“Malapit na ang semestral break, ah. Any plans?” tanong ni Anikka habang kumakain kami sa isang café na madalas naming puntahan dahil nasa tapat lang ng hospital at madaling lakarin tuwing break time sa duty.
I shrugged and sliced the quarter-pound beef steak on my plate. “Abroad maybe. We’re planning to have a vacation in Maldives.”
“Oh, I’ve never been there! Sanay ay doon na lang din kami dahil bukod sa maganda ang mga beaches, may possiblity pa na makita kita.”
“Hindi ka pa ba nagsasawa sa itsura ko? Halos araw-araw mo na akong nakikita.”
She laughed like there weren't any other people in the café. She’s really loud. Damn it!
We kept eating, and I was halfway through my food when she paused and looked at me, as if she was thinking about something. “Nabalitaan mo iyong nangyari kanina sa ward? Minsan ka nang napa-duty sa room 204, hindi ba?”
Napahinto ako sa kinakain ko at muling bumalik sa akin ang pangyayari kanina sa hospital. Unang beses namin iyong na-encounter at nangyari pa kung kailan malapit nang mag break time. I often had a round in that specific room at masasabi kong medyo malakas pa ang pasyenteng naroon. Hanggang kanina, bigla na lamang daw itong naging unresponsive, dahil nga medyo may edad na rin, kaagad nag deklara ng code blue. Halos mataranta kami pero alam naman naming mas mabuting huwag nang makialam sa ganoong sitwasyon, lalo pa at kumpleto na naman ang mga kailangang rumesponde. Mas mainam na gawin ay ang huwag pakalat-kalat sa daan para mabilis makakilos ang mga doctor na papasok sa room na iyon.
“I took his vital signs and blood pressure last week when I was doing rounds. Madalas din akong naa-assign doon,” I responded. “Do you think he’s okay now?”
I hope he is. Hindi na kasi namin nalaman kung anong kasunod na nangyari nang mag anunsyo ang clinical instructor namin na mag lunch break na muna kami para maaga kaming makabalik mamaya.
She smiled sadly and slowly shook his head. With her initial reaction, I already knew the answer to my question. “He didn’t make it. Bumalik ako kanina para kunin ang naiwan kong tumbler nang mapadaan ako ulit sa room na iyon. I saw people crying outside his room…”
H-He really died? No way.
“Alam kong malapit ka na sa pasyenteng iyon dahil sa pagkakaalam ko, ikaw lang ng nag-iisang student nurse na paborito ng pasyenteng iyon. Nagreklamo nga sa akin si Rowan noong nakaraan nang matapat siya roon, ikaw daw ang hinahanap,” she said as if she were comforting me.As far as I know, his vital signs were okay. His blood pressure was normal as of last week. I even saw his laboratory test results, and I didn’t see anything that may have caused his sudden death. Was that a cardiac arrest?
Napainom ako ng tubig at pinigilan ang sariling maging emosyonal. Alam kong dapat ay masanay na ako sa ganitong scenarios pero hindi ko lang tuluyang matanggap dahil napalapit na rin ako sa pasyenteng iyon. He’s a jolly person. Madalas ko siyang nakakabiruan sa tuwing nagagawi ako sa ward niya. Naalala ko tuloy bigla ang seryosong pag-uusap namin noong nakaraang linggo habang kinukuhaan ko siya ng blood pressure.“Alam mo ba, hindi ako makatulog sa gabi.”
Napalingon ako kaagad sa kaniya at gulat na binaba ang sphygmomanometer sa dala kong hospital tray. “Bakit po? May masakit po ba?”
“Wala naman. Iniisip ko lang palagi kung anong mangyayari sa pamilyang iiwan ko kung sakaling hindi na ako makauwi sa bahay nang humihinga.”

BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars