抖阴社区

Chapter 2

947 96 18
                                    


"Bakit ka napunta sa Rancho?" Nagtataka na tanong ni Papa sakin habang kumakain kami ng dinner. My brother and older sister are here too. "Ano ginamot mo?"

"Yung mga kabayo po —"

"Ay balita ko may Shire horse at Friesian ang Rancho?" Pagsabat ni Kuya na isang Engineer.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "May breton at Morgan din kuya."

"Grabe." Napapailing na sabi ni Kuya. "Ang mamahal ng mga yan."

"Gustong gusto ng kuya mo ng mga kabayo." Sabi ni Papa.

Hindi naman din lingid samin ang hilig ng kuya Malachi sa kabayo. It's just that, wala kaming lupa na pwede gawing farm — hindi din naman kami ganon kayaman.

And yes — we all have weird names, My brother is Malachi, Ate ko na si Maizie at ako si Mariska.

Natawa si Kuya. "Opo, pero wala ding Rancho."

"Small farm." Suggestion ni Ate Maizie. "Hindi naman kailangan bongga agad. Lahat nag-uumpisa sa maliit.

"Tama si Maizie." Pagsang-ayon ni Mama. "Kapag gusto, napakaraming paraan."

Maingat akong kumuha ng laman ng Tilapia na ulam namin ngayon. Ilang beses narin kasi akong natinik sa isda na ito pero wala eh, favorite ko talaga. "Oo nga pala, sa Rancho muna ako magsstay dahil kailangan kong imonitor ang mga kabayo."

"Ha? Wala bang pwede na pumalit sayo?" Kunot noo na tanong ni Papa. Sya kasi ang sobrang strict sakin. "Baka mapano ka don eh."

"Wala pong mangyayari sakin na masama don." I assured them. Hindi din naman ito yung first time na kinailangan kong mag-alaga ng mga nangangailangan hayop sakin and stay with them for days, weeks sometimes months. "Sobrang secure at strict po ng Rancho."

"Oo nga naman Pa." Pagsagida ni Ate sakin. "Kaya hindi magka boyfriend si Mariska kasi ang higpit nyo eh."

"Abat —"

"Boyfriend nga ba? Baka girlfriend yan eh." Pangangantyaw sakin ni Kuya.

I just roll my eyes at him.

Lagi din naman nya ako binibiro na kesho tomboy ako, or whatever.

Napatingin lahat ng kasama ko sakin. "What?"

"Sabihin mo nga sakin Anak." Seryosong salita ni Papa sakin. "Mas gusto mo ba ang mga babae kaya hindi ka na ,— "

"Pa." Matigas ko na sabi. "Porket NBSB —"

"Anong NBSB?" Nagtatanong ni Mama.

"No boyfriend since birth." Si kuya na sumagot. "Never been kiss, never been —"

"Kuya hayaan mo si Mariska." Pagsaway ni Ate Maizie. "Besides wala naman tayong problema sa usapin ng sexuality sa bahay na ito right?"

Wala namang kumibo o nag violent reaction. Which I'm so thankful na walang homophobic sa pamilya ko. Though hindi ko pa alam kung attracted ba ako sa babae o hindi, i mean. Marami na akong nakikitang magagandang babae but there is no attraction or whatever.

Well, maybe. It takes one and only person that makes me fall inlove.

Maging lalaki man o babae yan.

I only live once so bakit ko pa pipigilang ang nararamdaman ko para sa isang tao.

Heck, days are not coming back.

Pagkatapos kumain ay maliligo na sana ako, pero napatigil ako sa harapan ng kwarto ni Ate Maizie. Parang may naririnig akong umiiyak.

And out of curiosity, pumasok ako.

The Eve Where stories live. Discover now