抖阴社区

Chapter One

3.4K 109 5
                                        

• enjoy reading, mga unnoticed baby😚!

ALYESHIA




Nagising ako mula sa masamang panaginip, grabe nabangga raw ako tapos namatay. What a shameful dream. Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng mapansing wala ako sa aking kwarto, kwarto? Eh 'di ba nasa University ako....wait, e' nasan ako?






"M-my lady, gising na po kayo. Salamat sa diyos at nagising na rin kayo," napalingon ako sa nagbukas ng pinto at nakita ang babaeng bagong dating at mangiyak-ngiyak na lumapit sa kinahihigaan ko. Dahil sa reflexes ko ay agad akong bumangon at lumayo sa kama, mahirap na at hindi ko kilala ang dumating.





"Who are you? Nasaan ako? Where's Mira?," sunod sunod kong tanong at pansin kong naguguluhan ito. Tumigil naman ito sa paghakbang.





"My lady, nawalan po ba kayo ng memorya? Nasa inyong silid po kayo matapos kang matagpuan sa Retaw river. At saka, sino pong Mira ang iyong binanggit? Kaibigan mo po ba s'ya?" sabi nito kaya nangunot ang noo ko. Retaw river? Eh nasa classroom lang ako kanina kasama si Mira. Pinagsasabi ng babaeng 'to, ang simple lang ng tanong ko ay kung ano ano na ang sinabi. Nababaliw na 'ata s'ya, sandali nga, nasaan ba kasi si Mira!





"What are you saying? And please stop calling me my lady, I have a name and it's Ashleigh.," kalmadong sabi ko at pinagmamasdan ang paligid. Imposibleng nasa University pa ako dahil sa mga gamit na narito. Para akong nasa kwarto ng isang prinsesa dahil sa mga mamahaling gamit na nakalagay dito.





Napabalik ang tingin ko don sa babae ng bigla itong gumalaw, "My lady, anong Ashleigh ang sinasabi mo? Kayo po si Lady Alyeshia, ang aking inaalagaan.,"







"Huh, who's Alyeshia? Isa pa ate ha, 'wag mo akong barinuhin. Asan ba kasi ako? Ba't narito ako eh nasa school lang naman ako kanina." may galit na sabi ko at napahawak sa aking sentido. Sumasakit ang ulo ko eh.






"My lady, anong school po ang sinasabi ni'yo? Pumuslit na naman po ba kayo sa Academy bago kayo napunta sa Retaw river at nagpatak? Naku po, malalagot po kayo kay Duke 'pag nalaman niyang pumunta ulit kayo sa Academy na 'yon upang silayan ang Young master," nagaalalang sabi nung babae kaya napahinga ako ng malalim. Okay Ashleigh, hingang malalim. Hindi mo s'ya kakilala kaya kalmahan mo lang ang sarili mo. Kahit ayaw kong maging rude, lumabas pa rin sa bibig ko ang gusto kong sabihin.







"Can you leave this room for a while? Bumalik ka na lang mamaya, nasusura ako sa'yo. Pinapasakit mo lalo ang ulo ko," sinabi ko na lang at nanghihinang umupo sa kama. Nanlalambot ako kay Ate girl eh.






"H-huh..pero My lady, baka po mapaano kayo kung wala ako sa inyong tabi. Kakagising mo lang po kaya kailangan kitang bantayan, wala pa ang Duchess at Duke kaya hindi ka pa maaaring matingnan ng doktor hanggang walang pahintulot sa iyong mga magulang," mahabang litanya nito kaya kumirot na naman ang ulo ko sa mga pinagsasabi nito.






"Stop talking, miss! Please leave me alone for now." pakiusap ko kaya nagdadalwang isip pa ito kung aalis o hindi. Pero sa huli ay nagpaalam din ito kaya napahinga ako ng maluwag. Bumalik ako sa pagkakahiga at ipinikit ang aking mata ng may dumaang memorya sa aking isipan.







What the hell.






Napamulat ako ng mata ng maalala ang isang pangyayari. Shet, totoo bang nabangga ako at hindi 'yon panaginip? Huhuhuhu so namatay na ako? Pero bakit buhay pa ako! Nakapa ko ang aking buong katawan at napansing wala naman akong mga sugat. Ehh, bakit wala man lang akong galos ni isa? Kinapa ko naman ang aking mukha ng mapansing nakabenda ang aking ulo. Oh, ulo lang ba ang naapektuhan sa akin?








Pero hindi ako nagkakamali eh, namatay na talaga ako. Ramdam ko talaga, 'yung last seven minutes memories ko nga eh ang aking magulang, kapatid, si Tita Mami at si Tito Dadi, si Mira at ang aking mga pinsan! Tapos ngayon nagising ako habang ulo lang ang may benda? Ano 'yon miracle. Napapikit na lang ako ng mariin ng mas sumakit lang ang ulo ko. Shet, parang pinupokpok eh.






Tumayo na lang ako ng nakaramdam ako ng pag ihi. Pinagmasdan ko ulit ang aking paligid bago tumungo sa may pinto katabi ng pinaglabasan nung babae kanina. Nang binuksan ko ito ay bumungad sa akin ang malawak at naka-marmol na cr. Ay shala, ang yaman ng cr.






Hindi na ako nagdalwang isip at pumasok na ako sa loob, namangha pa ako sa mga nakapaloob dito pero binalewala ko na lang at nagmadaling umihi. When i'm done, I flushed the toilet and look for the mirror. I want to see my face kung pumangit ba due to accident. By the way, ang yaman naman ng hospital na ito at ang ganda ng kwarto at cr ha.





Saktong paglapit ko sa salamin ay napasigaw ako, "What the hell, sino ka!" sigaw ko sa harapan at dinuro ang magandang babae. But, gan'on na lang ang panlalaki ng aking mata ng sabay kaming dumuro nung babae at nagsalita.






"Oh my god, stop copying me!" sigaw ko uli pero ayon din ang inimik nito. Napapikit ako bago nagmulat pero ganon din ang ginawa niya. Napahawak ako sa pisngi ko at ganon din ang ginawa nung babae. Wait, 'di ba't salamin ang kaharap ko? Nanlaki ang mata ko when realization hit me.





What the freaking hell, kelan pa ako naging gan'tong kaganda!?





Para akong tangang nakahawak sa mukha at salamin na nasa harap ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa isang hindi pamilyar na babae. She has a long brown curly hair, hugis bigas na mukha, magandang kutis like porcelain, makapal pero may hugis na kilay, pointed nose, long lashes, hazel brown eyes with a shade of green tapos kissable lips na sobrang nipis. Sobrang ganda!






Napalayo ako sa tapat ng salamin ng may naalala. 'Yung mukha ng babae ay unti unting nagiging pamilyar sa akin. Kahit naman sabihin kong nababaliw na ako ay ako pa rin ito! Ang pinagkaiba lang ay medyo payat ang pangangatawan nito dahil mas maliit ang kabuuan niya. Wait, baka naman binawasan ako ng buto ng mga doctor tapos kinulayan ang aking mata at buhok na kinulot? Eh ako parin 'yung babae eh! Ako talaga 'to, black lang ang aking buhok nung naaksidente ako tapos dark brown 'yung kulay ng mata ko, not hazel brown na may shade ng green.






Hindi, nababaliw lang ako. Baka panaginip lang 'to, namatay na ako eh. Imposibleng mabuhay agad ako, kung coma pa ay papayag ako kasi malakas talaga ang impact ng pagkakabangga ko but 'yung magising ako ng gan'to? Not a good idea, nakakapraning!





Napatampal na lang ako ng aking mukha bago lumabas ng cr. I need to get out of here, gusto ko ng umuwi para makausap sina Papa, Mama at Mira. Shet na babaeng 'yon, iniwan ako dito ng magisa!






Bumalik ako sa kamang hinigaan ko kanina at muling humiga dito. Masyadong sumakit ang ulo ko sa mga naiisip ko, hindi maganda 'to. Hindi ko na mawari kung ano na ang nangyayari! Siguro 'pag itinulog ko 'to ay panaginip lang ang lahat.





Nakatulog ako kakaisip pero nagmulat lang ako ng mata ay ganoon pa rin ang nadatnan ko. Nasa loob pa rin ako ng magarbong kwarto at suot ko parin ang suot ko nung natulog ako pero ang pinagkaiba ay may limang tao naman ngayon ang nasa loob ng kwarto at nakatitig sa akin. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin.








What the hell, sino naman sila?








• bear with my grammar, typo and error! thank you for reading☺️|

•|| UNNOTICED||•

Transmigrated as a Weakest Daughter of Duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon