抖阴社区

continuing chapter 1

44 2 0
                                    

     Ilang segundo lang matapos kong pindutin ang doorbell, bumukas ang gate at agad akong binati ng isang middle-aged na babaeng abot hanggang balikat ang buhok at may wrinkles sa noo aut, Martha Henson, ang may-ari ng apartment na titirhan ko sa mga susunod na buwan.
  
     "Oh Lorelei! Kanina pa kita hinihintay!" Niyakap niya ako nang mahigpit at nakipag-beso sa'kin. It's been a while since we last saw each other. "Kamusta ang byahe? Hinatid kaba ng papa mo?"

      Napangiti ako sa tanong niya. Parang hindi niya kilala kung anong klaseng tao si papa. Ni hindi man nga lang siya nagpaalam sa'kin dahil medyo "busy" raw s'ya.

      "May meeting kasi sila kanina kaya hindi na niya ako naihatid. Gusto nga niya kayong makita," pinagsisinungaling ko. Wala naman kasing sinabing gano'n si papa.

      "Halika! Ituturo ko sa'yo kung saan ka may i-stay. Nilinis ko kanina ang kwartong tutuluyan mo." Binitbit ko ang isang bag at tinulungan nya akong buhatin ang isa pa. Pinauna niya muna akong pumasok bago niya isinara ang gate.

      May kalakihan ang apartment na ipinaupa nitong si tita Martha,siguro nasa sampung unit bawat floor. At malamang, may kamahalan ang renta dahil malapit ito sa university. Halos mga estudyante raw ang nangungupahan dito, lalo na 'yong mga taga-malayong lugar na ayaw mag-commute araw-araw.

      "Okay lang ba sa'yo kung meron kang lasama sa unit?" Lumingon siya sa'kin at bahagyang kumunot ang noo. "Lahat kasi ng mga kwarto rito, nangungupahan na. Isang unit na lang kasi ang may bakante sa kwarto."

      "Babae ho ba ang kasama ko sa unit?"

      Tumingin sya sa'kin na parang nagdadalawang-isip sagutin ang tanong ko bago niya buksan ang pinto papasok sa apartment.

      "Lalaki." Napalunok ako ng laway. Walang problema sa'kin kung may kasama ako sa unit... basta hindi lalaki.

      "Alam kong may isyu ka sa kanila,pero ibahin mo itong sinasabi kong magiging roommate mo." Napansin siguro ni Tita Martha ang pagkadismaya sa aking mukha kaya napilitan siyang magpaliwanag. "Atsaka magkahiwalay kayo ng kwarto. Magkikita lang kayo sa sala at kusina. Kung gusto mo, palagyan natin ng tatlo o apat na lock ang kwarto mo."

       Pare-pareho lang ang mga lalaki. Kapag nagpakita ka ng kahinaan, aabusuhin nila. Mga natural predator sila na naghahanap ng kanilang prey sa masukal na kagubatan. "Paano niyo ho nasabi na naiiba ang roommate ko?"

       Nauna sa pag-akyat sa hagdan si tita at maingat na naglakad.

       "Kasing tahimik siya ng bato kapag kasama mo siya. Hindi siya nagsasalita kung hindi kinailangan. Misteryoso. Parang may sariling mundo. At hindi rin siya mahilig sa babae. Noong isang araw, naitanong ko kung may girlfriend na siya. Ang sagot niya, wala raw siyang oras para sa gano'ng kahibangan."

       "Bakla ho ba siya?"

       My aount let out a soft chuckle even though I asked her a serious question. What's with her reaction?
      
       "Wala rin siyang interes sa mga lalaki. At mukhang wala siyang interes sa mga tao. Dalawang taon na siya rito pero kahit na minsan, wala siyang dinalang kaibigan o kaklase."

You've reached the end of published parts.

? Last updated: Jan 07, 2023 ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Project LokiWhere stories live. Discover now