"Hoy, bata!"Malakas kong sigaw sa batang nagtatago sa mga karton sa gilid ng kalsada. Nagulat ito at nanlaki ang mga mata.
"Aray! Ano ba?!"
Binawi ko ang kamay ko mula sakan'ya at sinamaan siya ng tingin. Tumakbo kasi ito kanina para puntahan ako at hilahin papunta sa pinagtataguan niya.
"Shh, stop talking. They're following me!"
Tinaboy ko ang kamay nito nang hilahin niya ako palapit sakan'ya, sinisigurado na hindi kami makita nung sinabi niyang humahabol sa'kanya. Pawis na pawis ito't parang takot na takot.
"Goodness, they're here! Don't talk, okay? Stay still!"
Halos kilabutan ako nang bumulong ito sa tainga ko.
"𝑁𝑎𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎?"
"𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎, 𝑔𝑢𝑡𝑜𝑚 𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜!"
"𝑆𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔, 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑟𝑔𝑒𝑟 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜!"
"𝐴𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑔𝑎𝑙 𝑛'𝑦𝑜 𝑘𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑘𝑏𝑜! 𝑀𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑘𝑙𝑎 𝑎𝑡𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜!"Napasilip ako nang marinig ang mga boses na 'yun mula sa hindi kalayuan. Hindi nga ako nagkakamali. Lima silang hinihingal dahil kakatigil lang sa pagtakbo. Ang isa'y nakahawak ito sa tuhod at ang dalawa'y nakaupo sa semento habang ang dalawa ay nakatayo lang at palinga-linga.
"Jerome!" tawag ko.
"What the?!"
Nataranta ang katabi ko nang tumayo ako bigla. Napalingon naman silang lima at tumatakbong pumunta sa gawi namin.
"Steella?"
Sinamaan ko ito ng tingin nang banggitin niya ang totoo kong pangalan. Agad na napalitan ang gulat nitong mukha sa pagpapaawa at nag peace sign pa ito.
Tinignan ko ang batang nagtatago parin sa likod ng karton. Umiiling ito, nakikiusap ang mata na huwag ko siyang ituro.
"Siya ba ang hinahanap n'yo?"
Sinipa ko ang kartong pinagtataguan nito para makita siya nila Jerome. Nanlaki ang mata nito sa ginawa ko at halos hindi makagalaw.
"Aba't! Nand'yan ka lang pala, sir-ulo!"
"Bakit mo siya kasama?"
Pinaningkitan ako ng mata ni Kevin. Kasama ni Jerome. Inismiran ko ito bago hinila ang lalaking hindi parin makatayo hanggang ngayon. Bakla ba 'to?
"Nakasalubong ko siya kanina. Ililibre niya naman daw talaga kayo, nakakatakot lang daw ang mga pagmumukha niyo,"
Nanliit ang mga mata ni Jerome dahil sa sinabi ko. Napatago sa likod ko ang lalaki nang sinamaan niya ito ng tingin.
Si Jerome ay mas matanda sa'kin ng dalawang taon. Hindi ko alam kung bakit ko sila naging kaibigan, mga palaboy lang sila. Mga batang kalye, gano'n.
May mga pamilya naman sila pero walang pakialam sakanila. Si Jerome lang talaga ang kaibigan ko. Nahuli ko siya isang beses na nagnakaw ng pagkain sa isang tindahan, malapit lang sa bahay namin. Takot na takot siya no'n dahil akala niya'y isusumbong ko siya. Tinulungan ko siya, binigyan ko siya ng pagkain at maiinom noon. Halos mabilaukan pa ito sa pagmamadali.
Simula noon, naging magkaibigan kami. Gusto ko siyang tulungang magbago pero wala pa akong kaya. Bata pa lang ako, walang ibang alam kundi ang makipag away sa mga kalaro ko.
Nagulat nalang ako isang araw, noong nagkita kami nito'y madami na itong kasamahan. Napulot niya lang daw sa daan kaya sinama niya na sa mga ginagawa niya. Isa na roon ang pagnanakaw. Kahit mali, hindi ko siya p'wedeng pigilan dahil ito lang ang bumubuhay sakan'ya, sa kanilang magkakaibigan.

YOU ARE READING
Finally Found You (ON-HOLD)
Teen FictionStella was just known as a typical hard-headed and stubborn yet friendly student in her school. Who would have thought that behind her sweet smiles are the past hidden secrets and mysteries she wants to bury. But how could she possibly forget it w...