抖阴社区

Kabanata 33

208 13 8
                                        

Kabanata 33
Panaginip


"Anong ginawa mo?" tanong ni Denver pagbalik ko sa condo unit nila Dionne.

Hinihingal pa ako kaya inabutan niya ako ng tubig na agad ko ininom.

"Binalik ko lang kay Jovan iyong jacket niya."

"May topak pala iyon no?" ani Noris na pangisi-ngisi habang prenteng nakaupo sa sofa at kumakain ng french fries.

Denver chuckled. "Masyadong pikon, siya naman 'tong nauna." aniya.

Mariin na nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila. "Pwede, tama na? Umalis na si Jovan kaya hindi niyo na dapat siya pag-usapan."

Hindi sa pinagtatanggol ko si Jovanie, it's just that he's not here already, kaya hindi na siya dapat pinag-uusapan pa ng hindi maganda.

"Walang topak iyon, mas matino rin mag-isip iyon sa inyo, hindi lang talaga iyon plastic." may patutsadang sabi naman ni Calvin.

Nang lingunin ko siya ay nakaupo siya sa bar stool, nakapatong ang braso sa bar counter habang hawak ang kanyang cellphone at naaaninagan ko na nanonood siya ng basketball.

Hindi man nakatingin si Calvin, obvious namang si Denver at Noris ang pinatatamaan niya sa mga sinabi niya.

"Nandito ba kayo para mag-away?" Nakakasindak ang tono ng boses ni kuya Romnick kahit na mahinahon lang iyon, para siyang si papa kapag sinasaway kami ni Amanda o kaya ay ni Ambruce.

Parang mga batang pinagagalitan ang tatlo, ni hindi sila makatingin kay kuya Romnick, habang si Blaine naman at kaming mga babae ay nagpapasalit-salit ang tingin sa kanila at pinapakiramdaman sila.

"Alright, tama na ang drama!" Basag ni Alex sa katahimikan namin, pumalakpak pa siya upang kuhanin ang atensyon naming lahat.

"Can we just talk about the wedding? Oh! Let's also plan for the bachelorette party!" she exclaimed.

Muling umingay nang magsabay-sabay sa pagsasalita ang mga kasama ko. Tuluyang nawala ang tensyon na bumalot sa loob ng condo unit, at nakita kong naglakad si Denver palapit kay kuya Romnick.

"Bakit hindi ka nga pala sumabay sa dalawa, Calvin?" a sudden and curious question came from Shakira.

Oo nga no. It's unusual na nagpaiwan si Calvin kasama kami, knowing na narito pa si Denver at Noris.

"May sasabihin kasi ako sa inyo." ani Calvin, at saka siya tumayo at isa-isang tinignan kami.

"Bakla ka rin?" nagbibirong tanong ni Blaine.

Tumawa naman si Cal at saka dahan-dahan siyang lumapit kay Alex. Paglapit niya sa kaibigan ko ay nagulat kami nang akbayan niya ito.

Mukhang nagulat din si Alex sa ginawa ni Cal pero hindi niya inalis ang kamay nito sa balikat niya.

"Kami na." Calvin proudly said.

Napatili si Blaine habang niyuyugyog si Shakira, nakangiting nagkatinginan naman kami ni Harlyn, at saka nag high-five. Dionne looks so happy as well, while her arms was around kuya Romnick's waist.

May kutob na ako na may namamagitan kay Alex at Calvin, pero nagulat pa rin ako sa balitang sila na.

"Sabi ko na nga ba e!" si Dionne na napapapalakpak pa sa tuwa.

"I knew it! Ang obvious niyo kasi." ani Harlyn.

Nang dumako naman ang tingin ko sa dalawa pang lalaking kasama namin ay nakita ko na tinatapik ni Denver si Noris sa balikat nito. Nakasimangot namang tinanggal ni Noris ang kamay ni Denver sa balikat niya.

Miss Late Bloomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon