抖阴社区

Chapter 4

53 2 0
                                    

The moment he saw me in my worst situation gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Ipinagdasal ko na din sila Mama, si ate Sol at si Eli na sana kapag nawala ako ngayon ay maging masaya pa rin sila.

Nakatitig lang ako sa kamay ko habang pinaglalaruan ang isang beauty blender na napulot ko kanina sa lamesa.

"Are you okay now, kid?''

Isa pa yan, kanina niya pa ako tinatawag nang ganyan. Kaya naman naghahalo ang hiya at inis ko sakanya ngayon.

"Are you deaf?  didn't you hear me?" he asked with his monotone voice. Inis naman akong napatingin sakanya na kasalukuyang nakayuko pa rin habang ginagamot ang maliit kong sugat sa tuhod.

babatukan ko na sana sya pero mas pinili ko nalang magpakabait "Y-yes, I'm already good. Thanks to you, Kuya." pagsisunungaling ko, pero ang totoo ay napaka hapdi kanina nung inilapat nya ang cotton balls na may alcohol sa sugat ko. Muntik na nga ako umiyak e. Siguro sinadya niya yun.

He nodded and stood without throwing even a single glance at me, "I already called Sandra, sya na ang 
bahala sayo." aniya habang nakatutok sa kanyang cellphone.

I felt pang on my chest, buti pa si Sandra tinatawagan nya.

Ilang minuto pa ay dumating na si ate Sandra, she was holding a little transparent pouch with make-up on it. Mabilis nya akong naayusan dahil sinabi kong light make-up lang kasi hindi naman sanay ang mukha ko sa mga beauty products.

Nang matapos ay iniharap nya ako sa maliit na salamin.

"You're so gorgeous, Luna!" Ate Sandra happily screamed while clapping her hands.

Pati si Gail ay nakipalakpak na din samantalang si kuya Zei ay nakatayo lang sa gilid with his crossed arms.

Sungit, pero ang pogi pa din.

Napatitig ako sa sarili ko sa maliit na salamin, trying to hide my reaction because to be honest I'm also amazed at how I looked right now. I'm not really into make-ups, simpleng tint lang ang ina-apply ko sa mukha at saka pulbos. Kuntento na ako don.
But with this? Dang! baka biglang mag proposed sakin si Zeinon neto.

"I'll tell the photographer na tapos kana." ani Gail saka lumabas ng tent

I'm now comfortable with my dress, inayos nila ni ate Sandra kanina. Wag lang talaga akong tatalikod mamaya sa shots dahil halata ang ibang emperdible na nakakabit doon.

"Come on Luna, you're all ready now." she smiled at me as she putting the final touch, "done."

"Thank you ate." I hugged her, isinantabi ko na muna ang selos ko kasi pinaganda nya ako today.

"Luna tara na, matatapos na ata yung ABM." sumilip si Gail sa tent para sabihan kami

"Oh, it's my cousins turn! come on Zeinon let's watch Mari." ani ate Sandra, muli itong ngumiti tsaka lumabas ng tent. Sumunod naman agad si Gail sakanya.

Sobra-sobra ang kaba ko dahil kaming dalawa nanaman ni Zei ang naiwan sa loob ng tent. Ang pagkakatanda ko pa ay hinihila sya ni Ate Sandra kanina papalabas ng tent pero bakit nandito pa sya?

Ito na ba yon? magpproposed na ba sya?

"Does your knees still hurt?" he asked. Napasimangot naman ako dahil hindi nagtugma ang gusto kong marinig mula sakanya.

Hindi na dapat ako sasagot pero mukhang seyoso sya sa pagtatanong kaya umiling na lamang ako, "Nope, galing mong doctor ee." nag thumbs up pa ako sakanya. Mabilis naman dumaan ang pagkunot ng kanyang noo dahil sa sinabi ko.

"How about you Kuya, are you okay?" I asked, "You look pale."

He averted his gaze on mine.

Hala! may sakit ba sya?

Adoring your Luminance (Celestial series #1)Where stories live. Discover now