抖阴社区

                                    

Parang batang hindi nabigyan ng candy na ibinaba ni Jiedazer ang nakataas na braso ng hindi mag tagumpay na yakapin ang babae, he was pouting.

"Alam mo bang delikado? Paano kung maaksidente ka?" Dagdag niya.

"Ivann drove me here." Sagot ni Jiedazer na nakapag patahimik sa kaniya.

Ahh. Okay.

"Psh. Lasing ka, I'll make you coffee para mahimasmasan ka, okay?"

"No. No. Hindi na ako lasing. I'm sober, promise, promise."  Sabi ni Jiedazer at itinaas pa ang kanang kamay, animo'y nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. Hinwakan niya rin ang palapulsuhan ni Scylla kaya hindi ito naka-alis sa pwesto.

"Niloloko mo ba ako? Nakahiga ka na nga kanian r'yan sa sahig kasi lasing ka 'di ba?" Taas kilay na sabi nito.

"Hindi ako lasing. Promise." Jiedazer nodded twice habang nakataas pa rin ang kanang kamay.

"La, hindi na ako iinom ulit, h'wag ka lang umalis. Stay here beside me." He begged ang held Scylla's pulse tightly.

"O-okay. Bitaw na."

Para mapigilan ang pag alis ni Scylla lumapit si Jiedazer dito at hinawakan ang pulso kaya ito siya ngayon, hindi mapakali sa lapit nila sa isa't isa.

Jiedazer let go of Scylla's hand and opened his arms and pouted. Tumaas ang kilay ni Scylla, nagtatanong kung para saan iyon kahit alam niya naman ang gustong mangyari ng lalaki.

"Please. I missed you."

"Hug please. Can we?"

"Laa. Do I need to shower fist?"

Napangiti na lang si Scylla dahil sa pangungulit nito na yumakap sa kaniya.

"You're not drunk?" She asked, smiling.

"Yes. Can we hug?" Jiedazer asked like a child

Scylla smiled and nodded.

"Okay. It's fine with me."

And with that mas lumapit si Jiedazer sa kaniya at yumakap sa bewang nito. Jiedazer buried his face on Scylla's neck and hug Scylla tighther.

Napangiti si Scylla at hinaplos ang buhok nito. Binalot sila ng katahimikan, yakap yakap lang siya ni Jiedazer habang hinahanaplos naman nito ang buhok ni Jiedazer.

Nasanay na siya kay Jiedazer dahil kahit hindi lasing lagi naman itong nanghihingi ng yakap sa kaniya.

He's drunk, really. Scylla thinks.

"Amoy alak ba ako? Sorry." Jiedazer broke the silence.

"It's fine."

"I'm sorry." Jiedazer said sorry again, nanatili itong mahigpit na nakayakap kay Scylla.

"Sorry saan?" She asked.

"For being jerk. For how I treated you back then, nung nag sisimula pa lang akong lumapit sa'yo. I'm sorry." Jiedazer answered and hugged Scylla more.

Kumunot ang noo ni Scylla. Wala siyang idea sa sinasabi ni Jiedazer. Naguluhan siya kung bakit bigla itong sinabi ng lalaki.

"What are you talking about? Ikaw nga lang ang trumato sa akin ng tama kahit nung una tinutulak kita palayo."

Nag angat ng tingin si Jiedazer at deretsong tiningnan sa mata ang kayakap habang nananatili ang nakapulupot nitong braso sa bewang ng babae.

"Talaga?"

"Yeah." She answered shortly and nodded slowlh.

"Gustong gusto talaga kita, Scylla." Jiedazer said as he looks directly in Scylla's eyes. His eyes was full of sincerity.

Natigilan si Scylla at matagal na napatitig sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso niya na parang may drum na tinatambol sa loob ng kaniyang dibdib habang deretso ring nakatingin kay Jiedazer. Her face heated up.

"Scylla, Gusto kita, naniniwala ka naman sa'kin 'di ba?" Ulit ni Jiedazer dahilan para mas dumoble ang kabang nararamdaman niya

"Scylla, naniniwala ka ba sa'kin?"

"Y-yes. Naniniwala ako." Sagot niya ng maka-recover kahit hindi pa rin naglalaho ang bayolenteng pagwawala ng kaniyang puso. Pero hindi lang naman basta sagot iyon para tumigil katatanong ang lalaki, alam niya naman na totoo ang sinabi ni Jiedazer kasi nararamdaman niya iyon.

"Gusto mo rin ba ako?" Jiedazer asked.

Natigilan siya at mas dumoble ang kabang nararamdaman. Alam niyang may inom si Jiedazer at hanggat maaari ayaw niyang mag bitaw ng salita dahil baka pagdating ng umaga, hindi rin ito maalala ng lalaki.

"Tsaka na natin pag usapan ang tungkol dito kapag hindi ka na lasing." She said.

"Hindi ako lasing." Parang batang sagot ni Jiedazer. Scylla chuckled, humiwalay sa pagkakayakap kay Jiedazer at pinisil ang pisngi nito.

"Tsaka na kapag hindi ka na lasing." Ulit niya.

"Okay." Mabilis na sagot ni Jiedazer at muling yumakap kay Scylla.

"Cuddle." Jiedazer whispered.

"Antok ka na ba? Lipat ka na kwarto. Can you walk?" Scylla asked softly as she stroked Jiedazer's hair.

"No. Cuddle nga, eh. Ayoko lipat kwarto, Iiwan mo lang ako mag isa, eh." He said and Scylla chuckled.

"Ang bango bango mo." Bulong ni Jiedazer sa kaniya habang nakabaon ang mukha nito sa kaniyang leeg dahilan para makaramdam siya ng maliit na kiliti.

"Nag shower ako kanina." She chuckled.

"Hmm." Jiedazer nodded.

Hindi sobrang malaki ang sofa kung saan sila nakahiga kaya bahagyang nakaibabaw sa kaniya ang kalhati ng katawan ng lalaki para lang mag kasya sila.

Scylla continued to caress Jiedazer's hair. Tahimik na ang buong unit kaya nag baba siya ng tingin kay Jiedazer. Napangiti siya ng makitang nakapikit na ito habang mahigpit pa rin na nakayakap sa kaniya.

"Kung alam mo lang ang epekto mo sa'kin. Being with you I feel safe and comfort, paano mo nagagawa 'yan?" She giggled. "Ikaw lang ang nakapag paramdam sa'kin ng ganito. Naintindihan mo ako kahit ako mismo hindi ko maintindihan sarili ko." She whispered.

"And to answer your question, oo, I like you, too. Sinong hindi mahuhulog sa'yo? You're everthing to me, Jiedazer." She added in sincerity.

Naramdaman niya ang pag higpit pa lalo ng yakap ni Jiedazer kaya mas lumapad ang pag ngiti niya but little did she know, Jiedazer is awake. He heard everthing Scylla says.

END the GAME (Game #1)Where stories live. Discover now