抖阴社区

CHAPTER 50

14.5K 470 1
                                        

Dylan's P.O.V.

"Oyy Dylan, parang napapadalas ata ang pag punta mo dito ahh." Saad ni Sabrina nang makapasok sila sa kwarto ni Devi.

Dalawang araw nang tulog si Devi matapos ang insedenteng iyon at nandito kami ngayon sa kwarto niya. Ang sabi ng dragon niyang si freya ay napasubra ang paggamit niya ng kapangyarihan kaya ganoon. Tumutulong din ang kaniyang dragon sa pagtapos ng mga halimaw.

Minsan lumalaki ito at kaya rin niyang lumiit, kapag naman gusto niyang magpahinga ay pumapasok siya sa katawan ni Devi at nagmamarka ang tattooo niya sa balikat nito.

"Malaki kase ang utang na loob ko Kay Dev—

"Sinabi mo rin yan kahapon ehh, oo na sige nalang. Alagaan mong mabuti si Devi namin." Saad niya habang may pa kindat-kindat pang nalalaman, tumawa lang sina Mark saka lumabas.

"Oyy kuya Dylan, alagaan mo si ate ahh? Boto ako sayo, yieeee." Saad naman ni Hazel at sumunod na kina Sabrina.

Napatawa nalang ako sa kalukuhan nila, mabuti nalang at mabilis na naka recover si Hazel sa nangyare sa kaniya. May mga galos at sugat pa siya sa katawan pero unti-unti ng naghihilom.

Tungkol naman sa mga halimaw at kawal ni Arc ay pa unti-unti na silang nauubos dahil sa tinutulungan ng bawat kaharian ang isa't-isa.

Naisipan na rin namin ni mama na dito na manirahan sa North kingdom at pumayag naman siya.

Tinititigan ko ang mukha ni Devi, maamo ito at masasabi kong maganda siya. Kaya lang ang sungit paggising, hayst.

Napahanga niya ako sa katapangan niya at nalulungkot din at the same time.

Devi Zhanaia Hemilton's P.O.V.

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Puro bulaklak ang nasa paligid.

'Saan ko nga ba to nakita?' Saad ko sa isip ko saka tumayo at inilibot ang paningin sa buong lugar.

'Ahh tama! Napanaginipan ko to, at sa panaginip na iyon nandoon

"Devi, anak." saad ng isang pamilyar na boses.

'Ang mama ni Devi.'

"Masaya akot nagkita tayong muli." Nakangiting saad niya saka ako niyakap.

'Bakit parang komportable ako sa yakap niya? Parang ang sarap sa pakiramdam nong niyakap niya ako saka tinawag na anak.'

"Bakit po ako nandito? Patay na po ba ako?" inosente kong tanong tumawa lang siya.

'Nong nakaaktawa?'

"Hindi anak, buhay kapa at nasa panaginip ka," saad niya habang nakahawak sa pisngi ko, "Masaya ako dahil na wakas ay nabigyan na ng histisya ang pagkamatay ko. Ipinagmamalaki kita, Devi."

Parang hinaplos ang puso ko nong marinig yon at the same time naiiyak.

Naisipan naming mamasyal muna sa lugar niya bago ako umalis, kahit papaano ay may magandang alaala kami.

Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyare sakin at tuwang tuwa naman siya.

"Freya? Sino ‘yon?" She asked.

"Siya po ang dragon ko, nakita ko po siya nong nasa forest ako ang sabi niya ay may nag utos daw sa kaniyang bantayan ako." Mahabang litanya ko.

Tumango lang siya, "right, I'm the one who sent her." Saad niya na ikinagulat ako.

'Ang galing naman.'

"Wala ako sa tabi mo at gusto kong kahit papaano ay may mag bantay sayo at masaya akong nagagawa niya ang tungkulin niya."

Napangiti ako sa sinabi niya saka tumayo, "napapahaba na ang oras mo dito, anak."

"kailangan mo nang bumalik dahil naghihintay na ang mga kaibigan mo." Tumango lang ako.

Nong nabigkas niya na ang spell ay may bigla akong naalala pero huli na kase para akong hinihila pababa. May gusto pa sana akong itanong.

'Kamusta si Dada?'

Reincarnated As An Emperor's Hated Daughter [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon