Oo, bakla ako. Pero kagaya pa rin ako ng ibang tao. Sexual preference at gender identity lang ang naiba sa akin pero nanununtok pa rin ako ng mga walang modo.
Nalusaw ang mapaglarong ngite ni Jasper at malakas na tumikhim. Bahagyang lumambot ang ekspresyon niya sa mukha at nahihiyang napakamot ng batok.
"Sorry," ang mahina niyang sabi. "May message ako sa'yo. Just check it. I want your reply ASAP."
Kumunot ang noo ko. "Ang arte naman! Pwede mo namang sabihin sa personal."
Marahan siyang natawa at ginulo ang buhok ko. "Ang kulit. Tingnan mo na lang kasi."
Muling nagkantyawan ang mga kasamahan niya. Si Jasper naman ay naiiling lang.
Malakas na tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng afternoon period kaya agad na nagsitakbuhan ang grupo nila Jasper. Hindi naman ako nagmamadali dahil ilang pinto na lang at room ko na.
Nagtaka ako ng nanatiling nakatayo si Rocket sa kinatatayuan niya habang matamanh nakatingin sa akin.
"Don't ruin my friend's life with your dumb gay shits, Abellar."
Napagting ang tenga ko doon. "Excuse me?"
"You know what I mean. You might have the luxury to express yourself because you have no social responsibilities but Jasper don't. So don't infect hi—"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil hindi ko na kaya pang marinig ang susunod niyang sasabihin.
Alam kong nanunubig na ang mga mata ko nang tingalain ko siya. Pero nagawa ko pa ring ngumise nang ulitin ko ang sinabi niya. "Luxury."
"Rocket, kung may luxury man talaga ako hindi ko aabusihin ang katawan ko ng ganito," ang natatawa kong sabi sa kaniya pero sobrang sakit na ng lalamunan ko. "Kung may luxury man ako edi sana iyong afford ko nalang mag-lunch di ba? Afford kong matulog 8 hours a day. Afford ko ang yaya sa mga kapatid ko. Afford ko ang magbabantay kay mama. Afford kong mag-aral ng walang grades na hinhabol.
There's more in me than my gender, hayop ka Rocket. Bakla ako, oo, pero hindi naman ako special. Hindi naman ako COVID-19. Jusko, Rocket, tao lang din ako, ano ba?
Hampaslupa lang ako pero tao pa rin ako. Deserve ko naman siguro kahit kunting respeto. Kahit kunti na lang, Rocket. Kahit hindi na buo."
Mabilis kong pinalis ang luhang tuluyang kumawala at tinalikuran siya. Mabilis akong naglakad habang paulit-ulit na pinunasan ang mga luha ko.
Singbigat ng damdamin ko ang bawat hakbang na ginagawa ko.
Sanay naman akong kinukutya. Lumaki akong bida sa bibig ng mga marites sa kanto. Center of tuksuhan. Top 1 sa most bullied sa school. Ikaw ba namang bakla na nga, may tatay pang may kabit at baon sa utang tas ang nanay pokpok pa.
Oh di ba? Perfect recipe para maging pinakamalas na tao sa mundo.
Pero iyong mga karanasan kong iyon ang nagpatatag sa akin. Akala ko hindi na ako masasaktan sa mga sinasabi ng iba kasi nakasanayan ko na eh. Akala ko hindi na ako madadala.
Pero bakit ganon?
Bakit labis-labis na namang nakakababa ng loob ang mga pinagsasabi ni Rocket sa akin? Hindi siya katunog ng mga magagaan niyang insulto.
Bakit pakiramdam ko totoo? May laman? Na iyon talaga ang nasa loob ng puso niya?
After everything na ginawa ko para lang turuan siya. Para lang ipaintindi sa kaniya ang mga topics. Oo, nagbabayad siya sa akin. Oo, nakikipagbardagulan ako sa kaniya. Pero I'm secretly rooting for him.

BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...