抖阴社区

CHAPTER THREE

878 8 0
                                    

Dahlia's PoV

Lahat ng pagod at antok na nararamdaman ko ay tila ba naglaho habang nakikinig sa kuwento ng bata. He seems fine, parang wala ngang sakit eh.

"Momma?" napakurap-kurap ako nang marahan nitong hawakan ang aking mukha pilit akong tinitingnan sa mata.

"Huh?" of course it will be my initial reaction, but right now it seems so wrong. Lalo na nang nakita ko kung paano bumagsak ang balikat nito.

"You're not listening to me, momma" malungkot nitong saad saka umatras. Mabilis akong tumayo at naupo sa tabi niya, trying to console him.

I'm really close with my pamangkins, at alam ko ang pakiramdam kapag nagtampo sa'yo ang isang bata. And this kid is not an exception.

"I'm sorry for not listening" mahina kong saad, pero ngayon naman eh hindi na siya umatras pa.

"Son, she seems tired. Look she's a doctor." Agad na sumingit sa usapan namin ang lalaki na ngayon ko lang napagtanto na nandito nga pala.

Tiningnan ako ng bata at ngumuso.

"My momma is a doctor?" tila lumiwanag at bumalik ang sigla nito.

Tumikhim ang lalaki at naramdaman ko ang yabag nito papalapit sa pwesto namin, I can't remember when I became so concious with myself. Wala pa akong ligo at maayos na tulog kaya siguradong-sigurado ako na mukha akong stress!

"She's not your--"

"It's hard to be doctor eh? I look stress right?" I interrupted him, and I know I did something horrible! I just declare I am his freakin' mother unintentionally!

"You're not! You're still pretty, momma!" saka muli nitong hinaplos ang pisngi ko. Ngumiti ako at marahan siyang tinitigan. I don't know why this kid is in this situation. And I feel sad for him, napagkakamalan niya na nanay niya ang isang stranger, ibig sabihin hindi niya kilala ang nanay niya?

Marahan akong bumaling sa lalaki, at nakita ko ang pag-igting ng panga nito saka bumuntong hininga.

"Is that... is that your reason why... why you never see me? Or.. check on me?" I was taken aback when he said that!

"Uhh...--"

"You have to rest son para makalabas ka na ng hospital. Diba ayaw mo rito? So you have to sleep." Iyon na ata ang pinaka nagustuhan kong pag i-interupt niya.

"You're not listening." Malungkot na saad nito at halos umusod tila lalayo sa akin. I panicked and immediately holds his hand.

"Look baby, you have to rest then if you're really okay, we will talk okay?" nabuhayan ang itsura nito saka sunod-sunod na tumango. Pero kahit hanggang sa paghiga nito ay hawak-hawak niya ang kamay ko. Bumuntong-hininga ako saka bumaling sa lalaki na ngayon ay tahimik na nakatitig sa anak.

Muli kong tiningnan ang bata at ilang minuto pa bago naging kalmado ang paghinga niya at unti-unti rin nitong nabitawan ang kamay ko.

"I'm sorry for that." Mahinang saad ng lalaki, umalis ako sa tabi ng hospital bed at naupo sa may sofa.

"He's good kid. Halos ka-edad niya rin ang mga pamangkin ko." Mahinai kong saad habang nakatingin sa batang payapang natutulog ngayon.

"You don't have to lie, mas mabuting alam niya ang totoo." I sighed.

"I know, alam na alam ko iyon dahil mas masakit na malaman na nagsisinungalin ang tao sa'yo kesa sabihin ang totoo. But I can't hurt the feeling of that innocent child. I have no heart" saka muling bumuntong-hininga, naupo ang lalaki malapit sa sofa saka muling tiningnan ang bata.

Between your Dreams|?|Dream Series 5|?|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon