Thief's real identity
Mina's povNakatitig lang ako kay daddy Maverick habang nag hahanda ito ng mga pinggan sa hapagkainan. Napatingin ako sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa, nakatali parin ako, narinig ko kahapon na pumunta sila daddy Grey dito pero hindi ako makasigaw dahil nakatakip ang bibig ko habang nakakulong ako sa kwarto.
Nakatakas nga ako, nahuli naman ako ulit.
"Makakasama mo narin si mommy mo mamaya, huhukayin ko lang s'ya" tumawa ito, napairap na lang ako totoo ngang baliw s'ya.
"Nagustuhan kita Mina dahil kahawig na kahawig mo si Khalia" nakangisi lang ito habang inilalapag sa harapan ko ang niluto n'yang ulam.
"Kukunin ko muna ang mommy mo ha"
Nakatingin lang ako sa hapagkainan habang hinihintay s'ya, nagulantang ang pagkatao ko nang makita kung anong dala-dala n'ya.
Dala-dala n'ya ang ulo ni mommy, bungo na ito dahil sa tagal ng nakabaon. Inilagay n'ya ito sa lamesa sa tapat ng isang bakanteng upuan.
"Magkakasama na tayong kakain Khalia" hinaplos pa n'ya ang ulo nito.
"Paano ako kakain kung nakatali ako?" inangat ko ang kamay ko na may tali at iwinagayway ito sa kan'ya, ngumiti lang ito.
"Kaya nga nandito ako para pagsilbihan kayo" nagulat ako nang ipinagsiklop n'ya ang dalawang kamay at ipinatong sa taas ng lamesa.
"Magdasal muna tayo Mina" napangiwi na lang ako, mamamatay tao s'ya pero nakuha n'ya pang magdasal? May konsensya pa ba s'ya?
"Mina." madiin ang pagkakabanggit n'ya ng pangalan ko, sinunod ko na lang ito
Kailangan ko talagang makisama sa baliw lalo na kapag tatay mo 'to.
"Kain na!" pagkatapos magdasal magiliw na ulit ito, pinagmasdan ko s'ya para s'yang inosenteng tao na kung titignan ay walang bahid na kasalanan ang pagkatao.
Ako ang una n'yang sinandukan ng pagkain, kinalas n'ya narin ang tali ko sa kamay pero tinali naman n'ya ang katawan ko sa upuan.
Pinipilit kong kumain para makabawi ako ng lakas ko, dalawang araw na akong hindi kumakain dahil ikinulong n'ya lang ako sa kwarto.
"Aalis pala ako mamaya, mamimili lang ako ng pagkain" tahimik lang ako habang kumakain kaming dalawa, ayuko s'yang kausapin dahil naaalala ko lang ang kahayupan na ginawa n'ya kay mommy.
After kong kumain, tinanggal na n'ya ang tali ko pero ibinalik n'ya naman ulit ang tali sa kamay ko.
"Bantayan mo ang mommy ha, baka iwan na naman tayo" hinaplos nito ang buhok ko, kinuha n'ya ang bungo ni mommy at pinahawak saakin.
"Mag-usap muna kayo, alam kong miss na miss n'yo ang isa't isa"
Baliw na s'ya
Hinatid n'ya ako sa kwarto ko, nang makapasok ako sa loob narinig ko ang tunog ng kandado mula sa labas. Mukhang ikukulong na naman n'ya ako rito kasama si mommy.
Oo nga pala, kailangan kong ilabas ang pira-piraso n'yang katawan na nandito sa bahay.
Kinuha ko ulit ang gunting na itinago ko sa ilalim ng kama ko at ginunting ang lubid na nakatali sa kamay ko, alam kong papatayin din ako ni daddy kaya gagawa na lang ako ng paraan para makaalis dito.
Nang matanggal ko ang tali, kinuha ko kaagad ang malaking backpack ko at isinilid sa loob ang bungo nito. Kailangan ko pang hanapin ang ibang parte ng katawan n'ya. Kinuha ko ang susi sa ilalim ng kama at tumayo papunta sa pinto, pilit ko itong binubuksan pero ayaw talagang mabuksan. Naglakad ako papunta sa bintana, tama sa bintana ako dadaan. Napatingin ako sa paligid dahil madilim na, napalunok ako nang makita kung gaano kataas ang bababaan ko. Napasilip ako sa gilid papunta sa panghuling kwarto.

BINABASA MO ANG
Keep Quiet, Mina
HorrorUnedited | Completed A stalker that knows everything about me, alam n'ya kung saan ako pumupunta at alam n'ya rin kung sino ang kasama ko. But having a stalker like him is exhausting, he kills people and torture them until they die. I don't know hi...