抖阴社区

PART 20 ?

269 11 29
                                        


Pablo's POV:

"Pablo, next week pala may nag iinvite sayo para sa isang live event sa [Location]. Ano accept ba natin? Para makapag response na ako sa email nila. Pero okay lang naman if i turn down natin since rush invite to, baka di mo din gusto." sabi ni kuya yani.

"Ano bang event? Baka naman related sa politics?"

"No, alam mong di ako nag eengage pag ganyan ang invitation. Event siya for arts appreciation, bali meron ding mga artist pero ikaw pinili nila for finale." never kasi akong nag accept pag polito ang mga nag invite, kahit pa malaki ang bayad. Ayoko kasing madungisan name ko. Kaya kahit magalit sila, okay lang.

"Okay.."

"Anong kakantahin mo? Kahit isang song lang naman daw since ikaw nga yung pang finale." alright ganito mga gusto kong guestings eh, yung hindi masyadong magagalgal boses ko.

"Hmm, basta ako ng bahala."

"Okay, okay send mo nalang sakin yung instrumental para ma ready natin." tumango nalang ako.

"Kuya yani, heto na pala yung food." nandito na pala yung P.A, mukang hingal na hingal pa sa pag pasok ng pinto. Nandito kasi kami ngayon sa studio para sa photoshoot ko for my upcoming merch. Patapos nadin naman kaya nag pabili na si kuya yani ng food para sa mga taong kasama namin dito sa studio.

"Thank you stell, sige i lagay mo nalang jan. Tapos paki abutan nadin yung iba." Ngumiti pa ito, bago nilapag ang mga plastic bags na dala.

tsk~ ngiti ngiti duh! Naiirita talaga ako sa muka nito.

"Thank you for the hard work po."

"Sir, galing mo po mag picture! Bilid talaga ako, kaya heto po miryenda hehe."

"Nandito na po si mez heart, nag dedeliver ng pagkain. Salamat po for todays video."

Rinig kong sabi ng P.A ko sa mga kasama namin dito, masyado talagang Feeling close sa lahat, nakikipag tawanan pa. Haist! Nakakairita talaga, napaka tinis ng boses!

"Kuya yani, ito na po yung favorite mo. Club house with extra extra extra cheese. Cheezylicious" kumindat pa kay kuya yani, ano to sumisipsip talaga?

"Thank you, the best talaga Stell." Aba'y nakikipag tawanan pa si kuya yani, go lang kuya yani magpa uto ka sa lalaking yan. Pero huwag na huwag mo lang sasayangin pera ng kumpanya ng dahil sa kanya. Di naman niya deserve.

"Black coffee saka sandwich mo.... PO." sabi ng P.A ko sabay lapag ng pagkain sa katabi kong table at nag lakad na para pumunta sa gilid at nakipag usap ulit sa mga kasama namin.

Wait what? .. The attitude! hindi manlang ako nginitian o tinignan. Anong problema nun?

Ah, baka masama loob dahil sa sinigang niya. Hindi ko na napigilang matawa ng pasimple sa kinauupuan ko.

Stell's POV:

To be honest, ayoko sanang makita tong lalaking to. Nagtatampo pa kasi talaga ako, hindi manlang kasi marunong mag sorry. Kaya sobrang saya ko nung inutusan ako ni kuya yani para kumuha sa cafeteria ng mga mimiryendahin ng team. Atleast kahit papaano makakahinga ako.

"Hi po ate ganda, goodafter noon po." naka ngiti ko pang sabi, kaya naman nakita kong lumiwanag din ang awra nito.

Diba sa simpleng ngiti at pag bati lang, madami ka ng mapapasayang tao. Hindi katulad ng kakilala ko, puros kadiliman ang hatid.

TWO-FACED Book 1: STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon