Aiden
GUSTO ko na lang utay-utay maglaho habang naglalakad ako sa hallway ng university dahil ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin. I hate attention. Pakiramdam ko'y nagiging limitado ang bawat kilos ko dahil lahat sila'y nakabantay sa bawat galaw ko. Ano'ng gagawin ko para mawala ang atensyon nila sa akin? Makikinig pa ba sila sa akin? Hays!
Nakayuko lang ako habang patuloy sa paglakad. Mahigpit ang kapit ko sa lace ng shoulder bag na dala ko at hinahanda ang sarili sa pwedeng umatake sa akin dahil sa mga nangyari. Baka kasi bigla na namang lumitaw sa harap ko ang kulto ni Theo para maghiganti kuno.
"I can't believe he's really into Theo."
"True, saka sino ba siya? Isa lang naman siyang hamak na estudyante and nothing's special on him kaya bakit pinaglalaanan siya ng oras ni Theo?"
"He's nobody."
Ilan lang iyon sa mga naririnig ko sa paligid. Ganoon ba talaga sila kabaliw sa lalaking iyon para makialam sila sa nangyayari sa buhay niya? Sino nga ba naman ako? Kahit sa kanila na si Theo, wala naman akong pakialam.
Haist! Nasaan na kasi si Delilah at Weston? Bakit ngayon pa sila pumasok ng late?
"Hey, you!"
Napahinto ako sa paglalakad at agad napatingin sa babaeng nagsalita. Tumambad sa akin ang grupo ng mga babaeng tila ba lalapain ako sa matatalim nilang tingin. Nakahalukipkip sila at tila anumang sandali ay aatake sa akin. Bale lima sila.
Kumunot ang noo ko at nagtatakang tinuro ang sarili ko.
"May iba pa bang tao sa harap namin bukod sa iyo?" mataray nitong sabi.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi naman ako pumapatol sa mga babae at wala akong panahon.
"Sa tingin mo maagaw mo sa amin si Theo dahil sa ginawa mong page para ipangalat ang badoy ninyong loveteam?" usal ng babaeng nasa unahan, na lider ata ng grupo. Putok ang blush on niya na para sinapak at lampas pa ang lipstick sa labi niya.
"Sino ka ba? Hindi ka naman magugustuhan ni Theo dahil straight siya," segunda naman ng isa pang babae na halos mangitim na ang mata dahil sa nilagay na black eye shadow doon.
Bumuntonghininga ako. "I'm sorry pero wala akong time para patulan kayo." Tiningnan ko sila. Aba hindi pwedeng magpatalo ako. "Kung gusto niyo si Theo, eh, 'di inyo na, iuwi niyo." Bahagya kong kiniling ang ulo ko. Hahakbang na sana ako palayo nang may maisip akong sabihin. "But, 'yon ay kung makukuha ninyo siya." Nginitian ko sila, saka iniwan silang natulala at bakas ang labis na inis.
"Eh! Buset ka!" gigil na sabi ng babae.
Napangisi ako dahil feeling ko na-satisfied ko ang sarili ko sa ginawa ko. Nang paliko na ako sa hallway, napahinto ako ng makita ko si Elliana at Mila, 'di kalayuan sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko'y biglang nagwala ang sistema ko. Mas hinigpitan ko ang kapit sa shoulder bag na suot ko at kinalma ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.
Kilala na kaya niya ako dahil sa kumakalat na page at issue sa amin ni Theo? Si Elliana kaya? Paano kung pati siya hindi natutuwa sa balitang iyon?
Binalot ako ng kaba habang papalapit na sa akin si Mila at Elliana, paano ako aakto? Dapat ba akong tumingin sa kanila o magpatay malisya na lang at magkunyaring hindi sila nakita?
Pero kahit ano'ng pag-iwas ko, napalingon pa rin ako sa kanila at kapwa rin sila nakatingin sa akin, blangko ang mukha at hindi ko mabasa kung ano'ng iniisip nila sa akin. Naghintay ako na may sabihin sila pero nilampasan lang nila ako. Kahit pa paano'y nakahinga ako ng maluwang nang tuluyan silang makalayo. Pakiramdam ko'y pinagpawisan ako kaya pinahid ko ang noo ko gamit ang likod ng palad ko.

BINABASA MO ANG
When Confession Gone Wrong [BL]
Teen FictionWhat if your confession that supposed to be romantic gone wrong? Iyan ang naranasan ni Aiden Velasco na bumago sa buhay niya sa loob ng Conrad Universty. Aiiden supposed to confess to Mila Chaves, ang ultimate crush niya sa university pero ang inaak...