"Thank you, nak. Pasensya ka na ha?" Ang malumanay na sabi ni mama.
Umiling ako. "Naku, ma, 'wag na tayong mag-drama. Sinu-sino lang ba ang magtutulungan kung 'di tayo?"
Tumawa si mama. "Ewan ko sa'yo, anak. Basta proud na proud ako sa'yo."
"Salamat, ma."
Sa pangingislap lang ng mga mata ni mama tuwing tinitingnan ako, alam ko na. Kahit hindi sabihin ni mama alam ko.
Sa ginagawang pagsasakripisyo ni mama, ramdam ko. At para sa akin sapat na iyon para malaman kong mahal niya ako.
Hindi kami mayaman, pero kahit papaano ay masaya naman kami. Kahit ganito, hindi ko naman nararamdaman na may kulang sa akin... sa amin.
Siguro bukod sa pera. Inaamin ko namang mukha akong pera.
Biglang umilaw ang phone ko kaya napatingin ako doon. May message galing sa magaling kong amo.
Main income 🤑👌:
No more absences this week.
Ville:
K.Main income 🤑👌:
And don't be late. In my unit. 8pm sharp.
Nag-make face ako matapos basahin ang demanding niyang text bago ako nag-reply.
Ville:
👍Napatawa ako ng mag-angry react siya sa reply ko. Ayaw niya kasi ng ganoon. Ang arte lang.
Main income 🤑👌:
Ayusin mo nga ang sagot.
Ville:
Ang arte! Oo na nga.Main income 🤑👌:
Aayusin mo o babawasan ko ang pera?
Ville:
Copy, sir! See you! Mwua mwua 🫶💖🤑🥰😘Ayon lang at nag-seen na siya. Napaikot na lang ako ng mata bago ibinaba ang cellphone para harapin ang hugasin ko.
"Boyfriend mo ba 'yon, nak?" Napaigtad ako ng may magsalita sa tabi ko.
"Ma! 'Wag ka ngang nanggugulat. Saka anong boyfriend? Wala akong oras para sa boyfriend-boyfriend na 'yan. Mahaba ang pila pero hindi pa ako handa."
Malakas na tumawa si mama pero agad ding tumigil at napadaing nang magalaw yata ang isa sa tahi niya.
"Ang feelingera mo talaga, anak. Mabuti na lang at nagmana ka sa akin." Ang natatawang komento ni mama na ikinairap ko.
Anong feeling? Totoo kaya 'yon.
"Pero sino ba 'yon? Nakita ko madaming puso-puso sa reply mo tapos may mwua mwua ka pa."
Napapadyak ako sa narinig kay mama. "Mama naman! Ang chismosa mo. Saka biro ko lang 'yon 'no."
"Eh okay lang naman, anak, kung may boyfriend ka. Gusto ko nga iyon at ng hindi ka puro aral at trabaho."

BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...