EPILOGUE
R-18.
"Lincoln."
Mahina kong pagsabi sa kaniyang pangalan. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.
Gulo ang buhok nito at muntikan ko pa hindi makilala dahil sa makapal na salamin na suot niya. Halatang kulang din ito sa tulog dahil sumingkit ang kaniyang mata.
Iniisip ko tuloy kung nakakain na siya o nakapagpahinga na.
Kahapon ay iniwan lang niya ako sa restaurant e.
"Ikaw ang naglalagay ng lunchbox sa locker ko? Saan mo nakuha yung susi?"malamig na talima nito pero mistulang naputulan ako ng dila.
Galit na galit siguro siya sa akin.
Magkapareho lang kase kami ng lock ng locker eh, at mukhang wala silang kaalam-alam na pare-pareho ang mga susi ng locker. Number lang ang pinagkaiba.
"Iwan mo na lang yan diyan, pero kung ako sayo dalhin mo na yan. Hindi ko naman din kakainin."dagdag pa nito.
Hindi ka nasasaktan Bea. Matipid akong ngumiti habang minamasdan ang likod niyang papalayo sa akin.
Napa baba ang tingin ko sa dala kong lunch na para sa kaniya.
Ilang araw na lang naman, Bea kapag hindi ka pa rin niya pinansin hahayaan na natin siya.
Tatlong araw na lang maging marupok ka naman Lincoln hmp.
Iniwan ko na sa locker niya ang lunchbox na may note na, "Pahinga ka rin! Sana magustuhan mo!"
—
Ngayon ay lunch na at mag-isa akong kumakain ngayon dito sa cafeteria dahil may gagawin daw yung dalawa na importante kaya hindi makakasabay sa akin.
Kinuha ko ang text book na aking binabasa sa biology. Ang binili ko lang ngayon hapunan ay isang steak at potato chips. Ngumunguya ako ng karne habang nagbabasa.
"Lincoln, why don't you eat what's in your locker? Who gave it to you? Such a lovely Girlfriend."
Naagaw ng aking atensyon ang ingay na iyon. Hindi kalayuan ay mula sa akin, dalawang mesa lang ang pagitan kung saan nanggaling yun.
Nag-iwas ako ng tingin na magtama ang mata namin. Napa nguso ako dahil ibang-iba ang mukha niya, hindi tulad no'n nasa Philippines pa siya. Ngayon ay mulha na siyang nerd, mas nerd pa sakin.
Palihim kong sinulyapan siya roon at hindi ko napigilan ang sarili na bumulong.
"Anong ginagawa ng babaeng yan dyan?"
Katabi kase ito ni Lincoln at yung kasama naman ni Ria ay nasa tabi lang niya. Naningkit ang mata ko at hindi inalis ang mata roon.
Pinandilatan naman ako ng mata ng isang kasama niyang lalaki at kahit ako ay hindi makapaniwala kung sino iyon. Mabilis akong umalis sa pagka kaupo at inilagay sa bag ang textbook tsaka sinabit ito sa balikat ko. Dinala ko rin ang tray na may lamang pagkain ko.
Kagat labi akong naglakad ng parang walang nangyari ngunit napa hinto ako sa narinig kong boses ng lalaki.
"Hey! Miss! Stop walking!"
Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at matipid na ngumiti sa kaniya.
Naningkit ang mga mata nito, "You, you're the one who broke my glass, right? Room E1, name Bea."
Dahan-dahan kong tinaas-baba ang aking ulo at ngumiti ito sa akin.
"You said you would change it. 20/200 vision. I want you to make my old glasses."

BINABASA MO ANG
Chasing That Bully
Teen Fiction#Bully Series #2 / Complete# "You want me to leave, so I did it." "And now Chasing me, cause you regret it." This is a story that causes many to give up, hope and hurt. For the reason that we want that person to be happy, we will do everything for h...