抖阴社区

KABANATA 19: "Evil Plan"

1.3K 21 0
                                    

KABANATA 19
   "Evil plan"

···JAYPEE···

"Tell me Jaypee? Ano bang rason mo at ginagawa mo ito?" Maarteng tanong ni Jessa sakin. Ang totoo ay ako ang unang tumawag sa kanya. Nandito kami sa isa sa mga kalabang bar ni Lucas. Ilang araw na ang lumipas and shit! Isang linggo nalang bago ang kasal nila Kris at Arex! I need to do something kung hindi habambuhay ng mawawala sakin si Kris at hindi ako makakapayag! Simula kasi nung huling pagkikita namin ni Kris ay hindi pa ulit ako nagpapakita sa kanya kahit ang tawagan man lang siya. Ilang beses niya akong tinawagan at tinext pero hindi ko sinasagot. Pati si Arex, Lucas, Kevin at Bladd, lahat sila halos ay tinatawagan ako pero hindi pa ulit ako nagpapakita. I just can't. Hindi ko kayang makitang maligaya ang taong mahal ko sa piling ng iba.

"Wala ka ng pakialam Jessa. Ang mahalaga ay tinutulungan kitang mabawi si Arex."

"Tell me? Gusto mo ang mapapangasawa niyang si Kris right?" Hindi nalang ako kumibo. Mas mainam na wala siyang alam tungkol sa nararamdaman ko pero napakatransparent ko pagdating kay Kris at naiinis ako. Damn! Pakiramdam ko mababaliw ako. Mababaliw ako kaiisip ng paraan para mapaghiwalay ang dalawang yun. Akin lang si Kris! Mahal ko siya! Ako ang naunang magmahal sa kanya! Ako ang una niyang nakilala! Minahal niya rin ako noon at alam kong pwede pang maibalik yun, kung hindi lang niya nakilala si Arex! Fucked! Ngayon ako lubos na nagsisi na ako pa ang nag-suggest na maghanap ang lokong yun ng contract wife niya! Tsk. Dahil sakin, dahil sa ideya ko nawala ang babaeng pinakamamahal ko! Ang tanga ko lang! Ang tanga ko para hindi pagpursigihang hanapin siya!

"I didn't know na ganyan ka pala Dr. Espiritu."

"Magtigil ka Jessa! Magkaiba tayo ng dahilan kung bakit ako nakikipag-tulungan sayo!" I glared at her.

"Mali ka dyan Jaypee. Mahal ko si Arex at mahal mo yung Kris na yun! Parehas tayo ng dahilan kung bakit tayo magkasama ngayon at nagpa-plano para mapaghiwalay ang dalawang yun!" Tsk. Uminom nalang ulit ako. "I need to go, alalahanin mo Dr. Espiritu. Ginagawa natin ito para makuha ang mga taong mahal natin! At siguraduhin mong hindi papalpak ang gagawin natin! I want Arexon for myself. I want him kahit ano pang paraan para mabawi ko siya."

"Huwag ako ang paalalahanan mo Jessa, ikaw ang tatanga-tanga sating dalawa!" Nakaalis na siya pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung napag-usapan naming plano. Napangiti ako. Hindi ako nagsisising nakipagtulungan ako sa babaeng yun. Kung si Kris naman ang magiging kapalit? Why not! Magpapakalasing nalang muna ulit ako. Dahil bukas? Magbabago na ang lahat! Magiging akin ka na ulit Kris!
                                                                     
···LUCAS···

"Kinakabahan ako pare!" Sabi ko kay Kevin. Nandito kami ngayon sa office ko, kasalukuyan naming inaantay si Arex. Wala si Jenny dahil nagpasama sa kanya si Kris.

"Ako man pare, hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita si Jaypee at mukhang may binabalak ang lokong yun! Tsk nasaan na ba si Bladd?"

"Si Arex nga wala pa e, si Bladd pa tanungin mo?"

"Sabagay. Hindi ko lang akalaing may ganitong side si Jaypee. Kilala ko siya bilang mahinahon. Isa sa pinakamabait sa barkada natin! Kung ano ang kinatorpe niya noon siya namang kina-obsessed kay Kris ngayon! Tsk. Pati pagkakaibigan natin nasisira niya nga dahil sa pagibig!" Tama si Kevin. Si Jaypee? Isang tawag nga lang ni Arex dun dati kumukuwag na ang puwitan para makapunta lang dito, pero ngayon? Ang laki na ng pinagbago niya. Kahit tawagan namin ay hindi kami sinasagot. At kinakabahan na talaga ko. Tandang-tanda ko pa noon ang mga huling sinabi niya matapos niyang malasing. "ARRRRGGHH! AKIN KA LANG KRIS! AKIN KA LANG! BABAWIIN KITA DAHIL AKIN KA LANG!" Tae! Ano bang nangyayari sa taong yun? Tapos nung tumawag ako sa opisina niya ang daddy na pala ulit niya ang namamahala dahil hindi na ito pumapasok! Kahit hindi pa masyadong nakakarecover ang daddy niya sa pagkaka-stroke ay napilitan na itong pumasok dahil nga sa hindi na inaasikaso ni Jaypee ang kompanya nila. Bakit ba kasi kailangang sila pa ang paglaruan ng pagkakataon? I sighed. Kailangan naming balaan si Arex. Wala pa siyang alam sa mga nalalaman namin ni Kevin at kailangan na niyang malaman ngayon. Nang sa wakas ay dumating na si Arex.

MY CONTRACT WIFE ??(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon