抖阴社区

Prologue

14.7K 137 0
                                        

Her's pov

Aray ang sakit naman ng ulo ko. Teka bakit ganito ang suot ko at anong nangyari kagabi?

Pag silip ko sa ilalim ng kumot ay nanglaki ang mata ko dahil sa gulat at takot

Anong nangyari? Bakit wala akong mga saplot sa katawan?

Ng bumangon ako ay napangiwi ako dahil sa sakit, napapikit nalang ako at napaluha dahil sa maling nagawa ko

Paano na yan? Anong sasabihin nila inay at itay nito?

Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko na ganon din ang sitwasyon nya. Walang mga saplot sa katawan, pag baba ko sa higaan ay nakita ko ang mga damit naming nakakalat sa sahig.

Kahit masakit ang katawan at ang pribadong parte ko ay kinuha ko na ang mga damit ko at nag bihis.

Ng matapos kong ayusin ang sarili ko ay napatingin pa ako sa lalaking naka one night stand ko bago tuluyang lisanin ang lugar na yon.

Pag uwi ko ay isang nag aalalang tingin ang nakita ko sa muhka ng mga magulang ko.

"Jusko Kira saan ka ba nag pupupunta?" nag aalalang tanong ni inay sa akin

"Bakit ngayon ka lang anak? Alam mo bang pinag alala mo kami ng inay at kuya mo?" nag aalalang tanong din ni itay kaya napayuko ako dahil sa guilty.

"Sorry po itay" pag hihingi ng sorry ko sa kanila.

"Oh sya pumunta ka na sa kwarto mo at mag palit ka na rin ng damit, kakain na tayo pag katapos mag luto ng itay at kuya mo." tumango ako sa sinabi ni inay bago pumunta sa kwarto ko.

Maliit lang ang bahay namin, tatlo ang kwarto dito sa bahay. Isa para sa akin, yong isang kwarto kay kuya at ang isa pang kwarto ay para rin kila Itay at inay.

2 Months passed

Sa dalawang buwan na nakalipas at dalawang buwan na rin simula nong trahedyang maling nagawa ko ay parang may nag bago sa akin.

Minsan nahihilo, sa umaga naman nag susuka ako, matakaw din akong kumain at palagi ring inaantok.

At dahil sa mga nangyayari sa akin ay napag pasyahan kong pumunta sa public hospital para mag patingin sa doctor.

"Congrats hija, 2 months ka na'ng buntis." natuod ako at nagulat sa sinabi ni doc sa akin. Ang doctor kung saan ka nag papa untrasond.

'A-ako? B-Buntis? Ano nang gagawin ko? Isa pa naman akong graduating student ng collage, paano ko papalakihin ang anak ko ngayon? Di pa ako handa para maging isang ina?'

Napapaiyak nalang ako dahil sa nangyayari sa akin, paano ko sasabihin ito kila inay at itay lalo na kay kuya alam kong magagalit sila sa akin.

"Btw hija, here's your vitaminc, iwasan mo rin ang stress at pagod dahil makakasama sayo iyan. Lalo pa't this is you're first time to get pregnant, right?" tumango ako sa kanya.

Pag katapos naming pag usapan yon ay umuwi na ako sa bahay. Balisa akong pumasok sa bahay at napatingin naman ako kila inay na nakatingin sa akin.

Si kuya at itay ay seryoso ang kanilang mga muhka na parang sinusuri ako kaya napayuko nalang ako dahil sa takot at guilty.

"Saan ka nag punta?" tanong ni kuya sa akin pero di ako umimik.

"Akira Kyline Arilla sumagot ka," madiin na banggit ni kuya sa buong pangalan ko.

Kapag ganyan ang tawag nya sa akin ay alam kong galit na sya at naiinis kaya napalunok na ako dahil sa takot.

"Anong ginagawa mo sa hospital?" napaangat ako ng tingin sa kanya ng sabihin nya yon.

"Akira kung ayaw mong mag salita ako mismo ang mag sabi ng katotohanan, sumagot ka na." inis na dagdag nya.

"S-sorry po," don na ako tuluyan napaluha.

"Bakit ka nag sosorry anak? May ginawa ka bang kasalanan?" tanong ni inay sa akin.

"Malaki po inay, itay sobrang laki po kasalanan ko." hikbing sagot ko.

"Ano bang kasalanan yon anak?" tanong ni itay.

"Alam ko pong magagalit kayo sa malalaman nyo pero..... B-buntis po ako itay, inay." pag tatapat ko sa kanila.

Walang miski isa ang sumagot, pumikit nalang ako para hintayin ang sampal na ibibigay sa akin ng magulang ko pero wala akong natanggap na kahit isang sampal sa kanila.

"A-anak bakit?" napaangat ako ng tingin sa tanong ni inay, nagulat nalang ako na lumuluha na sya habang nakatakip ang bibig nya gamit ang mga kamay nya. Habang sila itay at kuya seryoso pa rin ang tingin sa akin.

"Bakit mo nagawa yon Akira, wala naman kaming pag kukulang ng itay sa pag papalaki sa inyo ng kuya mo. Bakit mo nagawa ito Akira?" iyak na tanong ni inay.

Napaiyak na rin ako sa tanong ni inay, sising-sisi ako ngayon dahil sa maling nagawa ko.

"Sino ang ama ng dinadala mo ngayon?" tanong ni itay.

"H-hindi ko po kilala itay," sagot ko sa kanya.

"Sorry po, sorry itay, inay wala akong kwentang anak." dagdag ko pa

"Bumalik nalang tayo sa probinsya, di ka na rin dito mag aaral. Isang buwan nalang sana Akira ang tatapusin mo sa kolehiyo pero ito ang nangyari sayo, nabuntis ka at di mo kilala ang ama ng anak mo." sumbat ni itay sa akin

"Itay tatapusin ko pa rin po ang pag aaral ko," saad ko.

"Sige, at pag katapos mo ang pag aaral mo uuwi tayo sa probinsya," tumango nalang ako sa sinabi nya.

Akala ko magagalit ang magulang ko, pero kahit ganon alam kong may galit pa rin sila sa akin di lang nila sinasabi.

Di ko naman sila masisisi dahil nga sa mali ang nagawa ko, di ko man lang naisip kung anong magiging reaction nila kapag nalaman nila ang totoo.

"Anong gagawin ko? Paano ko papalakihin ang anak ko?" bulong ko sa kawalan habang hawak ang tyan ko

Ako nga pala si Akira Kyline Arilla 18 years old at ito ang simula ng storya ng buhay ko.

End of Prologue

☆☆☆☆☆☆

Unpublished po muna sya para maedit ko na rin pala ito pero I pa-publish ko sya kapag naayos ko na sya.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon