抖阴社区

23

16.5K 737 428
                                    

Ville Jet Abellar

Bago pa man ako makapag-react sa nangyari ay nakita ko na lamang ang sarili na hila-hila ng isang malaking kamay palabas ng open gym ng barangay.  Tinanaw ko ang malapad niyang likuran habang dire-diretso siyang naglakad patungo sa sasakyan niya. 

Maraming katanungan ang nasa utak ko pero ni isa walang gustong lumabas. 

Anong ginagawa niya dito? Hindi ba ay dapat kasama niya ngayon si Blythe?

Bakit gan'on ang sinabi niya doon? 

Bakit niya ako ginugulo?

Ano'ng ibig sabihin ng lahat ng ito?

Am I supposed to accept everything then act like it's nothing? Naguguluhan ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng magulo. Nakakatakot. 

Tila natauhan ako doon at malakas na hinila pabalik ang kamay ko mula sa kaniya bago niya ako maipasok sa sasakyan. Dahil sa tangkad at itsura nitong kasama ko, kitang-kita ko ang paglingon ng bawat taong nadadaan malapit sa amin. 

"Ano sa tingin mo iyang ginagawa mo?" 

Tirik pa ang araw at panay paypay ang mga tao sa paligid pero bakit ang lamig ng pakiramdam ko? Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko akala ko naka-JBL speaker. Charot! 

"Anong ano?" Ang kunot-noong tanong niya na kumuha ng atensyon ko. Aba! Nagmamaang-maangan ang loko. 

Isang masamang tingin ang ibinato sa kaniya. "Alam mo ang ibig kong sabihin, Rocket. Tanga ka ba? Hindi naman di ba. Hindi ka dapat nandito."

Kaagad nawala ang mga linya sa kaniyang noo. Seryoso niya akong tiningnan at humakbang papalapit. Napalunok ako at kusang napaatras. Anak ng! Anong problema ng lalaking 'to? Napalunok ako ng maramdaman ang mainit na sasakyan sa aking likuran. Shet. 

Initukod niya ang isang kamay sa aking gilid habang ang isa ay hinawak sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Aburido kong tiningnan kung saan ako pwedeng tumakas now na now na. Hindi na yata kakayanin ng katawan ko ang malakas na tibok ng puso ko. Parang any minute lalabas na siya sa katawan ko. 

Tiningala ko siya at sinubukang magpakamaldita. Hindi tayo titiklop. Never! 

"Bakit? Saan ba ako dapat, Ville?" Ang tanong niya sa mababang boses, walang ano mang bahid ng pagbibiro sa mukha niya. 

Napakurap ako. Lord, please, sampalin niyo ako. Ilayo niyo ako sa demonyong ito. 

"I'll be wherever I want to be, Ville. And I wanted to be here. Not where you think I should be." 

Nagulat ako ng biglang tumaas ang gilid ng labi niya. Mula sa pinto ng sasakyan ay napunta ang mga daliri niya sa mukha ko. Biglang nag-panic ang utak ko at ang nagawa na lang ay napapikit.

 Ipinagpasadiyos ko na lamang ang mangyayari sa mga oras na ito. Sana hindi ako i-judge ni lord. Iyong ibang mangj-judge wala akong pake sa inyo. 

"May pilikmatang nalaglag, look." 

Napamulat ako ng mga mata sa sinabi niya. Pagdilat ko kaagad niyang hinipan sa harapan ko ang pilikmata at hinila ang pisnge ko. Hindi man lang ako binigyan ng oras makapa-violent reaction dahil inilapit niya kaagad ang mukha niya sa akin. 

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon