Itinakip ni Scylla ang librong hawak sa mukha ng maramdaman ang pag upo ng lalaki sa tabi niya. Unti niyang ibinaba ang libro para makita si Jiedazer na may inaayos sa bag at nang humarap ito sa kaniya muli niyang itinakip ang libro sa mukha.
Namula ang pisgi niya ng marinig ang mahinang pag tawa ng lalaki. Kapag naaalala niya ang nangyari kagabi nahihiya talaga siya.
It's her first kiss kaya gano'n na lang ang nararamdaman niyang hiya tapos parang inaasar pa siya ng lalaki dahil hindi siya maruning humalik. She's just so thankful dahil hindi na lumalim pa ang halik na iyon at hindi napunta sa kung saan. Hindi na rin nila napagusapan ang huling sinabi ni Jie bago siya nito halikan and for now It's better that way that's what she thought.
"Don't hide your face, Scy," Bulong ng lalaki sa kaniya. Nang agawin ni Jiedazer ang libro ay wala siyang nagawa kundi ibaba iyon.
Ngumiti ang lalaki at inayos ang mga hibla ng buhok na nagkalat sa kaniyang mukha.
"S-sorry hindi ko na nasabing nauna ako. Naiinis kasi ako sa 'yo." Pag amin niya. Nakangiting tumango naman si Jiedazer.
"Hindi kita tinatawanan okay, h'wag mo akong taguan." Sabi ng lalaki at mahinang natawa, sinamaan naman siya nito ng tingin dahilan para tumigil ito.
Tapos na ang final exam nila at tanging pag papairma na lang ng clearance ang kailangan nilang gawin kaya kahit wala ng pasok ay may iilan pa ring mga studyante na nagkalat sa school.
"So," Nagulat siya ng pagharap niya rito ay sobrang lapit ng mukha niya. Tumingin pa si Jiedazer sa paligid animo'y tinitingnan kung may tao, gano'n din tuloy ang ginawa niya at nakagat niya ang pang ibabang labi ng makitang sila lang ang tao sa library.
"Gusto mo ba dito kita turuan ng kiss?" Mapang asar na tanong sa kaniya ng lalaki.
Mas nanlaki ang mata niya at agad na pinasada ang palad sa kaniyang mukha. Tatawa tawa naman si Jiedazer.
"Kidding," Sabi nito.
"Jie naman umayos ka." She sounds like sulking kaya mas napangiti si Jiedazer.
"Nakapag papirma ka na ba?" Tanong nito maya-maya.
Umiling si Scylla habang may sinasagutan.
"May tinatapos lang ako tapos isasabay ko na sa clearance." Sagot niya at bumalik sa ginagawa.
"Ikaw ba tapos na lahat? mag papairma ka na lang ba?" Tanong ni Scylla.
"Yes, hintayin na lang kita para sabay na tayo." Sandaling nag angat ng tingin sa kaniya si Scylala at tumango bagk bumalik agad sa ginagawa.
Nakatingin lang si Jiedazer sa kaniya habang abala ito sa pag susulat. He can't help but stare at Scylla, she's not wearing a big glasses anymore dahil ansanay ito sa contact lense, pero pqra naman sa kaniya ay kahit anong gamitin ng babae ay bagay sa kaniya, may brace pa rin ito at gano'n pa rin ang madalas na ayos ng kaniyang buhok-naka bun. Simplemg simple lang ang itsura niya pero para kay Jiedazer siya ang pinaka magandang babae.
"Why are you smiling? Pinag tatawanann mo na naman ba ako?" Hindi niya napansin na nakatingin pala ang babae sa kaniya at nakita itong nakangiti. Mabilis na umiling si Jiedazer para depensahan ang sarili.
"Hindi, may iniisip lang." Sagot nito.
"Ano naman?"
"Ang ganda ganda mo."
Natigilan si Scylla sa ginagawa at napatitig kay Jiedazer, naramdaman niya ang pamumula ng pisgi ng makipag labanan naman ng titig ang lalaki sa kaniya kaya ang ending siya rin ang nag iwas ng tingin. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, hindi naman ito amg unang beses na sinabihan siya ng gano'n ng lalaki pero hindi talaga siya sanay makatanggap ng gano'n kaya naman nag iwas na lang siya ng tingin at ipinag patuloy ang ginagawa.
Palibhasa tapos na si Jiedazer at talagang pag papairma na lang ang gagawin ay wala siyang ibang ginawa kundi pagmasdan lang ang seryosong mukha ng babae.
"Naisip ko na kung anong program ang kukuhanin ko sa college." Nag angat ng tingin si Scylala kay Jiedazer pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.
"Anong naisip mo?"
"HRDM, it caught my attention." Maikli niyang sagot.
Pinag isipan niya iyon simula rin ng mapag usapan nila ni Jiedazer ang tungkol sa pag co-college.
"Good for you, mabuti napag isipan mo na."
"Ikaw ba may naisip na?" Tanong niya kay Jiedazer.
"Engineering," Nag kibit balikat ito.
I think I fit in it. Iyon ang nasa isip niya ng mapag desisyunan kung ano ang kukunin niya para sa college.
ROSEY

YOU ARE READING
END the GAME (Game #1)
Teen FictionETG | epistolary with narration. Game # 1: Jiedazer The player Jiedazer Varano dared by his friends to play with Scylla Sarmiento, the jejemon girl with big glasses who's hiding behind the books and the one who chatted him on messenger, he doesn't...