抖阴社区

Waige POV (Part 2)

56.7K 1.2K 892
                                    

"Aw.."

Bulong ko sa sarili ko ng napuwing ako dahilan para lumuha ang mata ko habang nakatayo dito sa may tulay. Wala naman akong balak kitilin buhay ko, nahulog lang ang kwintas na bigay sakin ni Bea kaya ko binabalak tumalon at kunin yun.

"Tatalon ka?" tanong ng kung sino.

Napalingon ako sa direksyon niya ng makita ko kung sino yun.

Pilit kong pinigilan ang sarili ko na mapangiti, shit ito ang unang beses na makita ko siya ng ganito kalapit tapos kinakausap niya pa ako. Kalma Waige...kalma.

"Alam mo, maraming tao ang nag mamakaawa para buhayin sila." she needled, as I could see her body covered with blood.

Sino na naman kaya ang pumikon dito, para humantong sa ganito?

"Kung ganito rin naman nang buhay, mas gusto ko na lang mamatay." sgot ko, sinakyan ko na lang ang ideya sa utak niya para hindi naman siya mag hinala kung bakit ako nandito.

"Gusto mo itulak kita?" Tanong galing sa kanya, dahilan para mapahinto ako.

"Yes." malamig na sagot ko, kahit na parang nag wawala na yung puso ko,

Fuck, yes! Yes my baby! Itulak mo ako kung gusto mo, wala akong pakialam basta ikaw!

Pero syempre, hindi ko sinabi yun. Kusa akong tumalon sa tulay na kinatatayuan ko, gusto ko pa sana mag paawa sa kanya kasi uhaw ako sa atensyon niya kaso baka mawala na ng tuluyan ang kwintas ko.

Parang bigla namang nanikip ang dibdib ko ng makita kong tumalon kasunod ko si Hera. I didn't throw any reaction for what she did, I know that she can swim.

Oh my God...she doesn't want me to die, as she jumped after me! Kinikilig ako!

-----------------------------------

"Your sister is fine," I reported to his brother.

Hindi ko alam kung saan iuuwi si Hera ng bigla siyang mawalan ng malay kagabi, buti na lang ay naaalala kong may residential house ako na pwedeng kong tuluyan,

[Take care of her, you know what she's going through.] paalala sa akin ni Cloud.

We also discussed something about the plan before hanging up the call.

Kukuha muna sana ako ng tubig, para gisingin ang sarili ko. Even though I wanted to sleep beside Hera, I didn't do that. I still respect her, I won't do anything to her, not unless she wants me too.

Napangiwi ako ng makita ko kung gaano ka kalat itong lugar, pag iling na lang ang ginawa ko at kukunin na sana ang walis para mag linis ng bigla kong marinig na sumigaw si Hera.

Sa sobrang pag alala ko ay natapilok pa ako bigla bago pumasok sa kwarto kung nasaan siya.

Ang kabang naramdaman ko ay napalitan ng pangunngunot ng noo ng makita kong dahil yun sa pag gapang ng ipis sa balikat niya. Pilit kong pinigilan ang sarili kong matawa ng dahil sa reaksyon niya, ay walang ano ano hinawi yun sa balikat niya.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, napako ako kinatatayuan ko ng bigla siyang tumalon at kumapit sa akin. Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa ginawa niya.

"W-wala na." nauutal na sabi ko pero agad ko namang inayos ang tono ng boses ko.

Dahan dahan niyang binukas ang mata niya para tingnan kung wala na ba talaga yun. Medyo nalungkot pa ako ng dahan dahan siyang bumaba sa akin at inayos ang sarili. Nabitin ako, extend pa please sa pagyakap sa akin.

UNDER Series #1: I'm in love with your eyes. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon