ZYRE REYNA
"WAIT LANG HA, hindi ko ma-process," kaharap ko ngayon sina Kaye at Avrylle. May sinabi siya tungkol sa akin.
Sinabi raw si Apo sa kaniya na hindi ma activated 'yung powers ko, and the only way to activate it--- is to go to the Tree of Life. Kaya pupunta raw kami ngayon kasi we're running out of time. My ghads!
"Okay. Pero 'di ba sabi niyo na 'di niyo alam kung nasaan 'yun? So anong gagawin natin?" Nagtatakang tanong ko.
"May kasama tayo, and she's here na," sagot naman ni Avrylle.
Ha? Saan?
Tumingin ako sa paligid bago ko nang kinakabahang tingin. Napalunok ako.
"M-may nakikita ba kayong h-hindi ko nakikita?" Nauutal kong sabi.
Nagkatingin sina Kaye at Avrylle bago humagalpak ng tawa. Nawala ang kaba ko at napalitan ng inis.
"Nandito siya Xyle, kaso nga lang super liit niya," natatawang sambit ni Kaye.
"Tumingin ka sa tabi mo," singit pa ni Avrylle.
At ganoon nga ang ginawa ko at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang isang napakaliit na babaeng may pakpak na ang lapit-lapit lang sa mukha ko kanina. Kanina noong hindi pa ako nakalayo rito.
Tiningnan ko ang kambal na nakangiti. Bumalik ulit ang tingin ko sa mini creature na iyon. Lumapit ako sa kanya at sinuri-suri ang kanyang itsura.
Ang cute niya sa totoo lang.
"Hi po," sabi niya habang kumakaway-kaway sa akin. Ang liit ng tinig niya.
"Hello rin, ang cute mo naman," Sabi ko.
"Thank you po. Ako nga po pala si Lymphia at isa po akong Millan," nakangiting sambit niya.
Millan? Ah, 'yung mini Azssyrheans.
Nabalik ang atensiyon ko sa kambal nang may tumikhim.
"So, ano, ready ka na?" Tanong ni Avrylle. Nakita ko rin si Kaye na parang hinihintay ang sagot ko.
"Of course, pero hindi ba tayo magdadala ng snacks?" Tanong ko.
"Andito na Zyre," sagot naman ni Kaye at ipinakita sa akin ang maliit na supot.
"Kasya ba 'yan?" Tanong ko ulit.
Eh ang liit naman kasi ng supot, baka nakalimutan mo Kaye na palakain ako.
"Yep, actually Lymphia used her magic to minimize the size of our food, atsaka babalik din naman 'to sa dating size if we want to," Saad niya. Tumango ako at nagtungo na kami sa may portal.
NARITO NA KAMI SA HARAPAN ng portal.
Hindi pa binubuksan ni Kaye ang portal kasi hinihintay pa raw niya ang elders.Maya-maya ay dumating na ang mga ito.
"Are you ready to go to the Tree of Life Zyre?" Tanong ng isa sa kanila. Siya si Elder Yuhan sa aking pagkakatanda.
"Opo, always ready po, hehe," nakangiti kong tugon.
"Okay, let's begin," sabi naman ni Apo.
Itinaas ng mga elders ang kanilang kamay. May mga binigkas silang salita na hindi ko maintindihan. Isa lang ang alam ko, at 'yun ang bigyan kami ng basbas para sa aming paglalakbay.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na nga kami at tumawid na sa portal.
NAKARAMDAM AKO ng kaba ng ilibot ko ang aking tingin sa paligid.

YOU ARE READING
Azssyrhea
FantasyKasama ni Zyre ang kanyang matalik na kaibigan, ngunit sa isang iglap, nawala ito. Lumipas ang mga araw nang walang balita o bakas ng kaibigan niya kaya't napilitan siyang pumunta sa bahay nito. Ngunit ang kanyang madidiskubre roon ay isang mistery...