抖阴社区

We Are Lucky

228 4 5
                                    

Ang hirap talagang maging people pleaser. Iba talaga kapag nasa iyo ang lahat ng expectations ng mga tao na nasa paligid mo. Gusto mo silang mapasaya, kahit na ang kapalit no'n ay ang pagsuway mo sa sariling kagustuhan.

"Hi, Lucky," bulong ko sa pusang nagtatago sa likod ng poste. Nang makilala ako ay agad itong tumakbo sa akin at bahagya pang tumayo gamit ang dalawang paa para maabot ako.

Natawa ako nang dilaan nito ang tuhod kong exposed.

Lucky is a pure black cat. Para ko na siyang sariling pet kung alagaan. Kung minsan ay dinadala ko pa siya sa campus para paliguan nang mabilisan.

"Here's my treat for you. Thank you for waiting for me!" masayang saad ko at binigay sa kaniya ang binili kong cat food kanina lang.

Kinuha ko ang clamshell galing sa fastfood na kinainan ko kanina. Nilagay ko sa kabila ang cat food, sa kabila ang tubig.

"Eat well, Lucky,"

"What are you doing here, Jhoanna?"

I looked up and saw Eugene. He's wearing plain t-shirt and shorts. Both of his hands are inside of its pockets.

"Uy, nandito ka pala. Dinalaw ko lang si Lucky,"

He chuckled then sat next to me. Malamig ang gutter na inuupuan namin pero hindi namin alintana iyon.

"Araw-araw kita nakikitang pinapakain 'tong pusa na 'to. Hindi ko alam na pati pala weekends ay nandito ka."

Busy si Lucky habang kumakain pa rin. Alas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako hinahanap sa bahay.

"Nahirapan ka ba sa exam kahapon?" casual na tanong niya.

I sighed heavily then rolled my eyes. Heto na magra-rant na ako. "Grabe si Prof. Deveza, 'no? 1-50, identification?! Hindi na ako aasang papasa ako sa subject niya! 24 lang score ko!" halos maiyak ako nang maalala 'yon. Isang subject pa lang 'yon, ha?

Malakas na tumawa si Eugene. "Ako 20 lang."

Para akong nakahinga nang maluwag. "Magkalapit lang tayo! May karamay pala ako! Akala ko nag-iisa lang ako."

"Papatayin yata tayo ng Prof na 'yon, eh. Pigang-piga utak ko. Kinopya ko pa 'yong 5 items kay Ronnie."

Natawa ako nang malakas. Kapag ganitong problemado ang section namin, tinatawanan na lang namin. Minsan nagpapababaan pa kami ng score.

"Tres nga ako sa kaniya nitong unang sem," natatawang kwento ni Eugene. I like how carefree he is. Sana kaya ko ring gawin 'yong ganiyan. Tinatawanan 'yong mababa kong score o grade. Walang magagalit sa akin kasi hindi mataas ang score o grade ko.

Tinapik ko ang balikat niya. "Okay lang 'yan! Basta pasado!"

Tiningnan niya akong parang hindi makapaniwala. "Anong okay lang? Muntik na ako ma-INC!"

Sabay kaming natawa na naman. Alam kong sinasabi niya 'to para mas gumaan ang pakiramdam ko.

Nagkwentuhan pa kami nang matagal. Nang mag-alas nuebe ay tumayo siya. Inalok niya sa akin ang kamay niya kaya kinuha ko 'yon at tinulungan niya akong tumayo. Sumakit ang likod at binti ko sa tagal ng pagkakaupo.

"Hindi ka pa ba uuwi, Jho?" tanong niya. Niligpit niya sa basurahan ang pinagkainan ni Lucky. Umalis na rin si Lucky at hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.

"Hindi pa naman ako hinahanap pero uuwi na ako,"

"Gusto mong ihatid na kita?" tanong niya.

"Huwag na. Gagastos ka pa. Wala kang kasama pag-uwi mo."

BINI × Parallel UniverseWhere stories live. Discover now