...

"Ahhh okay  cge dito ka na lang sumakay sa pegasus  ko. " Wika ni Rex.

"Talaga?? Ohh sya cge salamat" Pumunta na ako kay Rex . Sumakay na ako sa pegasus niya.

" Ohhh saan ka ba nakakapit ?? Baka mahulog ka. Kumapit ka sa damit ko at ng makaalis na tayo " wika ni Rex at naghandab ng paliparin ang pegasus  niya. Kumapit na  ako sa damit niya. Dahan dahan na ding lumipad ang sinasakyan namin nauna na si Simon saamin.

*Third  person  p.o.v*

Samantala may apat na lalaki naman ang nakatingin sa papalayong binata . Nakita nila kung paano kumapit si Aldwayne sa damit ng isa pang lalaki na hindi nila alam ang pangalan . Papunta sana sila ngayon sa office ni hm kaso naagaw ang pansin nila nila Aldwayne.

Ng makita nila ang tagpong yun ay nagngingitngit ang kanilang mga bagang ,at kung nakakamatay lang ang tingin malamang pinaglalamayan na ang lalaking kasama ni Aldwayne sa Sinasakyan nila. Para na silang papatay.

Hindi man nila nakikita ang isa't isa ngunit pare parehong nakakuyom ang kamao nila.

' f*ck that bastard .'

'I swear  I'm  going  to kill him'

' I'll  burn him alive'

' F*ck that asshole . '

Yan ang mga katagang nasa isipan ng apat habang nakatingin kila Aldwayne.
Hindi  nila alam kung ano nga ba ang nangyayari sa kanilang sarili.

At para hindi mahalata ng iba ay nagkunwanri ang iba sa kanila na may gagawin . Ang ilan naman ay may pupuntahan lang daw na importante ,ang iba ay may tatapusin pa daw pala . Kanya kanya silang paalam  at sabay sabay ding umalis at tinahak ang iba ibang deriksiyon.
May gagawin daw ehhh ang gusto lang naman nila ay magpalamig ng kanilang ulo .

*Aldwayne p.o.v*

Sa wakas ay nakarating na din kami sa nasabing mall . At katulad nong sa Academy  agaw pansin parin ako dito . Tilian dito ,tilian don haisst. Mukhang dahil sa APS na nangyari ay mas naging kilala pa ako.

Haisstt binilisan na lang namin ang paggogrocery mukhang napansin din kasi ng dalawa na hindi  na ako kumportable kaya nagtulong tulong na kami.

Matapos ang ilang minuto na paggogrocery ay sa wakas ay natapos na kami.

Agad ding kaming sumakay sa m pegasus at mabilis din kaming nakarating sa dorm namin.
Nagtulong tulong din kaming iligpit yun at pagkatapos ay pumunta na ako sa Kwarto ko para maglinis ng katawan.
Gusto ko ng matulog since kumain na din naman kamo dahil pagkarating namin dito ay nagpresenta na magluto si Simon. Akalain mo nga naman marunong pala magluto iyon . Kala ko puro lang kalokohan ang alam non .

Matapos kung linisan ang katawan ko ay sumampa na ako ng kama ko at syempre yung pan disguise  ko ay hindi  ko inalis mahirap na baka mahuli pa nila ako.. maya maya ay unti unti na akong dinalaw ng antok.

*

Fb acc: Shaean 抖阴社区s

Please Vote ❤❤❤

A Goddess in Disguise -Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon