CHAPTER TWENTY NINE: LIFE SUPPORT.STACEY
Hindi ako makahinga. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Takot na takot din ako.
"Buhay siya. But he's in a coma. Life support nalang ang bumubuhay sa kanya. Nasa iyo ang desisyon kung itutuloy pa ba yung machine o hindi na." Paulit-ulit kong naririnig yan sa utak ko. Tinakpan ko yung tenga ko. "Nananaginip lang ako. Yes. This is just a dream." I cried so hard. Life support?! Nabubuhay nalang siya ng dahil sa isang makina?! No! This isn't happening. Nanginginig na ako. Okay lang na mawala siya sa akin. Na hindi na muling maging kami. Mas matatanggap ko pa na nasa piling siya ng iba kaysa ang mamatay siya at mawalang tuluyan.
Paano ko tatanggapin ang lahat ng ito? Namatay si Angelo and now. Si Hell, nasa bingit ng kamatayan at may posibilidad na hindi na magising. I feel so guilt. Damn myself!
"Stacey please tahan na. Please huminahon ka. Matapang si Kuya Hell alam kong gigising pa siya." Niyakap ko pabalik si Vennice. Of course I know he can do it! After all he's a gangster! He's my Hunk Gangster. Shit. Parang bumalik lahat ng alaala namin.
"I want to see him."
"Anak magpahinga ka muna." Si Mama.
"Anak pwede ba tayong mag-usap? I look at Papa. Ang seryoso niya. Parang ngayon ko nga lang siya nakitang seryoso. Pwede niyo ba kaming iwan sandali?" Tanong niya kila Tita.
"Papa.."
"He loves you so much." Damn! I cried again. I know. I know he loves me. Hindi niya ibubuwis ang buhay niya para sakin kung hindi. At ang tanga ko! I want to blame myself! This is all my fault!
"Bago pa kayo maghiwalay ni Hell ay ipinagbilin ka na niya sakin. I'm sorry anak. Pinili kong ilihim ito dahil ito ang makabubuti para sa iyo. Ayokong mapahamak ka."
"Papa naguguluhan ako ano bang sinasabi mo?"
"May masamang tangka sa buhay mo anak. Si Angel. Hinamon niya sa laban si Hell at ang kapalit ay hihiwalayan ka ni Hell kung hindi ay papatayin ka niya. Anak, kayang kaya kang patayin ni Angel dahil nakapagtayo na siya ng Gang ayon kay Hell. Nanalo si Angel dahil hindi siya kayang saktan ni Hell. Alam mo naman na nanatay ang mommy ni Hell di ba? Dahil sa daddy niya. Hindi niya kayang manakit ng babae dahil sa phobia niya noong bata pa siya." Naninikip yung dibdib ko. Hindi ako makahinga. Alam ni Papa pero inilihim lang niya? Nag-move on ako pero hindi niya ako pinigilan? I bit my lips dahil humihikbi na ako. "Patawarin mo ako anak. Mahal na mahal ka niya at nangako akong ililihim ko ito sa iyo. Pinaniwala ka niyang hindi ka niya minahal para lumayo ka na sa kanya. Natatakot siya para sa kaligtasan mo anak. Nung araw na nakipaghiwalay siya sa iyo. May nakatutok na baril sa ulo mo. Kapag sinuway niya si Angel paniguradong mamamatay ka." I look at my father with disbelief. Ghaaad! Bakit nangyayari lahat sa akin ito? Bakit! Damn! Parang sasabog na ang puso ko sa lahat ng emosyong nararamdaman ko.
"Papa bakit hinayaan niyo akong mahalin si Angelo? Bakit? Damn I feel so guilty! Nasaktan ako pero mas nasaktan ko siya?! Paano ko paniniwalaan ang sarili ko ngayon na mahal ko si Hell? Yeah I admit mahal ko pa rin siya! Takot lang akong aminin o itinago ko lang! Dahil takot na akong masaktan, si Angelo! siya yung nandun! Siya yung kasama ko nung panahong nasasaktan ako paano ko nagawang magmahal ng iba? Nasaktan ako pero mas nasaktan ko siya! Nagsakripisyo siya tapos ako? Umibig ako sa iba Papa! Nagmahal ako ng iba! Ang sama ko! Papa ang sama ko! Ano nalang yung naramdaman niya nung malamang niyang may Angelo na sa buhay ko? Na napalitan ko na siya?" Papa hugged me. Para akong batang nagsusumbong. Ang sikip-sikip na ng dibdib ko. So all this time pinoprotektahan niya lang ako. Pinaniwala niya ako sa isang kasinungalingan para hindi ako saktan ni Angel, damn! I feel so damn frustrated! Pakiramdam ko any minute mawawalan na ako ng malay. Pagod na pagod ang katawan ko pati ang puso ko.
"He even tell me na bago kayo maghiwalay ay sa kanya ka nakatira. Nanlaki yung mga mata ko. Oo alam ko! Nasuntok ko pa nga
ang gago pero anong magagawa ko? Alam kong mahal mo siya kaya ibinigay mo agad yung bataan! Pinagdaanan din namin yan ng mama mo. Buti nalang hindi ka nabuntis!" Kyaaah bakit napunta dito yung topic? Kahit umiyak ako ramdam kong namula yun pisngi ko. "I'm sorry Stacey. I trusted Hell. Naniwala akong walang mangyayaring masama sa iyo once na sinunod niya ang kagustuhan ni Angel. But Hell called me. Kinidnap ka daw ni Angel. Awang-awa ako sa kanya. Hindi ko sinabing may iba ka na dahil naisip kong mas makabubuting hindi na siya ang makatuluyan mo. Na mapapahamak ka lang kapag siya ang minahal mo. Sorry baby sorry Stacey patawarin mo si Papa." I know Papa is crying. Naiintindihan ko naman e. Ang hindi ko matanggap ay ang sarili ko. How could I fall that easily. Damn. Nagmahal ako ng iba dahil nasaktan ako. Pero siya ako pa rin ang iniisip niya kahit nasa bingit na siya ng kamatayan! Ang sama ko. Ang sama ko talaga! "Nung mawalan ka ng malay hindi sinasadyang nakaagaw ng baril si Angel sa isa sa mga NBI, she pointed a gun to you at sinalo yun ni Hell. Tinamaan siya sa balikat at sa gawing ulo. Nagkaroon ng komplikasyon kaya nacomatose siya. Anak mahal na mahal ka ng gago na yun! Mahal na mahal ka niya na itinaya niya yung buhay niya para sayo. All this time nabubuhay siya para ipagtanggol ka.""Save Angelo." Damn! Ako ang iniisip niya noong panahong mga iyon. Pero ako si Angelo pa ang inuna ko. How pathetic of me. Ano nalang ang naramdaman niya nung sinabi ko yun oh shit! I need to see him. I wanna see him!
"You know what baby? Hiningi na niya yung kamay mo sa akin. Hindi na raw niya kayang mabuhay na wala ka sa piling niya.
Kapag nailigtas ka daw niya ay pakakasalan ka na niya. Yung batang yun walang ibang inisip kung hindi ikaw. Bilang lalaki proud ako sa boyfriend mo. I know hindi ka niya pababayaan kaya binigay ko sa kanya yung blessing ko." I look at Papa. Nakangiti siya habang hawak yung kamay ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I cried. Bakit Hell, bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?"Papa pinamimigay niyo ako agad?" Papa smiled at me at ginulo yung buhok ko. At yung lalaki na yun? How sure of him na papayag akong pakasalan siya? ButI smile like an idiot. Kinikilig ako sa ganitong sitwasyon. I sigh.
"Go baby. Alam kong gusto mo na siyang makita. Baka naman ikaw lang ang inaantay niya para magising na siya? Awake your sleeping gangster." Aba? Nagwink pa si Papa!
"Thank you Papa."
"Tss. Thank me later."
"Papa pwede ko ba munang makita si Angelo bago si Hell?"
"Kung gising lang si Hell baka selos na selos na naman yun! Imagine? Si Angelo na naman? Hahaha."
"Papa! Naging mahalagang parte ng buhay ko si Angelo." I hugged papa. Feeling ko nanghina ako bigla. Wala na siya, si Angelo, yung Gwapong model na bigla nalang sumulpot para pasayahin ako, para mahalin ako. Alam kong ginamit lang siya ni Angel but I know he really loves me. Minahal niya ako at minahal ko din siya. Hindi niya ako binigo. Ginawa niya ang lahat para ipagtanggol ano sa kapatid niya. Sumalangit nawa ang kaluluwa nila. I closedmy eyes and cried with pain.
To be continued....

BINABASA MO ANG
The Sexy Nerd's Hunk Gangster ?? (completed)
General FictionTHE SEXY NERD'S HUNK GANGSTER This is the story of a sexy nerd STACEY MANUEL and the Hunk Gangster CRISSEN TOM "HELL" ROSS. For open-minded only. Read on your own risk.