"Yakira Eloise!"
What a morning. It's saturday, pero hindi pa rin ako nakakatakas sa mga school activities ko. May meeting kami, at mag de-design kami sa stage kasi intrams na next week. Si Ate Gel nag chat sa group chat ng SSG, ang call time namin 7:30, so no choice kailangan kong pumunta, secretary ako, at alam nila na magaling rin ako sa handicrafts and designing. May training rin kami sa journalism, pero na excuse na 'ko since mas need ako ng SSG ngayon, mag do-double na lang raw ako ng oras sa next na training.
"Yakira! Kanina pa tumutunog yung alarm mo!" Hindi na natiis ni Mommy at pumasok na sa kwarto ko, "Tumayo kana dyan, anak. It's already six in the morning, akala ko bang 7:30 ang meeting n'yo?" Sabi n'ya habang inaalog-alog ako.
Huminga ako ng malalim at tumayo, "Ayoko na." I whispered, medyo lutang-lutang pa 'ko.
Mommy sigh, "Tumayo kana at mag breakfast. Aalis na 'ko at pupunta ng office, si Blaire kumakain rin sa baba, si Daddy naman kanina pa umalis." Hindi pa tinatanggap ng utak ko ang sinasabi ni Mommy. Wala kasi akong sapat na tulog.
"Maliligo lang po ako." Sabi ko at tuluyan na ngang tumayo, yinakap ako ni Mommy at nag paalam na.
After kong maligo sinuot ko ang polo shirt namin sa SSG at nag black trousers. Naka sulat sa gilid ng t-shirt ang pangalan ko at sa likod naman ang name ng school at ang position ko sa SSG, sinuot ko na rin ang ID ko. Iba ang lace namin since SSG officers kami, kulay green ang amin at may SSG logo sa mismomg lace. Nag make up lang rin ako ng konti at nag pabango, bago bumaba.
Pagkababa ko, nakita ko agad si Blaire kasama si Jov, sinusubuan pa ni Jov ng pagkain si Blaire. Noong napansin ni Jov ang presensya ko ay ngumiti s'ya sa 'kin, bumaba agad ako at umupo sa tabi ni Blaire.
"Good morning, ate." She greeted, smiling. Puno pa ng ketchup ang bibig n'ya.
"Good morning, you messy eater." Sabi ko at pinunasan ng tissue ang labi n'ya.
"Nanggaling pa talaga sa'yo." Asar ni Jov, sinamaan ko na lang sya ng tingin at patuloy pa ring pinunasan ang labi ni Blaire.
"Ate, you and kuya Jov aren't really together?" She asked with her small voice.
"Blaire Aphrodite! where did you learn those kind of questions?" I asked, surprised. Saan n'ya kaya napupulot 'tong mga 'to.
Tumawa si Jov, "Your Ate is scared." He said, napakunot naman ako ng noo. Ano na namang pinuputak nito.
"Why is she scared?" She asked innocently.
"Basta she's scared," Sabi ni Jov, "Finish your food." Utos n'ya kay Blaire at agad namang sinunod ni Blaire ito.
"Kain kana." Sabi ni Jov sa 'kin.
Sinamaan ko s'ya ng tingin, "Ano na namang sinasabi mo kay Blaire?" Sabi ko, habang kumukuhang kanin.
He chuckled, "Wala, ayoko namang sabihing takot ka sa commitment." Sabi n'ya, agad kong binaba ang lalagyanan ng kanin at tinapik s'ya ng malakas.
He's laughing while holding his arm , "Hayop ka." Sabi ko sa kanya at kumuha ng hatdog.
Linagyan n'ya ng ketchup ang plato ko, "Dalian mo na at baka malate pa tayo." Sabi n'ya, tinignan ko s'ya habang naka kunot ang noo ko.
"Tayo?" Tanong ko.
"Oo, tayo."
"Huh?" Mag me-meeting s'ya?
"Kasama ako sa mag de-design." He said, cutting the hatdog in my plate.
"Anong oras na ba?" I asked, and ate my food.
"6:45." Sagot n'ya habang naka tingin sa relo n'ya, "Take your time." Sabi n'ya at ngumiti.

YOU ARE READING
Windfall
RomanceA cold breeze of wind collided two beautiful souls, who's been given an unexpected windfall. Eloise Martinez, the sovereign of diligence, kindness, and divine, a vigorous person. Neriah Lopez, a man of his words, giving up is not part of his choice...