????? ?????
Huminga muna ako ng malalim, bago lumabas ng banyo.
Nagulat ako ng makita ko ang nakasalubong na kilay ni Kin, mukhang kanina pa ko hinihintay nito.
"Ano nanaman?" Tanong ko dito at diretsyong pumunta sa closet para kumuha ng d...
"Hay naku bata ka. Pakawalan mo na yung tao kung di mo mahal, at sabihin mo sa taong mahal mo yung totoo mong nararamdaman."
"Ma, s-san mo naman napulot yan?" Nauutal kong sagot.
Sa totoo lang bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa tinutumbok ni Mama.
"Anak kita, nakikita ko yung mga bagay na gusto mong itago. At wag kang mag alala tanggap naman kita."
"Hay ma, hindi kita maintindihan. Osya maiwan ko na kayo." Sambit ko at muling isinara ang pinto ng silid nito.
Bumalik na ko sa kusina at naabutan si Kin na tahimik na nakaupo habang nag si-cellphone.
Mahal ko naman si Gary ah, kaya anong sinasabi ni Mama.
Mahal mo nga, pero may mas matimbang.
"San si Tita?" maya maya ay tanong ni Kin ng makalapit ako sa mesa.
"May lakad raw sya, kaya tayo nalang kakain." tugon ko.
"Okay ka lang?" bigla ay tanong nito.
"H-huh? Oo naman, tara na nga kain na tayo kung anu-ano napapansin mo eh." Pag iiba ko sa usapan delikado baka kulitin pa ko nito.
Mabilis kaming natapos sa pagkain at nag tulungan na rin kaming mag ligpit at mag hugas ng pinag kainan. Gusto ko sanang ako na ang bahala pero mapilit ang isang to, kaya pinabayaan ko na.
After naming nag hugas ay pumasok na kami sa kwarto.
"Kumuha ka nalang ng extra towel sa drawer kung gusto mong maligo."
"Yes mommy." Nag simula nanaman itong mang asar.
"Isa pang mommy, seseryosohin ko yung sinabi kong matutulog ka sa sahig."
"Di ka naman mabiro e, sige na maliligo muna ako mo-- ate. Hehe." Agad bawi nito sa huling sasabihin.
Dali-dali itong pumasok sa banyo, di man lang nag abalang mag handa ng susuotin nya. Actually ang iba sa mga damit nya ay nandito na, sya nalang ang kulang. Hinanda ko ang paborito nitong pantulog, at ipinatong sa kama. Naupo ako sa gilid ng kama, kinuha ang cellphone at isinandal ang likod ko sa head board ng kama.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.