GUMISING akong wala si Noah sa tabi ko. Hinanap ng mga mata ko si Noah ngunit hindi ko ito nakita. Kakabahan na sana ako ngunit bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang katawan ng isang pamilyar na lalaki. Kung dati ay matutuwa pa ako sa mukha nito, ngayon ay inis at galit na ang nararamdaman ko.
"A-anong g-g-ginawa mo dito?" nauutal kong tanong
"Amy." naiinis akong tumingin dito nang banggitin niya ang palayaw na tinatawag niya sa akin dati.
"Umalis kana Louis." seryoso kong tanong at nararamdaman kong nagbabadya na tumulo ang aking mga luha.
Tangina mo Louis! pagkatapos mo akong lokohin, kayo ng pamilya mo! ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin!
"Sinabi ba ng daddy mong patay na ako?" natigilan ako sa tanong nito at tagumpay na nakuha ang atensiyon ko galing sa pagkatulala.
"Look, Amy kung sa tingin mo niloloko kita nagkakamali ka." hindi ako kumibo at nanatiling tulala.
"Your dad. He tried to kill me Amy." binaling ko sa kaniya ang tingin ko
"Shut up Louis! Get out!"
"No! you need to listen! your fiancee, Noah. he wants to kill me and your fathers wants it too. Amy please. Listen!"
"Shut up Louis! I SAID SHUT THE FVCK UP AND GET OUT!" gigil kong sabi, hanggang sa unti unti akong nakaramdam ng panghihina kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha.
"Tangina. Akala ko madali lang 'to e." narinig kong bulong niya. Napatingin ako sa kaniya at nanlaki ang mata nang may nakitang bitbit itong patalim!
"Pasensya kana Amy. Mahal kita pero mas mahal ko ang kompanya ko." Muling tumulo ang mga luha ko at hinintay lamang na tumama sa akin ang patalim dahil sa kawalan ng lakas at panghihina.
Hindi pa man ito tumama sa akin ay may kung ano na akong narinig na kumalabog sa kung saan. Tuluyan nang sumuko ang aking katawan at napahiga na lamang sa puting higaan.
--------
Unti-unting bumukas ang dalawang pares ng aking mata at inilibot ang paningin.
"Hey w-wife?" napalingon ako sa lalaking nasa gilid ng aking kama habang hawak hawak na mahigpit ang aking kanang kamay.
"N-noah, s-si Louis?" tanong ko nang mapansing nawala ito dito.
"He's gone. don't worry wala ng mananakit sayo hmm?" hinalik halikan pa nito ang aking kamay ngunit iniwas ko iyon dahilan ng kaniyang pagkagulat.
"W-what's wrong?" he asked. worried.
"Wala. Noah umalis ka muna please?" Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko pang makita ang mukha mo. Mawawala din naman ako bakit hindi nalang ngayon? para naman hindi na siya masaktan pa.
"Why? ayaw mo bang nandito ako? do you want to rest?" Umiling ako sa kaniyang tanong at itinagilid ang katawan para hindi muling makita ang kaniyang mukha.
Tahimik akong umiiyak.
Lord please kung kukunin niyo na ako wag niyo na akong pahirapan pa. Ayokong makita ang minamahal kong nagiging ganito dahil sa akin.
Napatingin ako sa aking kutis nang makitang nagkukulay dilaw na ito. Namumula din ito dahil sa pagkamot ko.
"Do you want to eat?" Umiling ako. Simula nang malaman kong bumalik na aking sakit ay muli. Nawalan na akong gana kumain, sabi ng doktor ay isa din daw sa sign na iyon ang mawalan ng ganda sa pagkain.
"wife, hindi kana kumakain ng maayos baka naman mas lalo kang maging mahina n'yan?" Umiling ako muli. Naramdaman ko na lamang ang kaniyang mga kamay na hinihimas ang aking buhok at hinalikan ito.
"Bibilhan kita ng pagkain, Nandito sila Seth para bantayan ka wag ka nang magalala." Tumalikod ito at muling lumabas nang lingunin ko ito.
Sumikip ang dibdib ko nang makitang papalayo na ito sa akin. Iniisip na baka iiwanan niya din ako kapag napagod na siya sa pagaalaga sa akin.
Umiling akong muli at humiga na ng maayos. Napansin ko din na nasa labas sina Seth dahil sa pagbukas nito.
Lord? ano bang ginawa ng past life ko para pahirapan niyoko ng ganito?
Pumikit ako at hinayaang magsituluan ang aking mga luha. Noah... ano bang mangyayari kapag mawala ako?

BINABASA MO ANG
If Happy Ever After Did Exist (COMPLETED)
FantasyDalawang magkasintahan ang sinubok ng tadhana. Malalampasan kaya nila ang pagsubok na kanilang haharapin? Kakayanin kaya nila? Lalaban kaya sila? o susuko na lamang? Amaarah Fortneigh Magnilda, anak ng isang mayaman na nagmamay-ari ng Magnilda's Com...