Rouel POV
"Sige na, sige na, sige na..... Please" Paulit ulit na Sabi ko.
"Ano ba sinabi na ngang ayoko Diba, A-YO-KO" Mukhang Galit na Galit na talaga siya.
"Sige na.... Please......" Pag mamakaawa ko. Lumipat pa ako sa kabilang condo malapit sakanya para lang mapapayag siya.
Gusto ko kasi siya ang mag de-design ng Bahay ko.
"Tigil tigilan mo nga ako Hindi ayoko wag kang makulit." Napanguso ako.
"Bakit ba kasi ayaw mo?" Galit niya akong nilingon.
Nandito kasi siya sa office niya well nasa trabaho siya to be exact, gusto ko lang talaga siyang guluhin.
"DaHil ayaw ko. Period."
"Sige na.... Hindi na kita kukulitin pag pumayag ka" Pang aakit ko hehe sa ganong paraan baka pumayag siya.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa, Saka unti unting humarap sa akin. Napangiwi Naman ako ng Malaki.
"Ok, tutal maganda ang offer mo na Hindi ka na mangungulit once na pumayag ako.... Sige" Napa Yes Naman ako dahil duon.
Hehe maaakit ko siya.....
***
Nandito kami Ngayon sa Lugar kung saan itatayo ang Bahay na ipapagawa ko.
Actually Meron na Akong idea ng Bahay. May blueprint na nga din ako, gusto ko lang talaga siya ang mag de-design ng Bahay namin hihi.
Oo namin bakit may angal.
"Gaano ba kalaking Bahay ang ipapa design mo at sobrang lawak nitong lupain na toh." Tanong niya sa akin.
"Well gusto ko kasi Yung merong malawak na bakuran." Napalingon siya sa akin dahil sa sinabi ko.
Alam ko gusto niya Yun.
"Yung simple lang pero eleganteng tignan." Napatango tango siya.
"Ok then." Pag ka Sabi niya non ay nag lakad na siya patalikod.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko rito. Tumigil siya at Saka tumingin sa akin ng nag tataka.
"Uuwi na gagawin ko nalang yang mga sinasabi mo malaking clue na mga binigay mo." Saka siya tuluyang umalis.
***
"Hello?"
Mukhang kagigising niya lang hehe.
"Ahh.. ano... Mag kita tayo sa coffee shop malapit sa condo building" Bungad ko sakanya.
"At bakit?"
Mag de-date tayo mahal ko hehe.
Pero syempre di ko sinabi Yun ayoko pa ma deds.
"Yung about sa Bahay." Tumahimik ang kabilang linya.
Teka bakit Hindi siya nasagot.
"Hello?"
Wala na talaga. Tinignan ko pa ang screen ng cellphone ko para kompirmahin kung pinatay niya ba.
Meron pa Naman.
"Hello?"
Tawag ko ulit, bakit kaya?
Mag he hello pa sana ulit ako ng may marinig Akong humihilik sa kabilang linya.
Oww haha mukhang inaantok pa talaga siya ng sobra. Kaya Naman pinatay ko na Ang tawag para hayaan siya.
Pupuntahan ko nalang Siya sa condo niya Mamaya para sunduin.
***
Itutuloy......
