抖阴社区

Chapter 4

2 0 0
                                    

Ewan ko kung dahil ba ito sa kulang ko sa tulog o talagang may nangyayari na sa buhay ko.

’Ba naman, si Rain ang nasa unahan ko ngayon habang naglalakad papunta sa venue ng practice.

Nagising ako nang thirty minutes na lagpas sa call time kaya naman nagkukumahog ako kanina sa pagkilos. Malapit lang ang barangay namin sa school, as in walking distance lang, pero kasi ayokong ma-late kasi kami ang paglilinisin ng court mamaya kapag ganun.

Pero kung tutuusin, sakto lang ang tyempo ko. Kung ako iyong dating Normal, maaga pa ito para sa akin kasi dadating ako nang hindi pa nagsisimula. Ba, isang himala iyon kapag ganun.

Pero iba na ngayon e.

Haha. Dating Normal e ’no.

Tulad ng sinabi ko, sakto lang naman ang oras. Mahaba pa ang time bago mag-start. Oo, marami na ang nandoon, pero marami pa rin naman kaming mga wala na ngayon ay animo’y may zombie apocalypse dahil naka-uniporme kaming lahat at naglalakad sa iisang direksyon.

Pero sa tingin ko, aatakihin na si Rain sa puso dahil sa kaba.

Mas maliit siya sa akin, mga 5'0 flat siguro ’to. May dala siyang puti na tote bag na nakasukbit sa kaliwang balikat niya. Pinipiga niya iyon nang mahigpit dahil siguro sa anxiety. Wala siyang kasama na ipinagtaka ko nang kaunti pero siguro kaya niya na e. Ako na lang magbabantay.

Kapag sinabi kong malinis siyang tingnan, totoo iyon. Maayos at pantay ang medyas, plantsado rin ang uniporme. Malinis talaga. Maputi siya kaya mas nakadagdag iyon sa glowing effect. Para siyang anghel na nagliliwanag habang naglalakad sa bagong sikat na araw. Kahit buhok niya wala atang buhol e.

Napabutones tuloy ako ng uniporme ko. Basta ko na lang kasi ’to sinuot kanina. Inayos ko rin ang buhok ko.

Panay ang tingin ni Rain sa silver wristwatch niya. Napansin kong ihahagod niya ang kamay niya sa kaniyang buhok pagkatapos dahil sa inis. Iyong mga hakbang niya, katulad din kapag bababa na siya ng stage, maliliit tapos mabibilis. Parang hamster e.

Ang cute talaga.

In my defense, hindi naman ako nakadikit sa kaniya ’no, edi natakot na ’to. May considerate distance naman sa pagitan namin. Mga three inches. De, biro lang. Basta distansya na hindi mahahalatang sinusundan ko siya on purpose. Dapat parang random stranger lang sa kalsada.

Stranger na may crush sa kaniya ganun.

Pagkadating namin doon sa labas ng court, ang una dapat naming gagawin ay hanapin ang section namin at pumila.

Doon ako nabigla.

Kasi nasa bungad lang pala ang section nila. As in, pagkaliko namin, dumiretso na agad siya sa pila.

E sa kabilang dako pa ako.

Meaning, dadaan ako sa gitna nila nang mag-isa.



Shet.

Napabagal ang lakad ko habang pinagmamasdan siyang lumapit sa mga kaklase niya. Wala akong kilala sa section nila bukod doon kay Pin at sa kaniya. Pero hindi naman nila ako kilala.

So, bakit ba ako kinakabahan?

Huminga ako nang malalim at pinagana ang charms ko. False confidence ata ang tawag dito pero basta, naglakad ako papunta sa gitna na parang ako ang hari ng kalsada.

Matik nagsitabihan sila habang naglalakad ako sa gitna. May mga pamilyar na mukha akong nahagip sa mga kaklase niyang lalaki. Siguro iyon yung mga nakabardagulan ko dati, at siguro pamilyar din ako sa kanila. Tinitigan ako e.

Just Like a QuicksandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon