III.
*TOK!* *TOK!*
*TOK!* *TOK!*
Nagising ako sa ingay. Bumangon ako at kinusut-kusot pa ang mga mata ko at napahikab pa. Nakatulog pala ako kahapon. Tinignan ko ang wallclock - 7:00 AM pa lang.
*TOK!* *TOK!*
*TOK!* *TOK!*
"O?! Ano ba 'yun?!" inis kong tanong.
"Sisteret, gogorabels na ako!" sigaw naman ni Trevor na nasa labas ng kwarto at sa tingin ko ay kanina pa kumakatok.
"Edi lumayas ka na!" sagot ko naman. Antok pa 'ko eh.
"Eh.. baon ni akechiwa?"
Ay oo nga pala. Ako pala ang taga-budget at taga-tago ng allowance naming dalawa. Tatamad-tamad akong tumayo mula sa kama ko at dumiretso sa may table ko. Binuksan ko 'yung drawer at kinuha ko 'yung wallet ko. Pagkakuha ko ng baon ni Trevor, dumiretso ako sa pinto at binuksan iyon.
"O eto baon mo," abot ko kay Trevor na may kasama pang hikab.
"Thanks sister." sagot naman ni Trevor at kinuha na ang baon niya.
"Ba't 'di mo ako ginising kagabi?" sunod na tanong ko.
"Anong hindi? Tulog mantika ka talaga ever since. O siya, babush!" paalam nito sabay alis.
Napakamot na lang ako ng ulo. Bumaba ako para kumain ng agahan. Nakita ko naman na may tirang itlog at hotdog sa mesa. Umupo na ako at kumain. Matapos kumain, umakyat na ako para maligo. Pagkaligo, nagbihis na ako ng uniform at inayos ko na ang mga gamit ko para sa school. 8:30 AM pa lang at 10:30 pa ang unang klase ko pero dahil ako lang naman ang dakilang tagapagsundo ng mahal na prinsipeng si Matthew Chua, napapaaga ang paggising ko tuwing may pasok.
Nang makapag-ayos na ako, lumabas na ako ng bahay at lumakad papuntang sakayan. Sumakay ako sa isang airconed bus. Ang init kasi at saka isa pa, piso lang naman ang diperensya kesa sa ordinary bus. Kesa naman puro polusyon ang malanghap ng baga ko at madikit sa balat ko, okay nang dito ako sumakay. Panget na nga mukha ko, papapangitin niyo pa pati kalusugan ko.
Doon ako umupo sa may dulo, do’n sa may mahabang upuan sa pinakalikod ng bus. Kaunti pa lang ang pasahero ng bus kaya mag-isa lang ako sa may likod. Medyo naiinis pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Hay. Nakakainis lang talaga.
Mabuti na lang ngayon at mag-isa lang ako dito sa pinakadulo ng bus, walang manlalait at walang hahamak sa isang kawawang panget na gaya ko. Dito naman talaga ako nababagay eh. Sa lugar kung saan hindi napapansin ng lahat, 'yung kasuluksulukan para maligtas ako sa lahat ng mga masasakit at matatalim na salitang laging ipinupukol sa isang panget na gaya ko. 'Yung lugar kung saa--
"Miss? Miss!" bigla namang naputol ang madramang moment ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Nagtagpo ang paningin naming dalawa. Hindi siya kumukurap.
Eeekk. Huwag mo sabihing may gusto ka sa'kin kuya?
Binigyan ko naman siya ng isang blangkong tingin.
"Bayad mo miss. Kakasakay mo lang ‘di ba?" sagot naman ng lalaki. Hay. Kundoktor pala ito.
"Ah.. Hehe. Sandali lang po," paumanhin ko naman sabay kuha sa wallet ko sa bag. Nang maibigay ko na ang bayad ko, binigyan ako ng ticket ng kundoktor at umalis na sa harap ko.
Okay. Nasaan na ba ako kanina?
Ah!
So ayun nga, dito sa gaya nitong lugar, sa lugar na hindi kapansin-pansin, 'yung lugar na mararamdaman kong normal ako, 'yung lugar na walang...
POGEEE!
Oh shizz!
Ampogeeeee~
For the second time, naputol ang kadramahan ko dahil sa isang nilalang na sumakay sa bus. ISANG GWAPONG NILALANG. Hindi sa ngayon lang ako nakakita ng gwapong lalaki pero pakiramdam ko talaga, iba ang epekto niya. 'Yung maamo at gwapo niyang mukha, talagang kakaiba ang dating sa'kin.
Habang namimili siya ng mauupuan sa bus, nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. Kahit saang anggulo ang gwapo!
Napaayos naman ako ng upo nang wala sa oras. Malay natin, mapansin niya ako pero ayokong mag-expect masyado. Tandaan, huwag mag-expect, NAKAMAMATAY.
Ang akala ko doon siya sa bandang unahan mauupo pero hindi. Dumiretso siya sa'kin.. este dito sa may likod. Umupo siya dito malapit sa'kin.
WAAAAAAH.
Nagwawala na ang kaloob-looban ko dito.
Nandun siya sa may bintana at ako naman dito sa may gitna ng mahabang upuan kaya hindi niyo masasabing magkatabi kami. Sayang. Hehehe.
Ang kapal naman ng panget kong mukha kung tatabihan ko siya at syempre nakakahiya. Sobrang gwapo niya kaya.
Palihim naman akong nagnanakaw sa kanya ng tingin. Wala nang kokontra, hindi naman ako makukulong dahil dito eh kaya shh na lang kayo.
Nakadungaw lang siya sa may bintana. Hihi.
Pengeng camera, ansarap niyang piktyuran. Para lang kasi siyang nakapose o nagshu-shoot ng commercial habang nakadungaw sa bintana. Lumapit ulit si kuyang kundoktor at hiningi na ang bayad niya.
Shizz. Ba't ganun? Kahit pagbabayad ng pamasahe ang gwapo niyang tignan? Nakakainlove.
Nung lumayas na ulit si kuyang kundoktor, may kinuha naman siya sa bag niya. 'Yung cellphone niya pala at earphones. Wait.
ANG SOSYAAAL~
Iphone 5 ang cellphone. Mukha namang orig na Iphone 5 at mukha din naman siyang mayaman pero bakit naka-bus lang siya? Ay ewan. Basta, ansarap niyang titigan.
Patuloy pa rin ako sa pagnanakaw ng mga sulyap sa kanya. Tandaan ulit, stealing is a crime. Pwera na lang kung tingin ang nanakawin, sige, magsawa tayong lahat sa pagnanakaw.
Mga halos 5 minutes na at unti-unti nang napupuno ang bus. Mga estudyante rin gaya ko ang kadalasang sumasakay o di kaya mga nagta-trabaho. Puno na 'yung unahan kaya 'yung mga dumadagdag na pasahero eh dito na sa may likod nauupo. Kaya naman, unti-unti akong napapausog papunta sa tabi ng gwapong nilalang na kanina ko pa ninanakawan ng tingin. Bawat may pasaherong umuupo dito sa may dulo, saka naman ang usog ko hanggang sa magkatabi na talaga kami.
Hihihi. Ang gwapo lalo sa malapitan. Nakadungaw pa rin ito sa bintana kaya naman tuluy-tuloy pa rin ako sa pagnakaw ng mga sulyap dito.
Matapos ang 30 minutes ng nakawan ng tingin, bumaba na ako mula sa bus. Sayang, sana makita ko ulit siya. Haha. Asa! Hay.
Lumakad na ako papasok ng village nila Matthew. Napansin ko naman na nakauwang ng bahagya ang gate ng mansyon nila Matthew kaya hindi na ako nag-doorbell at pumasok na ako sa loob.
Nung nandun na ako sa higanteng pinto papasok sa loob eh bigla naman akong nakarinig ng sutsot kaya napatingin ako sa may bandang garden. Nakita ko doon si Matthew na naka-uniform at hayahay ang upo sa may coffee table.
“O andyan ka na pala eh, tara na," sabi ko.
"Nandyan 'yung bag ko sa loob. Kunin mo." utos naman nito na kitang komportableng komportable ang pagkakaupo.
"Bakit ako?" reklamo ko naman. Opo, reklamador akong tutor. Pasensya na, ang alam ko kasi 'tutor' lang trabaho ko at hindi yaya.
"Alangan naman ako. Sige na, bilisan mo." sabi naman nito.
Dahil masyado akong mabait, sinunod ko siya. Pumasok ako sa loob at hinanap ang bag niya. Nang makuha ko na 'yun, lumabas na ulit ako at inabot 'yun kay Matthew. Kinuha naman niya iyon at tumayo na. Nauna na akong lumabas ng mansyon at sumunod naman siya pero ni hindi man lang niya ni-lock ang gate.
"Adik ka ba Matthew? Hindi mo ila-lock 'yang gate niyo?" sabi ko naman.
"Bakit pa?" balik niyang tanong sa'kin.
"Eh paano kapag manakawan kayo?" sagot ko.
"Hindi kami mananakawan. Anong silbi ng guards sa village na 'to? Mag-isip ka nga," May punto nga naman siya. Ano pa nga bang silbi ng mga guards kung basta na lang nilang ipapa-akyat bahay ang mga mansyon sa village na 'to?
"Eh kahit na, para maka-sigurado lang." giit ko naman. Dumiretso ako sa may gate at ako na lang ang nag-lock no’n. Para na rin hindi na humaba pa ang pagdi-diskusyon naming dalawa dito.
Lumakad na kami pareho papunta ng sakayan. Sumakay kami sa isang airconed bus. Alam niyo naman 'tong si Matthew, napakayaman, sensitive ang balat sa polusyon ng Maynila kaya hindi uubra sa ordinary bus 'to.
Doon kami naupo sa may bandang gitna.
Pero kung nagtataka kayo kung bakit sa kabila ng pagiging anak ng napakayayamang negosyante eh nagba-bus lang siya papunta ng school, sige magtaka kayo, ako din kasi hindi ko alam. Pero ito daw ang gusto niya. Ako magsusundo sa kanya at magba-bus kami papasok ng university.
Siguro masasabi kong ito ang isang magandang katangian ni Matthew, hindi siya matapobre. Ibang-iba siya kesa sa mga anak mayaman na nag-aaral sa university namin. Wala siyang pakialam kung makita man kami ng lahat ng estudyanteng magkasama. At hindi niya rin ako hinuhusgahan dahil sa katayuan ko sa buhay dahil gustung-gusto niya lang na asarin ang panget kong mukha. Wala din siyang pakialam kung sabihan siya ng ibang mga schoolmates namin na bakla, dahil lang hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend ni isang beses.
Tama ang nabasa niyo, hindi pa siya nagkaka-girlfriend. NGSB pa siya kumbaga, sa pagkakaalam ko. Huwag niyo akong tanungin kung bakit kasi 'di ko din alam. Hindi lang siguro siya mahilig mamansin ng babae, suplado eh. At eto pa pala ang isang magandang katangian ni Matthew, hindi siya babaero hindi gaya ng karamihan sa lalaking schoolmates namin. Tss. Puro pamumuri siya sa'kin ngayon ah. Dapat may kapalit 'to.
"Oy, dala mo libro mo sa Bio?" tanong nito out of the blue.
"Oo, bakit?" sagot ko.
"Akin na. Nakalimutan ko 'yung akin eh." sabi naman nito.
"Ayoko nga. Bakit mo kasi kinalimutan 'yung iyo?" pagtanggi ko.
"Nakalimutan ko nga ‘di ba? Malay ko bang makakalimutan ko 'yun. Peram na kasi nung iyo," pagpupumilit nito. "'Di mo naman na kailangan 'yun kasi matalino ka na."
"Tss. Sige na nga." At dahil natuwa ako sa pamumuri niya, pumayag na rin ako. Kinuha ko mula sa bag ko ang Bio book ko at inabot kay Matthew. Kinuha naman niya 'yun at nilagay sa bag niya. "Nga pala, bakit ang tamlay mo kahapon?"
"Pakialam mo? Imbestigador ka ba?" masungit nitong tugon sa'kin.
"Oo, dahil hinding-hindi kita tatantanan hangga't 'di mo sinasabi sa'kin," sabi ko with matching turo-turo pa kay Matthew.
"Subukan mo. At hinding-hindi ka tatantanan ng mga babae sa campus." pagbabanta naman niya.
"’Wag mo ngang gamitin ang pagiging habulin mo ng babae. Sabihin mo na nga kasi. " pagpupumilit ko.
"Ayoko. Tutor lang naman kita at hindi private detective kaya bakit ko sasabihin sa'yo?"
"Tss. Kung ayaw mo edi ‘wag." sabi ko na lang. "Nag-review ka na ba para sa exam natin next week?"
"Nag-review? Di ba obligasyon mo 'yun? Bakit sa'kin mo tinatanong?"
"Syempre dapat nagre-review ka din para sa sarili mo 'no. Hindi 'yun sa akin ka na lang nakaasa lagi. Pfft." inis kong sagot.
"Binabayaran ka naman namin para turuan ako kaya wag kang mag-reklamo dyan." giit nito. "Pero o sige, magre-review ako pero babawasan ko sweldo mo."
"’Wag na 'no! Pfft. Tinatakot mo pa ako gamit ang sinusweldo ko."
Mga after 5 minutes, nakarating na kami sa university.
Ola! Welcome to T University. Yes, T as in letter T. Ang weird ng name eh?
Bago ka makapasok sa university, ichi-check muna ng guards ang bag mo at titignan ang ID mo.
Oo, medyo strikto nga talaga dito pero for the sake of the students din naman 'yun. Pumila na kami ni Matthew sa may likod. At as usual, pinagtitinginan na naman siya ng mga babae. At ang sasama at ang tatalim na naman ng tingin sa'kin ng mga tao dito. Ikaw ba namang isang panget ang araw-araw na kadikit ng isang sikat na model at heartthrob na gaya ni Matthew eh talaga namang isusumpa ka ng mga babae sa campus niyo.
Mabilis din na umusad ang pila at agad din kaming nakapasok sa loob.
"Anong oras na?" tanong ko kay Matthew habang naglalakad kami sa hallway ng Building B, pareho kasing dito ang mga classroom namin.'Yun nga lang, sa second floor si Matthew at nasa first floor naman ang room ko.
Tinignan naman niya ang wristwatch niya. "10:05 AM."
"Buti naman, maaga pa ako sa klase ko," sabi ko.
Dumiretso kami sa second floor. Syempre, ihahatid ko pa sa classroom ang mahal na prinsipe, as usual. Sa may tapat ng room niya. ayun may mga nagkukumpulang grupo ng mga estudyante. Napatingin naman sila sa'min na naglalakad palapit sa room, binigyan nila kami ng isang nakapanlolokong ngisi. Alam ko na kasunod nito.
"Oh, nandito na pala ang mahal na prinsipe at ang dakilang tagapaghatid," ang sabi ni Redd, barkada ni Matthew. At sa kanya ko rin nakuha ang tawag kay Matthew na "mahal na prinsipe" kung mapapansin niyo.
"Tumigil ka na nga Redd. Ano bang pinagkakaguluhan niyo dito?" tanong naman ni Matthew na nakasuksok sa bulsa ang mga kamay.
"Sige, alis na ako." paalam ko at tumalikod na ako mula sa kanila.
"May bago daw transferee eh.," narinig ko namang sabi ni Redd pero wala na akong pakialam dun. Nagmadali akong bumaba ng first floor at pumasok ng room ko.
May iilan-ilan na akong classmate na nandun pero wala man lang bumati sa'kin. Palibhasa, puro magaganda't gwapo, mga mapili sa kakaibiganin. Dun ako nakaupo sa dulo, sa tabi ng bintana. Kaya dun ko piniling umupo dahil kapag wala akong magawa, nagdi-daydream na lang ako. 'Yun na lang libangan ko sa room since wala naman akong makausap dito.
*KRIIIIIING*
Ayan, lunch break na. Nagsitayuan na ang mga classmates ko at lumabas ng classroom. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa bag at isinukbit ito sa balikat ko. Lumabas na rin ako ng room at dumiretso ng cafeteria na nasa Building A.
Pumila na ako at kumuha ng tray. Buili ako ng dalawang chicken sandwich at dalawang coke in can. Kumuha na rin ako ng mamon. Ahehe. Pang-dessert ko lang. Pero hep-hep, hindi ako sa cafeteria kakain. Bitbit ko ang pagkain at lumabas na ako ng cafeteria at bumalik sa Building B. Goodluck sa'kin, medyo mahihingal ako sa kakaakyat sa building na ito. Doon kasi ang diretso ko sa rooftop. Eto na naman ang dakilang tagahatid niyo, at your service. Muntik nang magkandahulog ang mga bitbit ko habang umaakyat ng hagdan. Nang makarating na ako sa rooftop, nakita ko doon si Matthew. Nakatulala na naman siya at nakaupo sa may bench ng rooftop. Nagiging hobby na niya yata ang pagtulala.
Nilapitan ko naman siya, napatingin siya sa'kin at agad na kinuha ang sandwich at coke.
"O, tulala ka na naman." asar ko.
"Ano naman sa'yo?" masungit nitong sabi sabay bukas sa coke at uminom.
"New hobby?" dagdag ko sabay upo din sa bench.
"Hobby? Wala akong ibang hobby kundi ang asarin ang kapangitan mo." Tss. Okay, totoo naman 'yun eh. Hobby niya iyon, as in, araw-araw na lang.
"Whatebaaahh," sabi ko na pilit nagtutunog sosyal na maarte.
"Hindi bagay sa panget na gaya mo." pang-asar naman niya.
"Hmp." binuksan ko na 'yung sandwich at kumagat dito. Ansarappp~
Tahimik lang kaming kumain pareho. Nakakapanibago. Karaniwan kasi hindi ganito katahimik si Matthew habang kumakain kami. Masyado bang masarap ang chicken sandwich? Eh araw-araw naman niyang kinakain iyan eh. Di na ba siya nagsawa diyan?
Mga after 10 minutes, natapos na kaming kumain. Busog na busog na ako. Chineck ko ang phone ko. 1:00 PM pa lang. 1:45 pa naman ang klase ko kaya makakapaglibang pa ako kahit paano. Parehas lang kami ni Matthew.
Bigla namang tumayo si Matthew.
“O, aalis ka na?" tanong ko.
"Oo " matipid nitong sagot sabay alis na.
Sumunod na lang din ako sa kanya tutal wala akong gagawin dito sa rooftop. Naisip kong magikot-ikot na lang sa campus gaya ng nakasanayan ko na.
Dumiretso si Matthew sa classroom niya, ako naman dumiretso ako ng Building C. Hindi ko kasi masyadong napupuntahan ang building na iyon, walang classroom doon. Nandun lang ang mini-museum ng school, music room, science lab at kung anu-ano pang kaek-ekan ng eskwelahang ito.
Wala namang katao-tao sa hallway, minsan lang kasi may napapadpad dito.
May narinig naman akong parang music, oo parang music mula sa gitara. Sinundan ko naman kung saan nagmumula ang tugtog. Ang ganda kasi.
♪♪ Oh God, it's so frustrating
So while I disappear when you come near
It makes me feel so small while I blow my lines
Most every time, like I got no chance at all~ ♫
Papalakas na nang papalakas ang tugtog, malapit na ako.
♫♪ If I could be a superman
I'd fly you to the stars and back again
'Cause every time you touch my hand
And feel my powers running through your veins~ ♫
Tapos nakarating ako sa tapat ng music room, doon nagmumula ang magandang tugtog. Bahagyang nakauwang 'yung pinto kaya sumilip ako.
♪♫ But I can only write this song
And tell you that I'm not that strong
'Cause I'm no superman
I hope you like me as I am~ ♪
Nakita ko naman ang isang lalaki sa gitna ng room, nakaupo at naggigitara. Naka-uniform din siya kaya malamang estudyante siya dito pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita?
♫♪ It ain't no lie I have to tell you how I feel
Each time I try
It gets a little more unreal
You walk my way~ ♫
Nang tinitigan ko siyang mabuti, nawindang ako.
'Yung gwapong nilalang sa bus?===============================================================================

BINABASA MO ANG
She's Ugly (Complete)
Teen FictionMatthew Chua has almost everything anyone wants. He's popular, rich, good-looking, and appealing. But there's one thing that's missing- the love of his life. On the other hand, Felicity Natividad is an average-- ehem not-so-good-looking young girl...