抖阴社区

37

9 1 0
                                        

-

"Jigz! Jigz! Jigz!"

Napatingin siya saakin, nakita ko kung paano balutin ng pagtataka at pag–a–alala ng mga mata niya.

"Nakapasok ako!!" I squealed.

Nanlaki ang mata niya at inilagay agad ang cellphone sa back pocket ng pantalon niya.

"Seryoso?! Nakapasok ka?!" Nakangiti rin na tanong niya.

"Nakapasok ako!!" Tumalon ako at tumalon–talon rin siya.

"Nakapasok ka!!"

"Oo! Oo! Nakapasok ako!!"

"Nakapasok ka nga!!"

"Teka nga! Teka nga! Talon ka ng talon! Hindi ka ba napapagod?" Tumigil ako nang kakatalon at sinamaan siya ng tingin.

"Eh tumatalon ka eh, nahawa ako." Napahawak siya sa batok niya at napangiti na akala mong nahihiya.

"Eh ikaw ba? Nakapasok ka??" Tanong ko sakanya.

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at bumagsak pa ang balikat. I was ready to comfort him when he suddenly smile wide and say;

"Nakapasok rin ako!!" He happily said.

"Hala gago, congrats sa'tin!!" Kinuha ko ang kamay niya at ipinag fist bump ito.

We started walking since we are the only people who are on the building.

"Sulit ang hard work 'no?" Tanong ko sakanya habang pumipindot siya ng button sa elevator.

"Yeah, sulit na sulit." He looked at me and smiled.

***

"Out of one–fifty, sampu lang kaming nakapasok."

Ngumisi ako at kumuha ng fries.

Nilunok muna ni Jigz ang pagkain na nasa bibig niya bago magsalita.

"Bakit saamin two–hundred tapos ang napili lang lima?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Nasa Jollibee kami ngayong dalawa para treat na rin namin sa sarili at lunch.

"Seryoso? Congrats!! Grabe, ang galing mo naman pala." Simimsim lang siya sa cokefloat niya at ngumisi.

"Nasabihan mo na ba sila Tito?" Umiling ako.

"Hindi pa pero papunta na rito sila Ella kasama ang tatlo." Sabi ko.

"Pupunta lahat ng kapatid mo?" Tanong niya.

Tumango lang ako at hindi nagsalita.

"Ate!!"

I raised my brows at him and smirked.

"Speaking." I said before looking at my back.

Papunta sa'min ang apat kong kapatid. Si Ella na mukang katatapos lang sa shooting, Si Khelzz na bagong ligo, Si Alhyanna na busy sa cellphone at lastly na si Dykeezyh na mayroong hawak na libro ay papunta sa direksyon namin.

"Hello, kumain na kayo?" Tanong ni Jigz sakanila pagkarating nila sa table namin.

"Hindi pa po, Kuya." Ngumiti ng matamis si Khelzz.

Tumawa naman si Jigz bago umalis sa kinauupuan niya pero bago pa siya makalayo ay tinawag ko siya at pinalapit ulit saamin.

"Kuhanin mo yung wallet ko sa back pocket ko," Utos ko sakanya dahil hindi ko magawa dahil mamantika ang kamay ko pareho.

His brows knitted in confusion but still follows my instruction.

"Ako ang magbabayad—" sinamaan ko siya ng tingin bago magsalita.

Passenger Prince (Cousin Series #1)  UNDER MAJOR REVISIONWhere stories live. Discover now