"si jonathan?" lumabas si jackson ng silid para kumuha ng maiinom - sinilip niya si jun na kasalukuyang bantay at nakaantabay sa bahay nila jiro.
-
"nasa kwarto na niya - maaga daw siya matutulog kasi magpapalitan naman kami mamayang alas tres, bakit gising ka pa?"
-
"may mga tinatapos lang na report sa laptop ko - mamaya makikipag palitan din ako sa inyo" ani ni jackson tapos uminom ng tubig mula sa baso "ohsiya mauna na ako sa kwarto, katok ka lang kapag may kailangan ka" paalam nito.
-
lumakad papunta sa silid niya akmang isasara ang pinto ng pigilin ito ni jun gamit ang kamay niya "oh jun, may kailangan ka ba?" hindi sumagot si jun, bagkus ay pumasok din ito sa silid at siya na ang nag sara ng pinto.
-
"jun anong ginagawa mo, kailangan natin bantayan si jiro doon"
-
"mukha naman tulog na sila, tsaka sarado na ang mga ilaw"
-
"kahit pa, kung may kakaluskos or may kaguluhan sa loob sigurado namang maririnig mo"
-
"mabilis lang 'to jackson, di mo ba namimiss?"
-
"tarantado, katatapos lang natin nung nakaraang gabi ah"
-
"lamig kasi sa labas eh, kung ano ano naiisip ko - naaalala ko pa yung sa tabi ng bangka"
-
natawa naman si jackson at napayuko nalang habang nakangiti "kaya naglilibog ka? madami pang oras para diyan jun sige na bumalik ka na doon sa pwesto mo"
-
"pwede naman ako mag bantay mula dito sa bintana mo ah, ayan oh kitang kita din naman bahay nila jiro"
-
"pero mas maririnig mo doon sa labas, kaya sige na doon ka na"
-
dismayado naman si jun "ayaw mo talaga?"
-
"jun sige na, pagbalik sa maynila at nasigurado na nating ligtas si jiro - kahit araw araw pa mag sawa ka"
-
akmang lalabas na ng silid ni jackson ang nakanguso at dismayadong si jun ng biglang may kumatok sa pinto, nataranta yung dalawa at hindi alam kung anong gagawin "si jonathan yan, anong gagawin natin jackson?" tarantang bulong ni jun.
-
"sabi naman kasi sayo eh - doon ka sa likod ng pinto magtago, wag kang gagalaw kahit anong mangyari" bulong din ni jackson.
-
maya maya binuksan na ni jackson ang pinto - diretsong iniangkla ang kamay sa frame nito.
-
"oy jonathan, gising ka pa pala - may kailangan ka?"
-
"wala naman, may ginagawa ka kuya?"
-
"may tinatapos lang na paperworks sa laptop why?" ani ni jackson, nakita din naman ni jonathan ang laptop sa lamesa ng kapatid.

YOU ARE READING
Not So Innocent
Teen Fictionsa kabila ng murang edad at inosenteng imahe, paano lalaruin ni jiro ang mundo sa piling ng tatlong binatilyo?