Welcome to iTeach
[Chapter Song: "Schoolin' Life" by Beyonce]
I have to join clubs.
Oo, magandang maalagaan ko yung academics ko pero mas magandang may extra-curricular ako. Paraas mataas ang points.
So nandito ako ngayon sa hallway tumitingin sa mga bulletin board at naghahanap ng club na pwedeng masalihan.
Uwian na at medyo marami na rin ang mga tao sa hallway.
Madami na rin akong natipuhang club na salihan katulad ng science club, math club, at saka school newspaper.
Pero may isang club na talaga namang kumuha ng attention ko. Ang iTeach.
Ngayon ko lang siya narinig kaya naging interesado agad ako dito.
Mukhang masaya kasi magtuturo yung mga estudyanteng may magandang grades doon sa mga batang nahihirapan sa pag-aaral nila. Parang tutorial pero estudyante yung tutors. Fun!
Tinignan ko yung mga requirements at pasado naman ako.
Please contact Joanna Del Mundo for more informations.
09xxxxxxxxxKinuha ko na agad yung cellphone number para ma-contact ko na siya.
•••
Kinabukasan, napag-pasyahan namin nung Joanna na magkita sa 7th Building para doon mag-usap. Doon kasi naka-locate yung headquarters ng iTeach.
Actually hindi ko pa nakikita talaga di Joanna. Pero yung apelyidong 'Del Mundo'? Wow. Parang pang-mayaman.
Baka maganda?
Don't get me wrong huh! Walang talo-talo.
Hindi pa ako na-attract sa girls since birth kaya I can tell na 'secure' ako sa sexuality ko.
I am 100% pure GAY.
So heto ako naka-upo sa isang bench sa labas ng HQ ng iTeach habang inaabangan dumating yung Joanna.
"Ryan Lopez?" narinig kong sabi ng isang babae kaya napalingon ako.
And then there she was. Sabi na eh, yayamanin. Maputi, matangos ang ilong, long hair at matangkad.
"Ah, opo, you must be Joanna?" sabi ko sa kanya. Binigyan niya ako ng kakaibang tingin saka ulit siya nagsalita.
"Ahahaha! Hindi ako, si Joanna ayun oh" tapos tumuro siya sa isang direksiyon.
And she's the complete opposite of the 'Joanna' I thought.
She has a good body, pero yung face, patapon! Wahahahaha!
Grabe ang sama ko. Pero I can't help it kaya medyo natawa ako pero natago ko naman agad nung lumapit na siya.
"Hi!" halos mabingi ako sa tining ng boses niya "My name is Joanna of Earth in other terms Joanna Del Mundo," sabay tawa nang malakas at ngayon ko lang napansin na ma-bagang pala itong si Joanna.
Hawig niya si Kakai XD
"So I guess gusto mo maging member ng iTeach, am I right?" sabi niya sabay pasok sa HQ kaya pumasok din ako.
Pagpasok ko sa HQ natuwa ako sa setup ng HQ. Para siyang pinaliit na version ng school.
Tatlong rooms na pinagsama-sama. Yung unang room ay yung 'Student Tutor's Lounge' para siyang faculty office ng mga tutors.
Yung pangalawang room naman ay puro mga tables at upuan. Dalawang upuan para yung isa sa tutor tapos yung isa naman sa student.
Tapos sa pangatlo nandun naka-lagay yung ibang gamit. Parang storage room. May mga pagkain at mga props. Di ko alam kung paano nila ginagamit yun sa mga sessions nila pero interesting talaga.
Ito yata ang pinaka malaking HQ dito sa school.
"Opo, interesado po ako," sabi ko sa kanya "Nakita ko yung bulletin board niyo at humanga talaga sa iTeach" well totoo naman talaga na humanga ako noh.
Pumasok kami sa Lounge tapos naupo siya sa desk niya. Hiningi niya sa akin yung mga requirements ko tapos binasa niya.
"Your grades are really impressive" sabi niya "Magandang asset to sa club" inabot niya ang kamay ko at nakipag-shake hands "Welcome to iTeach"
Pumunta siya sa isang cabinet tapos may kinuha siyang folder "At dahil student tutor ka na syempre dapat may tuturuan ka" inabot niya sa akin yung folder kaya binuksan ko at tinignan.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Oh. My. Gulay.
Martinez, Keith, P.

BINABASA MO ANG
You And I
Teen Fiction"I'd rather die, Withou you and I" ??? Hindi ka ba tanggap ng mga magulang mo dahil bakla ka? Nagmahal ka na ba ng taong hindi ka sigurado kung masusuklian ang pagmamahal mo? Naranasan mo na bang magising na lang at magbago ang takbo ng buhay mo? Um...