抖阴社区

                                    




Marge: Alangan naman dalhin ko kayo sa bar kung saan puro lasalista ang costumers. Ang awkward naman kung ganun. Saka wag na nga kayong magreklamo, nandito na tayo. Tara na!.




Pumasok na nga kami sa loob ng bar at tulad ng inaasahan, halos lahat ng costumers ay kakilala namin. Kung hindi naman namin sila kilala ay siguradong kilala nila kami.


Umupo kami malapit sa may counter at umorder ng drinks.




Marge: Tara guys, sayaw tayo. (Pag-aaya nya sa amin.)




Bea: Ang wild mo naman, saka kakadating palang natin dito.




Marge: Eh ano bang ipinunta natin dito? Diba para mag-enjoy?




Habang nag-uusap sila ay may isang pamilyar na tao akong nakita. Naglalakad sya papalapit sa amin.




Aly: Guys! (Tawag ko sa mga katabi ko.) Si Kiefer oh... (Sabay turo ko sa lalaking papalapit sa amin.)




Bea: MANONG! (Tawag nya kay Kief nung nakalapit na ito sa amin.)




Kief: Ly, Mae! Long time no see ah...




Mae: Hi Kief!




Kief: (Inilabas nya yung cp nya mula sa bulsa nya.) Picture tayo.




Nag pose naman kami, Ilang shots din yun bago nya ibinalik sa bulsa nya yung cp nya.




Marge: Kief, sinong kasama mo?




Kief: Yung mga dati kong teammates sa ateneo. By the way, mag-order lang daw pala kayo. Treat namin.




Aly: Yaman ah!

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon