抖阴社区

CHAPTER 45

563 15 4
                                    


Ryuu

“Any updates?”

Napahigop nalang ako sa hawak na shake dahil sa tanong na iyon. Ilang beses ko na ba iyong narinig? Ilang beses ko na din bang sinabi na 'wala pa' at kahit anong gawin namin ay wala talaga.

“Wala pa,” Tumingin ako sa taong kausap ko ngayon. “Wala pa rin laming clue kung nasaan si Kuya. It's been almost 1 week.”

Malungkot siyang tumango. Anyway, she's here para samahan akong uminom ng paborito kong shake. Si Clea. It's been always 1 week na din noong malaman naming nawawala si Kuya and to be exact, 2 weeks na siyang wala. Tinry na namin siyang ipahanap ngunit hanggang ngayon ay nahihirapan pa din sila at walang makuhang information kung saan ba talaga posibleng napunta si Kuya.


“Namimiss ko na talaga ang kuya mo, bestfriend.” Madrama niyang ani. Napairap nalang ako at kulang nalang at tusukin siya ng straw na hawak ko.


“Ang drama mo din 'no? As if naman miss ka ni kuya.” Siya naman ang umirap ngayon at kumain sa cake na in-order niya.


“Grabe ka talaga sa'kin! Gan'yan siguro talaga kapag nabuntis ng dalawang pog–” Sinamaan ko siya ng tingin kaya kaagad siyang napatigil. “Oops..”


Natahimik naman kami. Natatakot na siguro siyang magsalita ng kung ano-ano dahil baka saksakin ko na siya ng tinidor.


And speaking. Dalawang araw na ding busy ang dalawa. I mean, noong 25 ay masaya pa kami at inubos ang buong oras ngunit noong nag 26 naman ay bigla nalang nalimitahan ang oras nila. December 27 na ngayon and guess what? Wala pa rin silang response sa text ko. Nag 'good morning' lang sila at wala na ulit reply. It's already 4:30 na din.


“About d'yan sa problema mo, bestfriend.” Muli akong napatingin kay Clea. Feel na feel na din niya ang pagtawag sa'kin ng bestfriend. “Baka naman busy lang talaga ang dalawang 'yon, sabi mo din naman ay nag text pa sa'yo kaninang umaga, right?”


Napaisip naman ako. May point naman siya pero pakiramdam ko ay malaki ang kulang. Parang may mali talaga.


“Yeah, pero parehas pa silang naging abala. Noon naman ay naiintindihan ko dahil sobrang daming trabaho pero nagagawa pa rin nilang mag update sa'kin.”


“Alam mo, bestfriend,” tumaas ang isang kilay ko. “Hindi naman natin mac-control ang buhay at oras nila. Malay mo naman madami talagang ginagawa knowing pa na sikat silang businessmans.”


Napabuntong hininga nalang ako. “Hindi ko alam.”


Inubos pa namin ang natitirang oras bago nagdesisyon na umuwi na. Lubos pa akong nagpasalamat kay Clea dahil sa pagsama niya sa'kin ngayon. Gustong gusto ko kasi talaga ng makakausap at saktong nag crave pa ako. Alam din naman ni Clea ang pinagdadaanan ko ngayon.



“Bye-bye, Clea! Ingat sa pagd-drive.”


Ngumiti naman siya sa'kin at ngumiti. “Thank you sa pag invite at sa libre mo, bestfriend! Sa uulitin!”


Napatawa naman ako at tumango sa kan'ya. “Oo na, kailan ka ba hindi nagpalibre?”


Napairap naman siya. “Oo na! Basta, update mo nalang din ako kapag nakauwi na si Danielle! Miss na miss ko na siya!” Madrama niyang ani. Napailing nalang ako.


“Oo na, bye.”


Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa loob. Muli nanaman ding tumahimik ang bahay dahil wala si Ishmond, umuwi na kasi sila kahapon kaya wala ng magulo. Nakakamiss din.


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon