抖阴社区

CHAPTER 1

596 20 11
                                        

5 yrs Ago...


Blythe's Pov



"Blythe, bakla! Bakla!"
"Baklang salot!"


Hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig ang mga katagang yan. Hindi ko na din siguro mabilang at kung bibilangin ko man siguro aabutin ako ng taon.


Bata palang ako alam ko na kung ano ako. Mula sa mga galaw at likos ko hanggang sa mga laruang nilalaro ko ay alam na alam na ng lahat kung anong kasarian ko.


Sabi nga ng iba, siguro mga babaeng naligaw sa katawan ng lalaki ang mga gaya ko pero hindi lang ang pagiging 'bakla' ang iba saakin. Iba din ako sa ibang bakla. Dahil kaya kong magdalang tao.


Oo, tama nga ang nababasa mo dahil noon pa mang' bata ako pakiramdam ko hindi lang ako naiiba dahil sa bakla ako. Napatunayan ko yun noong na kidnapped ako ng isang sindikato na may kinalaman sa mga batang tinatawag nilang 'Herma' o Hermaphrodite na may kakayahang mag dala ng buhay sa kanilang sinapupunan.


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa iba ako pero may isang tao ang nagsabi saakin na ang pagiging iba ko ang siyang magdadala saakin sa tunay na saya. Kaya simula noon hindi ko na itinuring na isang sumpa o karaigan ang katulad kong isang 'Herma'.


"Blythe! Blythe, hoy!"


Napabalik ako sa tunay na mundo ng marinig ko ang pangalan kong binibigkas ng katabi kong babae. Oo nga pala nasa gitna ako ng klase.


Tinignan ko ang paligid ko at nakitang wala na ni isang tao liban saaming dalawa ni Yuri.


"S-sorry. May iniisip lang." Pagdadahilan ko sabay kambyo ng hibla ng buhok ko papunta sa likod ng tainga.


Kita man sa mata ang pagtataka ay ngumiti parin siya sakin. Ilang sandali lang ay nagpaalam na ang professor namin ng mga oras na yun. Tumayo ako at saka inayos ang gamit ko. Tapos na pala ang klase. Naisipan namin na kumain sa Cafeteria.



"Alam mo teh maganda ka kaso may pagka lutang ka minsan." Pagbubukas niya ng pag-uusapan. Tinignan ko siya ng medyo natatawa.

"Hindi naman ako lutang, baliw. May naisip lang talaga ako kanina." sagot ko sa kanya habang pababa ng hagdan patungo sa Cafeteria.

"Okay, sabi ko nga e. Bilisan na natin at nagugutom na ako." Reklamo niya habang hinihimas-himas ang tiyan na animo'y kumikirot na iyon dahil sa gutom.



Binilisan namin ang lakad para maalis na ang gutom ng babaeng ito. Napatigil lang kami ng makarinig kami ng sigawan at tilian ng mga babae at kabaklaan na para bang kinukurot ang mga singit sa lakas ng ingay nila.



"Sila na naman" bulong ni Yuri. Napairap siya habang ako naman ay tumigil para tignan kung tama ba ang naiisip ko, sa kung sino yun.

"OMG! Andito si King!!!"
"Andy, I'll give you my virginity!"
"King, warakin mo ang puke ko!!!"


HIS CHILD (Mpreg)Where stories live. Discover now