抖阴社区

                                    

Kasi ako naniniwala ako sa kaniya. Nirerespeto ko siya kaya kailanman hindi ko ginawang katatawanan ang kahinaan niya. Ni minsan hindi ko siya ininsulto dahil doon. I looked passed his flaw and looked at him as a human— flawed but respectable.

Pero bakit siya sobrang dali sa kaniyang insultuhin ako?

"Ville, okay ka lang?" Ang tanong ni mayor sa akin nang magkasalubong kami sa pintuan ng room.

Sumisigok na akong tumango sa kaniya. "Okay lang, pasensya ka na."

Ayaw kong makipagusap kahit kanino kaya pumasok ako sa room at nakayukong naupo.

Nagpapasalamat ako na nasa pinakagilid ang chair ko kaya hindi ako masyadong pansin. Buti na lang din at hindi marites iyong mga kaklase ko. Backstabber lang talaga.

Mapait akong napangite sa sarili.

Kahit oras mag-isa hindi ko man lang mabigay sa sarili ko. Hays. Apakapulubi nga naman.

Sa awa ng Diyos natapos ko iyong klase namin na puno ng luha, hinanakit at sama ng loob. Nang palabas na si Mrs. Del Carmen, nginitian pa niya ako. Tumango lang ako sa kaniya at ngumite.

Alam ni ma'am na scholar ako at may sideline. Syempre hindi siya approve sa ginagawa ko pero nang minsan niya akong nakitang nagtratrabaho bilang kargador sa palengke, ayon, wala na siyang say.

Walang lingon-lingon akong dumaan sa circle kung nasaan nagp-practice ang grupo nila Rocket. As usual, madami na namang nakaabang. Lihim na lamang akong napailing. Kung alam lang nila kung gaano kasama ang ugali ng hayop na 'yan.

Umiinit na naman ang ulo ko kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Nahinto lang ako nang may bolang tumigil sa harapan ko. Hindi nagtagal ay may lalaki namang singtangkad ng tore ang tumigil sa harapan ko.

Sinulyapan ko lang siya bago nilagpasan. Sa lahat ng demonyo siya lang ang ayaw kong makita ngayon.

Diretso akong umuwi pagkatapos non. Akala ko hindi napansin ni mama ang pamumugto ng mga mata ko dahil wala naman siyang sinabi kahapon.

Pero biyernes kinaumagahan ay kinausap ako ni mama habang pinapainom ko siya ng gamot niya bago ako pumasok sa school.

"Nak, okay ka lang sa school mo?" Ang mahinang tanong niya sa akin.

Walang pagdadalawang isip akong tumango. "Okay naman po, ma. Wag po kayong mag-alala."

"Alam mong mag-aalala at mag-aalala ako, Ville. Sabihin mo sakin pag may problema ah? Para matulungan kita."

"Opo, mama. Pero alam mong strong ako kaya 'wag ka pong ma-stress."

"Alam ko, anak. Pero nanay mo ako at handa akong gawin lahat para sa inyo tandaan niyo yan."

Hindi na ako nagsalita at hinalikan na lamang siya sa pisnge at nagpaalam para pumasok. Alam ko naman 'yon pero kaya ko pa naman. Sus, ano ba naman ang kunting luha at insulto di ba? Hindi ko naman ikakamatay 'yon.

Lumipas ang buong araw na hingal at pagod ako dahil may grand performance kami sa P.E. Putanginang subject 'yan, mas mahirap pa 'to kesa sa mga major subjects namin. Hindi ko kasalanang puro kaliwa ang mga paa ko.

Hindi ako dumiretso pauwi. Galit ako kay Rocket pero kailangan ko ng pera ngayon. Kaya kong lunukin ang pride ko para sa pera. Para mabuhay ko ang pamilya ko.

Nakaupo lang ako sa tabi ng pintuan ng unit ni Rocket habang hinihintay siya. Nagr-review ako ng notes sa phone nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin.

Seryoso niya akong tiningnan. Hindi ko siya pinansin at tumayo na lamang at tumabi. Nasa ulohan ko kasi iyong tipaan ng password.

Tahimik niya rin namang binuksan ang pintuan ng unit niya. Wala kaming imikan dalawa habang papasok ng unit niya.

"Naghapunan ka na ba?" Ang tanong niya habang binubuksan ko ang laptop sa sala.

Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ang pagkalikot sa laptop. Kunti lang naman ang topic ngayon, about lang sa rules ng essay writing para sa paparating na Academic fest.

"Magsimula na tayo."

"Go home." Natigilan ako sa sinabi niya. Lihim akong kinabahan sa sinabi niya. "Bakit?"

"I don't want your service on the expense of your health."

Sarkastiko akong natawa. "Ang arte mo. Hindi ako mamamatay dahil dito. Ano mang mangyari sa akin labas ka na doon. Hindi naman kita sisisihin."

Matagal niya akong tinitigan bago siya tuluyang sumuko. Sinimulan ko na ang discussion ko at pinasubok ko rin siyang gumawa ng title at ilang eye-catching intro para sa mga topics na ibinibato ko sa kaniya.

Minsan nagtataka talaga ako kay Rocket. Parang hindi naman siya bobo. Pero bakit ang bababa ng mga scores niya dati? Hindi niya alam ang mga topics pero pagkatapos kong ma-introduce ang mga topic naging okay din naman ang mga performance niya over time.

Tamad lang ba siya? Walang interes?

Sa kalagitnaan ng discussion namin, tumunog iyong doorbell.

"Saglit lang," ang pagpapatigil niya sa akin bago tumayo.

Hindi nagtagal ay muli siyang bumalik sa harapan ko. Pinanood ko siyang nilinisan ang lamesa. Lihim akong napalunok nang isa-isa niyang ilabas ang itim na mga box na may lamang pagkain.

"Let's eat," ang pag-aaya niya nang mailagay ang isang box na may lamang rice sa harap ko.

Merong mga iba't-ibang ulam sa tatlong boxes tapos merong mga cheesecake sa isa. Cheesecake. Ang kahinaan ko.

Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Hindi ko pwedeng traydorin ang sarili. Tandaan mo ang ginawa kahapon ng animal na 'to.

Marahas ang ginawa kong pagbuntong-hininga at saka umiling. "Okay lang. Kumain ka na."

"1k."

Napatingin ako sa kaniya. "Finish your food, dadadagdagan ko ng isang libo ang bayad ko sa'yo."

Napatitig ako sa kaniya, tapos sa pagkain na nasa harapan ko. "Totoo ba 'yan?"

"I don't lie."

"Pati iyong sinabi mo sa school sa akin?" Ang wala sa sarili kong tanong habang pinupulot ang mga kubyertos.

Binalot kami ng katahimikan. Napatigil din ako nang mag-sink in sa akin ang binulalas ko. Malakas akong tumikhim. Iwas na iwas na magtagpo ang mga tingin naming dalawa.

Loko ka, Ville! Dapat sa'yo inii-scotch tape ang bibig eh.

"Nga pala, mukhang sasali si Blythe Ong sa essay writing. Siya daw pambato ng strand nila." Ang pag-iiba ko na lang ng topic.

"Except that."

"Huh?"

"I don't lie... except for that one."

Mapait akong napangite sa kaniya at umiling. Tiningnan ko ang pagkain at ramdam ang unti-unting pagkawala ng gutom.

"Ako pa talaga lolokohin mo."

"Believe what you want to believe, I can't blame you for that, but what I said before... I know I didn't mean it."

Tumango ako. "Okay lang. Sanay naman ako. Hindi mo kailangang magsinungaling."

"I'm..." malakas siyang tumikhim kaya napatingin ako sa kaniya. "I'm sorry, Ville."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Huh?"

"I'm sorry and I deserve that slap."

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon