Ushiza_Tsuki
Chapter 12 – Parang Wala Lang
Seattle’s POV
“So iyon na ang final ha? At dito na nagtatapos ang meeting. Dismissed.” Announced ng isa sa mga faculty na siyang guide ng sinalihan naming Youth Camp.
Katatapos lang ng meeting para sa sinalihan naming Youth Camp at ito ay gaganapin sa kabilang paaralan. Ang date, venue, mga dadalhin at gagawin namin doon ang laman ng aming meeting. Mangyayari pa naman ito sa susunod na linggo.
“Tara na sa canteen brad. Nagugutom na ako.” Hila sa akin ni Time at tinahak namin ang daan papuntang canteen.
“Akala ko ba kasama natin sina Kehlah at Danish?” Nagtataka ko namang tanong sa kaniya.
“Hindi daw sila makasasama kasi may activity pa silang tatapusin.” Binigyan ko na lang siya ng tinging naniniwala sa kaniyang sinasabi at itinuloy na namin ang paglalakad.
Hanggang sa narating namin ang canteen ay hindi niya manlang inalis ang kaniyang kamay sa pagkakahawak sa akin.
“Ako na ang bibili ng foods natin. Ano sa iyo?” Tanong nito sa akin noong marating na namin ang canteen.
“Bilhan mo na lang ako ng ensaymada at iced tea.” Ang sagot ko naman at humanap na ako ng upuang aming uupuan. Siya naman ay umalis na para bumili ng aming pagkain.
Agad namang dumating si Time at sinimulan na nga naming kumain. Tahimik lang kaming kumakain at halata mong gutom talaga kami dahil mabilis ang aming pagnguya.
“Dahan-dahan naman kasi brad sa pagkain, ang dumi mo na oh.” Nagulat ako noong punasan ni Time ang gilid ng aking labi dahil may asukal pala dito. Nangiti na lamang ako sa ginawa niyang iyon.
Mula noong may nagawa kaming kakaiba ni Time sa camping naming dalawa ay umiba ang kaniyang pakikitungo sa akin, mas lalo siyang naging makulit, maalalahanin at mas naging clingy siya sa akin. Ang nangyaring iyon sa amin ay hindi na namin napag-usapan at parang wala lang iyon sa amin, para bang normal lang ang nangyaring iyon. Ang mga ginagawa sa akin ni Time ay hindi ko na tinututulan o kinukwestyon pa, dahil masaya ako sa ginagawa niya sa akin at tila ba gustong-gusto kong ginagawa o ipinapakita niya sa akin ang mga bagay na iyon.
“Narito pala kayo Time at Seattle.” Sulpot ng boses na mula sa aming likuran. Dumating sina Khenven, JN at JM at umupo sila sa aming pwesto.
“Bakit ano bang atin?” Tanong ni Time sa tatlong kakaupo lang sa pwesto namin.
“Wala lang, nakikiupo lang.” Si Khenven habang sinisimulan nang kainin ang dala niyang pagkain.
“Rinig niyo na ba ang kumakalat na balita ngayon?” Pangbubukas ng topiko ni JN.
“Yung tungkol ba kina Yoseph at Nathan na Grade 12 at Grade 10 students na magjowa daw?” Ang tanong sa kaniya ni Khenven.
“Oo, mga bakla pala sila.” Salita ulit ni JN.
Nagkatinginan kami ni Time sa aming narinig na usapan nila, automatic kami na napatitig sa isa’t isa na tila ba ma’y gustong sabihin sa pamamagitan ng aming tinginan.
“Huwag ka ngang ganyan bal, huwag mo naman silang ijudge porket may relasyon sila at pareho ang kanilang kasarian. Inormalize na natin yan.” Puna sa kanya ng kanyang kambal na si JM.

BINABASA MO ANG
Affair with my Bestfriend (BxB)
RomanceWARNING?Mature contents. Not suitable for readers 18 years old below?. This is a BOYXBOY story. Expect unexpected explicit scenes in any chapter. "Affair With My Bestfriend" Si Time ay unti-unting nahulog sa bestfriend niyang si Seattle, at ganoon...