抖阴社区

                                    

"Kung nilalabas mo na lang ang pera! Alam mo naman na iba magalit si mama!" Sigaw pa ng pinsan nito.

"Alam mo ba kung gaano kalaki 'yon?! It's 10k. Para kang hindi pinapa-sweldo ng maayos, nakuha mo pa talagang mag nakaw? Nakakahiya ka." Dagdag pa ng pinsan nito.

Kanina pa siya nag pipigil pero sobra sobra na ang mga narinig niya. Buong lakas niyang inagaw ang sarili mula sa pagkakahawak ng tiyahin sa buhok niya at puno ng sama ng loob niyang tiningnan ang mag-ina sa harapan niya.

Pagod na pagod na siyang makisama. Pagod na pagod na sa mga manunumbat na naririnig niya tuwing mag aaway na lang ang mag-ina at dinadamay siya.

"Wala akong kinalaman sa sinasabi niyo! Wala akong kinukuhang pera at hindi ako mag nanakaw! Sumosobra na ho kayo. Kung sumbatan niyo ako akala niyo napakalaki ng naiambag niyo sa buhay ko!" Punong puno ng sama ng loob niyang sigaw. Matagal na niya itong kinikimkim at ngayon sumabog na talaga siya, buong tapang niyang sinasabi ang lahat ng gustong sabihin.

"Tinuring niyo akong kasambahay sa bahay na ito, walang problema kasi nakikitira lang ako. Ginawa niyo akong empleyado sa sarili kong cafe, sige tatanggapin ko." Huminga siya ng malalim.

"Ang cafe na 'yon! Hindi ba't para naman talaga sa'kin 'yon? Pinatayo 'yon ni papa para sa'kin pero simula nung nawala siya inangkin niyo!" 

"Ang kapal ng mukha mo! Lumayas ka sa pamamahay ko!"

"How dare you to shout at my mother like that!" Nanlilisik din ang matang sigaw ng pinsan nito.

"Omyghad, ma!" Natigil siya ng mapansing napahawak ang tiyahin sa dibdib. Hindi niya alam ang gagawin at nanatili siyang napako sa kinatatayuan.

"Mama!"

"Palayasin mo ang babaeng iyan! Huwag na huwag mo siyang pabalikin dito! Ayoko siyang makita ulit!" Sigaw ng tiyahin nito habang hinahabaol ang hininga.

"Narinig mo 'di ba? Umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas! Lumayas ka na!"

"Ano pang ginagawa mo rito? Lumayas ka na!"

"Kukunin ko ang gamit ko!" Sigaw niya pabalik.

Nagmadali siyang pumasok sa kwarto at mabilis na inimpake ang mga importanteng gamit. Pagbalik sa sala hinanap niya ang tumalsik na cellphone at ang salamim tsaka tuluyang lumabas sa bahay na iyon. Hindi na niya ulit nilingon iyon at nag deretso na lang siya sa paglalakad.

Dinala siya ng mga paa sa lumang court ng village nila. Pabagsak niyang binitawan ang dalawang malaking bag na dala at pagod na umupo sa maduming bench.

Saan ako pupunta ngayon?

Kinuha niya ang cellphone sa loob ng paper bag na hawak at napahinga na lang ng malalim ng makitang basag basag na ang screen pero kahit papaano laking pasasalamat niya ng makitang nabubuhay pa naman ito at kahit basag ay kitang kita pa ng malinaw ang screen. Napatingin din sita sa salamin. Basag din ito.

Tiningnan niya ang oras. It's 9:40 PM. Inangat niya ang mga binti at dinadala ito sa dibdib at niyakap ang mga ito. Palalim nang palalim ang gabi palamig din ng palamig.

Hindi niya talaga alam ang gagawin. Hindi rin siya makapag isip ng maayos. She's so drained.

Tulala lang siya habang yakap yakap ang sarili. Hindi niya namalayan ang oras ang alam niya lang nilalamok na siya. Kinuha niya ang cellphone at napatulala rito, sa pagkakataong 'to naisip niya si Jiedazer.

When she check the clock. It's 1:20 AM. Pero hindi man lang siya nakaramdam nga antok.

She texted Jiedazer she was about to send hee message pero bigla siyang nilamon ng kahihiya. Nahihiya siyang isipin na si Jiedazer na naman ang lalapitan niya pero agad niya ring naisip na wala siyang ibang pwedeng lapitan kundi si Jiedazer.

Huminga siya ng malalim. It's 1:23 AM when she opened her messenger and chatted Jiedazer. She even tried to call him pero walang nasagot so she just sent a message.

Later on Jiedazer responded.

Ibinalik niya ang cellphone sa loob ng bag ng mabasa ang chat ni Jiedazer na pupunta siya at huwag siyang aalis.

She waited.

Nakapatong ang baba niya sa tuhod habang tahimik na nag hihintay.

"Scylla?"

Nag angat siya ng tingin at hindi niya maintindihan pero gano'n na lang bumuhos ang luha niya ng makita si Jiedazer. Ang panghihina, pagod at sakit ay ngayon niya lang naramdaman.

Hinawakan niya Jiedazer ang siko niya at itinayo ito. Agad na hinubad ni Jiedazer ang suot na jacket at ipinatong ito kay Scylla tsaka niya niyakap si Scylla na humahagulhol sa kaniyang bisig.

Sinuklay ni Jiedazer ang buhok nito gamit ang daliri dahil sa sobrang gulo nito.

"Hindi ako mag nanakaw. Hindi ko magagawa 'yon." She cried in Jiedazer's arm.

"Shh..I know..I know."

"Sorry for calling you this late. W-wala akong ibang malapitan." Sabi nito ng kumalas sa yakap.

"I don't mind kahit akong oras pa, Scylla. Anong oras ka pa anndito?" Kunot noong tanong ni Jiedazer sa kaniya.

"M-mga..9." Mahina niyang sagot.

Mahinang napamura si Jiedazer at huminga ito ng malalim.

"At ala una na. Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?" Hindi maitago ni Jiedazer ang inis sa boses, ang pag aalala sa boses.

"N-nahihiya kasi ako..Pero naisip ko na wala akong ibang pwedeng lapitan kundi ikaw." Sagot nito.

"Sinabi ko naman sa'yo na lumapit ka lang sa'kin. I don't mind, mas pabor sa'kin 'yon. Ilang oras kang nag tiis dito? Sana maaga pa lang pagtungtong mo rito tumawag o nag text ka na." Jiedazer's voice was so pissed.

"Sorry.." Mahinang sabi ni Scylla dahilan ng paglambot ng expression ni Jiedazer. Nagkatinginan sila dahilan para mapansin ni Jiedazer na wala itong salamin at namumula at pisgi nito. Hindi na niya iyon tinanong at hinila na lang si Scylla para muli itong yakapin.

"I'm here okay." Bulong ni Jiedazer dito.

"Sasama ka sa'kin, doon ka sa condo ko at hindi ko kailangan ang pagtanggi mo." Pinal na sabi ni Jiedazer.

Wala na siyang paki kung iyon pa ang nakataya sa deal na iyon. Mas nangingibabaw ang pag aalala niya kay Scylla sa mga oras na ito at hanggang kaya niyang makatulong kay Scylla ay iyon ang gagawin niya.

Tumango si Scylla. "Hindi naman talaga ako tatanggi kasi wala akong ibang mapupuntahan."

ROSEY

END the GAME (Game #1)Where stories live. Discover now