Buhat nang masaksihan ni Lucille na nakikipaghalikan si Zareb ay iniwasan na niya ito. Nagtataka ang kaibigan dahil hindi na ito nagtatanong ng tungkol sa kapatid. Dinedma lang niya iyon. Ang sabi niya ay lumipas na daw ang crush niya rito at mayroon na daw siyang bagong crush.
Para namang nang-aasar ang pagkakataon dahil habang pinipilit nitong iwasan si Zareb ay lagi naman itong parang kabuti na sumusulpot kahit saan. Gaya ng araw na iyon. Nasa bahay nila ito.Alam niyang katu-katulong ng ama ito sa kanilang shop pero nagulat pa rin siyang makita ito sa kanila.
"Tawagin mo na si Zareb, Lucille at nang makakain na. Dito na siya mananghalian kamo. Narito na lang din naman siya," ang kanyang ina na naghahain sa kusina.
Nasa may sala siya at kasalukuyang naglalaro ng ML. Hindi niya maihinto ang paglalaro dahil kung gagawin niya iyon ay malilintikan siya. Ayaw niyang makantiyawan ng mga kasama sa paglalaro ng online game na iyon. Gayunpaman ay tumalima siya habang nasa mga kamay ang cellphone at umaatake sa laro.
Nagulat pa siya nang bumangga siya sa matigas na bagay. Tumilapon ang hawak na cellphone.
"Cellphone kasi ang hawak. Hindi tumitingin sa dinadaanan," narinig niyang wika ng nakabangga sa kanya.
Nahilo ata si Lucille at napahawak siya sa braso nito. Pero lalo siyang naliyo ng malanghap ang natural na body scent ng may-ari niyon. Humalo ang sariling amoy ng katawan sa amoy damit panlabang ginamit sa suot niyon. Mariing napapikit si Lucille.
"Are you okay, honey?" nag-aalalang bulong nito sa kanya.
Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang dalagita nang makilala ito. Itinulak niya ito.
"Pinatatawag ka ni Mama. Kakain na daw."
Hindi na niya inantay na makasagot ang lalaki. Pinulot ang tumilapon na cellphone at pinunasan ng laylayan ng t-shirts niya ang screen niyon. Hindi niya napansin na sa ginawa niya ay lumitaw ang tiyan niya. Napalunok ang kaharap na binatilyo.
Tumalikod na si Lucille dito.
Habang kumakain ay palihim na sinusulyapan ni Lucille ang kaharap na lalaki. Tipid siyang sumusubo ng pagkaing nasa kanyang plato. Mas pinakikiramdaman ang mga kilos ni Zareb.
Halos sa kanila na magtira si Zareb. Pagkagaling sa eskwela ay sa kanila na ito tumutuloy at madalas ay hatinggabi na rin ito mung umuwi sa kanila.
Nahinto sa tangkang pagsubo ang binatilyo. Naramdaman atang pinagmamasdan niya. Nilingon siya at nginitian.
Oh my! Parang nag sommersault ang kanyang puso. Bakit nga ay nakamamatay ang ngiting ibinigay sa kanya ni Zareb. Para niyang gustong matunaw sa titig nito sa kanya.
Hmp. May Xyrene ka na.
Napakurap si Lucille nang kindatan pa siya ng binatilyo na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
"Mama, darating ang mga kagrupo ko dito sa atin mamaya. May tatapusin ho kaming school project."
"Mabuti at dito niyo naisipang mag meet-up. Hindi kung saan saan kayo nagpupupunta. Delikado na ang panahon ngayon. Mga teenager pa naman kayo."
"Si Mama, hindi na matanggal ang panenermon kahit kailan."
"Siya. Sige. Papasukin mo na lang sila Lucille kung dumating sila," sabad ng kanyang ama na siyang laging namamagiyan sa lagi na'y diskusyon nilang mag-ina.
Nang dumating ang mga classmates ni Lucille ay niyaya niya ang mga ito sa may garden. Ayon sa mga ito ay magandang gawing background sa video ang nagtataasang bonsai bougainvilleas ng kanyang Mama sa garden. Nang papasukin niya ang mga ito at madaanan si Zareb sa may talyer ay madilim ang mukha nito na nakatitig sa nakahawak niyang kamay sa braso ni Jayden. Hindi niya pinansin ang binatilyo.

BINABASA MO ANG
And I Love You Still
RomanceMusmos pa lamang ay may crush na si Lucille Blair sa kapatid ng kababatang si Avery. Ngunit kahit ano'ng pagpapapansin ang gawin niya ay nananatiling walang katugon ang damdamin niya para rito. Ang supladong binatilyo sa halip ay sa editor-in-chief...