抖阴社区

SELFIE: 23

4.3K 200 6
                                        

POKOK'S POINT OF VIEW:


Matapos ang nangyari kagabi ay parang halos ayaw na ng katawan ko pa na bumangon pa sa aking higaan, ang tangi ko na lamang nagawa ay ang titigan ang kisame ng kwarto ko at isipin kung paano ko maaayos ang gusot na nangyari sa amin ni Miki. Napabuntonh hininga na lamang ako at napatagilid ng pagkakahiga at tila nakatingin sa kawalan, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang nangyari, isang malaking hindi pagkakaunawaan ang lahat, isang hindi pagkakaunawaan na maaaring tumapos sa sinisimulan pa lamang namin ni Miki na pagmamahalan. Hindi ko na naiwasan na pumatak ang luha ko noong maisip ko na mawawala na si Miki sa akin dahil lamang doon, hindi ko rin naiwasan na makaramdam ng galit kay Jayson, hindi ko siya maintindihan kung bakit sa tinagal ng panahon bakit ngayon kung kailan masaya na ako ay tiyaka pa siya pilit akong gustong kuhanin kay Miki, nakaramdam din ako ng inis at lungkot noong maisip ko ang nakita ko na pagyakap ni Vito kay Miki, alam kong nasaktan ko si Miki, alam kong may kasalanan din ako sa mga nangyari, kung noong umpisa pa lang nagawa ko na umiwas kay Jayson marahil ay hindi na nagkaganito pa ang lahat.


"Pokok, anak? Gising ka na ba?" ang pagtawag sa akin ni Nanay sa akin at kumatok ito sa pinto ng aking kwarto, nang madinig ko siya ay pinahid ko muna ang luha ko at bumangon ako sa aking higaan.


"Opo Nay, gising na po ako." ang sabi ko ng malakas habang pababa na sa aking higaan.


"Mabuti naman, aalis kami ng tatay mo ngayon pupunta kami sa kabilang bayan sa mga tita mo, may almusal na ako na naihain sa baba kaya bumaba ka nalang kung nagugutom ka na." ang sabi ni Nanay, nang makalapit ako sa pinto ay binuksan ko agad ito.


"Oh bakit ganyan ang itsura mo?" ang tanong sa akin ni Nanay ng makita niya ako noong buksan ko ang pinto. Sa halip na sagutin siya ay ngumiti na lamang ako sa kanya ng pilit para di na siya mag-alala pa sa akin, "naku siguro ay napagod kayo masiyado kahapon kaya ganyan ang itsura ng mukha, oh siya bumaba ka na don at kumain, kumain na kami ng tatay mo at aalis na din kami baka bukas na din kami siguro umuwi kaya ikaw na muna bahala dito sa bahay ah." ang dagdag na sabi ni Nanay at tumango na lamang ako.


Sabay kami ni Nanay na bumaba, nanag makababa ay nagpaalam na din sila agad upang umalis medyo malayo din kasi ang kabilang bayan mula sa amin kaya naman kailangan talagang umaga sila na makaalis, ako naman ay nagtungo na sa kusina noong makaalis na sila, nagsipilyo at naghilamos ako at pagkatapos ay kumain ng almusal. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin si Miki kung kumain na kaya ito? Iniisip ko na humupa na kaya ang galit niya sa akin, sa sobrang pag-iisip ko ay halos wala na din akong gana kumain dahil sa talagang ang gulo-gulo ng isip ko noong mga sandaling iyon.


Nagpalipas ako ng oras sa loob lamang ng bahay buong umaga, iniiwasan ko din kasi na lumabas upang maiwasan din na magkita kami ni Jayson, ayoko muna siyang makita ngayon. Ilang oras bago magtanghali ay dumating si Minyong sa bahay, agad ko naman siyang pinapasok at nang makapasok siya ay isinara ko agad ang pinto para kung sakali na pumunta si Jayson ay hindi din ito makapasok.


"Kumain ka na ba?" ang tanong ko sa kanya noong makaupo na ito sa upuan sa may sala.


"Oo kumain na ko, pero bago mo ko alalahanin ikaw ang tatanungin ko, ayos ka na ba? Ayos na ba kayo?" ang tanong ni Minyong sa akin na bahagyang nagpatigil sa akin ng ilang sandali.

Panget Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon